Piolo Pascual might join Dennis Trillo in IndiMusic


"Hindi ako nati-threaten dahil magkaiba ang music namin. Balladeer siya,ako more on rock. Feeling ko, walang magiging competition sa amin atsaka Piolo Pascual na siya," says Dennis Trillo (right) about the report that Piolo Pascual (left) will transfer to IndiMusic.



Muling nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang young actor na si Dennis Trillo last May 17 sa taping ng Super Twins sa Marcelo compound sa Sta. Ana, Manila.

Alam ni Dennis na nagkaroon ng negative reaction ang kanyang fans dahil sa sexy interview niya na lumabas dito sa PEP. Natawa ito sa nalamang may mga fans pala siyang naniniwalang hindi niya kayang magpaka-naughty minsan.



Gustuhin man ng PEP na magkaroon ng Part 2 ang sexy interview ni Dennis ay hindi pumuwede dahil pagod ang young actor at pinagpapawisan nang aming lapitan. Sa katunayan, nagpapamasahe si Dennis habang naghihintay ng susunod niyang eksena nang kausapin siya ng PEP. Dala ‘yon sa sunud-sunod na action scenes na kanyang ginawa sa Super Twins, first as Eliazar and then as Eliseo, at may kasama pang harness ‘yon at malakas na blasting.



Samantala, sa album launching ng movie soundtrack ng Paano Kita Iibigin nina Regine Velasquez at Piolo Pascual, nabanggit ang posibleng paglipat ng actor-singer sa IndiMusic after his contract with Star Record expires. Ang kagustuhang maging album producer ang Asia’s Songbird ang isa sa mga rason sa planong pagbabago ng record label ni Piolo. Si Regine kasi ang isa sa may-ari ng Indi Music, kasama sina Ogie Alcasid at Leo Dominguez.



Natatandaan ng PEP ang sagot ni Regine na hindi na kailangang umalis sa Star Records ni Piolo dahil puwede pa rin siyang mag-produce ng album nito.



Unless may pumigil, mukhang desidido nang lumipat sa IndiMusic si Piolo. Tinanong namin si Dennis kundi ba siya nati-threaten kung sakaling matuloy ang paglipat ni Piolo sa IndiMusic, kung saan nakakontrata rin si Dennis bilang recording artist.

"Okay lang. Mas lalaki ang name ng Indi pag kasama ko na siya. Hindi ako nati-threaten dahil magkaiba ang music namin. Balladeer siya, ako more on rock. Feeling ko, walang magiging competition sa amin at saka Piolo Pascual na siya," sagot ni Dennis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Matutuwa sigurado ang fans nina Piolo at Dennis kung gagawan sila ng album na magkasama ng IndiMusic. At least, kahit man lang sa album ay magkasama ang prized talents ng ABS-CBN at GMA-7.



Samantala, after Super Twins ay sa Sine Novela ng GMA-7 mapapanood si Dennis. So far, si Alessandra de Rossi pa lang ang alam ng PEP na kanyang makakasama.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN