Yeng Constantino doing very well after "Pinoy Dream Academy"


Pinoy Dream Academy Grand Winner Yeng Constantino is without a doubt making her dream come true, with her hit album, a budding acting career, and several endorsements.



In a little over four months since Dream Music released Yeng Constantino’s debut album entitled Salamat, nakatala na ang album ng Triple Platinum record status, ayon sa report ng PARI (Philippine Association of the Record Industry, Inc.). Ibig sabihin, more than 60,000 units na ang nabentang album ni Yeng, in spite of the fact na naglipana na rin ang pirated versions nito everywhere.

In its first week of release, naka-Gold Record status na agad ang Salamat selling over 15,000 units. Sa ikalawang linggo, naabot na agad nito ang Platinum Record status by selling over 20,000 units.

This is Yeng’s second platinum record dahil kasali rin siya sa Pinoy Dream Academy Compilation album na naka-abot din ng Platinum Record status.

Award-winner na rin ang album and the singer.

A cut in the album, "Hawak Kamay," ay ginamit na theme song ng Star Cinema for the movie Kasal, Kasali, Kasalo starring Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo. It won the Best Festival Theme Song sa 2006 Metro Manila Film Festival.

Si Yeng naman ay nagwagi as Best New Female Singer ng Guillermo Mendoza Memorial Awards 2006.

Papasukin na rin ni Yeng ang daigdig ng pag-arte. Kasalukuyan nang inaayos ng ABS-CBN at Dream Big Productions ang unang teleseryeng tatampukan niya. Yeng has also been an effective endorser dahil may dalawa na siya, for Penshoppe and Globe, and soon, a third endorsement for a softdrink brand.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN