Francis M. pays tribute to Yoyoy Villame


"I mourn the loss of a musical icon at isang magandang influence [for] today’s generation. To stereotype him as a novelty singer is unfair... For me, he’s not only the Father of Filipino Novelty, he’s a great talent," says Francis Magalona about Yoyoy Villame who passed away last May 18.


Guest si Francis Magalona sa launching ng Diploma album ng rapper na si Glock-9 na ginawa sa Club O noong May 18. Featured din ang Master Rapper sa "Lando," isa sa pinakamagandang cut sa album under SonyBMG.



That afternoon, on the same day, nabalitang pumanaw na si Yoyoy Villame dahil sa atake sa puso. Nadala pa sa Las Piñas Medical Center ang 74-year-old singer-comedian bago binawian ng buhay.



Dahil parehong taga-music industry, hiningi ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang reaction ni Francis sa pagkawala ng kinikilalang Father of Filipino Novelty. Ayon kay Francis M., never silang nagkaroon ng chance na mag-collaborate in an album at sa prayer meeting lang sila nagkikita.



"I mourn the loss of of a musical icon at isang magandang influence [for] today’s generation. To stereotype him as a novelty singer is unfair. He is a lyrical genius, his lyrics is witty, humorous, tongue-in-cheek, pero may laman. The way he delivers his lyrics is very poetic. I look up to him at inuulit ko, he is a great loss to Philippine music. For me, he’s not only the Father of Filipino Novelty, he’s a great talent," pagbibigay-pugay ng Master Rapper kay Yoyoy Villame.



Samantala, ibinalita ni Francis sa PEP na gumagawa siya ng bagong album entitled F Word. Bahala na raw ang mga tao na magbigay ng meaning sa letter F. Guests niya rito ang mga kaibigang musical artists.



Hindi rin nakaligtas si Francis nang tanungin siya tungkol sa nababalitang pagbabawas ng hosts sa Eat Bulaga!. May master list na nga raw ang TAPE Inc., kung sino ang aalisin at ititira. Pero hanggang ngayon, wala pang nakakakita sa sinasabing master list.



"Wala akong alam sa isyung ‘yan," sabi ni Francis M. "I’m just a talent who reports to work and sometimes, put my input. Wala akong naririnig na usapan tungkol sa reformatting, walang tina-touch up pag nagmi-meeting kami. The last meeting we had, ang pinag-usapan ay tungkol sa gagawing show abroad. I’ve been with Eat Bulaga! for ten years at masaya ako rito at iba ang bonding namin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN