Nyoy Volante reacts to the label King of Acoustic Pop


Nyoy Volante will promote his newest album titled In You this Saturday, July 31, at the Venice Piazza McKinley Hill.


After quite an absence from the recording scene, nagbabalik sa kamalayan ng mga music lovers ang tinaguriang King of Acoustic Pop na si Nyoy Volante.


He has a brand new album titled In You mula sa MCA Music, his new record label. This new all-original 10-track album is Nyoy’s first album under his new record company.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Nyoy sa album launch na ginanap noong Sabado, July 24, sa second floor ng Eastwood Mall sa Libis, Quezon City. Magkakaroon pa siya ng isa pang live performance on July 31 sa Venice Piazza McKinley Hill (8 pm) upang i-promote ang kanyang bagong album.


Is he comfortable being labeled as King of Acoustic Pop?

"I have to be loyal to the thing that got me here. Unfortunately, hindi na kasi applicable kasi hindi na kami acoustic. Mayroon na kaming electric guitar and mayroon na rin kaming drums. Hindi na siya acoustic. But I think in some sense, ganoon pa rin ang music ko, pag akong mag-isa. Regardless of that, yung music namin pareho pa rin naman. Hindi na nga lang acoustic ang genre kapag tumutugtog kami," bungad ni Nyoy.


Pero comfortable ba siya na tawagin as king?

"Well, nasanay ako roon. Alam mo, hindi ko naman alam kung sino ang nagbibigay ng mga titles na iyan. Siyempre masarap na matawag na king, hindi ba? Pero siguro at one point, yung mga nagbigay ng title na iyon, believe that. Siyempre tagatanggap lang naman ako so tanggapin na lang natin. Pero, ako it’s just about making the music. Doon na lang tayo. Just be happy with what you have and continue doing it," wika ng singer.


May pressure ba to live up to the title as King of Acoustic Pop?

"Ang pressure lang naman is to top yourself. Siguro kung anuman ang gimagawa mo, let the people decide kung deserving ka ba sa title na ibinigay sa iyo. Siguro kailangan mo lang i-maintain ang ganoong quality. So the pressure is for you to be always on top of your game. Parang pag nag-release ka ng album, it should be better than the last. There’s always the pressure of having an album."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Hindi ito ang unang all-original album ni Nyoy pero ito ang una niya under MCA Universal kaya naman baby kung ituring ni Nyoy at ng kanyang bagong banda na Rhythmic Circle ang In You.

"Actually, this is the second all-original album that I did but this is the first with MCA Universal. Kaya naman excited kami about this project kasi baby namin ito. Talagang pinagbutihan namin. Medyo hands on kami rito," kwento pa niya. They would have been finished recording the album in three months kung hindi sila nagkaroon ng break sa recording session.


How long does it take for him to write a song?

"Minsan mabilis, minsan mabagal. Depende sa mood. Minsan it takes me days, minsan five minutes lang tapos ko na ang kanta. Depende rin sa kanta," sabi pa ni Nyoy na mas heartfelt daw ang mga awiting nakapaloob sa In You.


Sa palagay ni Nyoy, ano ang magic ng mga songs niya at patuloy pa rin itong click sa mga tao?

"Kasi pag gumawa kami ng kanta, gusto talaga namin ay makapagpasaya ng mga tao. Ang laging purpose namin ay magustuhan ito ng mga tao kaya nga ang laging tanong namin when we write a song is magugustuhan kaya ito ng mga tao? Of course, may mga factors na gusto mong galingan kasi para sa self-fulfillment pero part lang iyan. Palaging ang main purpose ay kung magugustuhan ito ng mga tao. Tapos pag ginagawa na namin, tinatanong din namin ang isa’t-isa kung sa palagay ba namin ay magugustuhan ito ng mga tao.


"I guess siguro dahil talagang ginagawa namin para samga tao kaya nagugustuhan nila. Kahit na nai-record na namin pero if we feel na hindi maganda binabago namin para mas mapaganda pa," mahabang pahayag ni Nyoy.


Ano ang difference ng album na ito compared sa pop albums na ginawa niya in the past?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Trait naman namin iyon as a group. We always have that quality. We are very excited with this one kasi first project namin with MCA Universal. Gusto talaga naming magpakitang gilas sa kanila. Fortunately, hindi ganoon ang nangyari kasi sabay-sabay kami ng MCA Universal na nagpakitang gilas sa isa’t-isa. Naging parang isang malaking event ang pagsasama namin dito sa album na ito with MCA Universal.


Ano ang driving force nila sa bawat project?

"You should always have that thirst for something new to prove yourself. Actually, nag-experiment kami nang husto."

Ano ang kuwento sa "Someday" the carrier single of In You?

"Istorya ng isang typical na heartbroken. Nung sinulat ko iyan, siguro may napanood lang ako sa TV. Lahat naman tayo dumadaan sa typical na heartbreak."

Kasi parang may hawig sa pinagdaanan mo ang lyrics ng song, di ba?

"Hindi naman kailangan na maging personal experience para ma-feel mo iyon. Minsan nanonood ka lang ng TV pero naiiyak ka na. Kahit paano nakaka-relate ka so di necessarily kailangan maging personal experience.


Among the songs, alin ang favorite song mo?

"Yung ’Time Machine.’ Ang istorya niyan, may ginawa siyang hindi maganda tapos nawala yung mahal niya. Istorya nga iyan, hindi based sa totoong buhay. Gusto niyang bumalik sa past para ayusin yung mali na ginawa niya," pagwawakas ni Nyoy.


Will MCA Music market this album abroad?

"I hope so. Sana. Pop na pop naman ang album," sabi ni Nyoy.


Other tracks in the album include "In You," "Try" and "Tuloy Tuloy." The album In You is now available in all major record bars nationwide and released exclusively under MCA Music.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN