Efren Peñaflorida endorses compilation album Songs for A Better World


The 2009 CNN Hero of the Year and Kariton Classroom founder Efren Penaflorida endorses Ivory Music & Video’s compilation album Songs for A Better World.


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang 2009 CNN Hero of the Year na si Efren Peñaflorida noong October 20, Miyerkules, sa photo shoot niya para sa cover ng album na Songs For A Better World CD. Ginanap ang pictorial sa Print Mode Studio sa Timog Ave., Quezon City.

Si Efren ang endorser ng naturang abum mula sa Ivory Music & Video, bagama’t wala siyang kinanta sa mga nakapaloob na awitin dito.

THE MESSAGE IN THE MUSIC. Nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal), sinabi ni Efren na naniniwala siya sa mensahe ng album kung kaya pumayag siya na i-endorso ito.


"Aside from siyempre promoting yung album, yung collection ng mga songs kasi, parang it’s actually a message. Kaso nga lang, music yung form niya. Message for every Filipino, and siguro, lahat siguro ng mga tao na mari-reach ng mga mensahe nito, yun yung parang ina-advocate ko dito."

"I believe dun sa mga lyrics ng mga songs. Aside from just the CD lang, it’s actually the message it contains. Iyon yung mas nagma-matter sa akin and how this could help yung ma-inspire yung maraming Pinoy na una, pangalagaan yung mundo, and to continue dreaming dun sa better world na inaasam natin.

Dagdag pa ni Efren, "And stepping forward, parang to start doing something, parang stepping forward to act. Hindi lang basta lang malaman lang nila yung mensahe, kung hindi ma-ignite yung heart nila at magkaroon ng spark to inspire people to help out. To be the change, to make a difference sa buhay ng mga tao sa paligid nila, and especially sa bayan natin at sa buong mundo."

Paano ba siya kinuha as endorser?

"Actually, kinontak lang nila [the people from Ivory Music & Video] ako, e. ’Tapos through e-mail and then sinend nila sa akin yung project and they told me na nga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nung nakita ko yung konsepto and yung mga selection ng songs, ’tapos maganda, kasi basically talagang the reason naman kaya ako napapayag is because it’s promoting yung dream natin to have a better place to live in through music. To inspire a lot of people. So, iyon yun.

"For me naman it’s more kung ano yung puwede kong ibigay, kung ano yung puwede kong maitulong para mai-promote yung dream natin na magkaroon ng positive change sa society natin.

"Kahit na anong medium man ito, basta kung kaya naman nating gawin. So, ito yung isang bagay na puwede na nakita kong opportunity to inspire more people. Kaya nag-yes ako.

ALIGNED WITH DTC’S PURPOSE. May isa pa raw rason kung bakit niya tinanggap ang pagiging endorser ng Songs for A Better World album.

"Actually very aligned din ito dun sa ginagawa namin sa Dynamic Teen Company (DTC). Yung purpose namin na mag-promote ng positive change.

"It’s actually pushing for positive change, e, thru music. Kasi marami sa mga Pinoy, di ba, mahilig talaga sa music? And yung selections na nandito sa album, yung mga lyrics ng mga songs, makikita at mararamdaman natin na talagang meron tayong responsibility as a Filipino, as human beings na dapat nating gampanan," nawika pa ni Efren.

Ang mga nilalaman ng CD na Songs for A Better World ay cover versions ng "Paraiso," "Itanong Mo Sa Mga Bata," "Sana," "Better World," "Masdan Mo Ang Kapaligiran," "Anak Ng Pasig," "Heal The World," "What The World Needs Now Is Love," "Put A Little Love in Your Heart," "Home," "If We Hold On Together," "Yesterday’s Dream," "We Are The World," at "Tagumpay Nating Lahat." Performed by Ivory Music’s various artists.

HEAL THE WORLD. At ang paborito ni Efren among the songs in the album...

"Actually, siguro mga tatlong beses ko na itong napakinggan simula nung ibinigay sa akin. Ito yung ’Heal the World.’ Maganda ito kasi it’s actually a message of healing the world.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Marami tayong sakit, e. Hindi lang naman physical ito. Marami’ng sakit natin, sa pagkagutom, kahirapan, yung kawalan ng hustisya, climate change...ang dami. Ito yung mga sakit natin na kailangan nating ma-heal.

"So, maging emotional, physical, andami. Sa family... So, iyon yung kailangan natin, e. We have to heal yung mundo natin. Of course, it’s really...parang it’s hard to heal yung buong mundo, pero mahi-heal naman natin yun kung mari-realize natin na yung healing should begin in our hearts and in our minds.

"Once we heal ourselves first, then, the rest will follow.

"Kung ma-realize ng bawat isa na meron tayong responsibility na dapat gampanan natin yung mga responsibilidad na yun, kahit dun sa mga simpleng bagay lang, na puwede nating gawin to make this world a better place nga, and it’s actually a first step towards do’n sa dream na magkaroon tayo ng maayos na mundo," patuloy ni Efren.

PROMOTING THE ALBUM EVERYWHERE. Paano niya ipo-promote ang album? Pupunta ba siya sa mga record bars at malls? May autograph-signing ng CDs?

"Kung may opportunity, of course. Kasi kadikit ko na ito.

"If given an opportunity, why not? Actually, I do talks kasi sa mga institutions, schools, corporation. Yeah, definitely, I’ll promote this.

"Once I believe dun sa cause, dun sa isang bagay, siyempre all-out support ako dun. So, lahat ng opportunities na puwede kong ma-grab para i-promote ko ito, ipo-promote ko talaga.

"And even dun sa mga lakad ko, like sa pagpunta sa [United] States, pagpunta sa mga Filipino community, doon I can promote this to them," ani Efren.

SUBLIMINAL EFFECT OF MUSIC. Sa tingin niya paano siya makaka-inspire ng mga tao thru the album?

"Actually, it’s through music. Ang music kasi subliminally, talagang malaki ang epekto niyan sa tao, e. Kasi may mga tests, di ba? Na ’pag may mga rock music o yung mga maiingay... basta may mga ganung tests, e, physically may effect yun, and subliminally parang meron din yung effect sa mga Pilipino or sa atin, sa mga tao na kapag napakinggan natin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang isang bagay na naririnig mo lagi, ’pag paulit-ulit, maaano mo yun, e, mare-retain sa isip mo yun."

So, hindi lang sa salita puwedeng maka-inspire, maganda rin through music?

"Of course, kasi may message kasi ang music sa atin, e. Subliminally mare-remember natin yun, or kumbaga, may epekto iyon sa atin. Kung puro positive naman yung mga music na maririnig mo.

"Kaya nga yung mga bata, ’di ba? Usually ang mga music na dapat sa kanila yung Mozart, yung Beethoven, yung mga ganun para at least yung development nila... Kasi may epekto iyon, e," pagbibigay-halimbawa pa ni Efren sa pagbanggit sa mga pangalan ng classical music masters na sina Wolfgang Amadeus Mozart at Ludwig van Beethoven.

"And the same thing kahit tayo, kahit hindi bata, yung mga music na pinakikinggan natin may epekto yan," patuloy pa niya.

Kung gaanong nakakapaghatid ng positivity ang mga musikang may positive meanings, ganun din daw ang mga tugtuging nagpo-promote ng violence at kasamaang ugali.

"Usually, yung mga youth, yung mga teens, yung mga music na pinapakinggan nila ngayon, minsan yung may mga mura, may mga ganun, iyon ’yung nare-retain sa isip nila. Yung may mga foul language, mga cursing, mga ganun. Kaya hindi dapat yung ganun, hindi talaga," paliwanag ni Kariton Klasrum founder.

Dapat daw suportahan ang Songs for A Better World album dahil sa mga positibong mensahe ng mga kantang nakapaloob dito.

"Yung mga ganitong klase ng songs na kapupulutan mo ng inspirasyon may matututunan ka at saka maganda ang magiging effect sa iyo. Iyon yung towards doing something positive. Iyon ang maganda, iyon naman ang aim natin dito para mahikayat yung bawat tao, bawat Pilipino, to make a difference."

Ngayong nag-e-endorse na rin siya ng album, unti-unti na ba itong mga hakbang sa tuluyan niyang pagpasok sa showbiz?

"Hindi naman ito showbiz, e. Hangang pag-promote lang ng CD, basta kung ano... I mean for the country and for the youth."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN