Gerald Santos releases repackaged version of his album, Pinakahihintay


Pinoy Pop Superstar grand winner Gerald Santos recently went to Nueva Ecija to promote the repackaged version of his 12-track album titled Pinakahihintay.


Noong October 30, nagkaroon ng pre-Halloween concert ang Pinoy Pop Superstar Season 2 grand winner na si Gerald Santos, kasama ang Freestyle Movers (Abel de la Cruz, Raffy Mernilo, Joyette San Jose and Sheila Marie Chiu) bilang back-up dancers.

Ang naturang event, na ginanap sa Irma Villamor Estate, ay produced by Atty. Irma Espeleta Villamor Puno, sa pakikipagtulungan ng Prinstar Music.


Ganap na alas-8:30 ng gabi nagsimula ang show na pinamagatang Pinakahihintay na titulo rin ng repackaged album ni Gerald.


Unang kinanta ng batang singer ang "Gonna Be Strong" at sinundan ito ng medley ng mga hit songs ni Barry Manilow.


"Handa na ba kayo?" tanong niya sa audience. "One thing I can promise you, magiging memorable ang gabing ito para sa ating lahat. Huwag na nating patagalin ito, simulan na natin."


After two numbers, nagkasunod namang kinanta ni Gerald ang "Broken Vow" at "Save The Last Dance For Me" kung saan nagkaroon din partisipasyon ang Cabiao Angels. Sinundan naman din ito ng medley ng "The Climb," "Imagine," and "Always Be My Baby."


Kuwela at patok na patok sa audience ang medley ng mga awitin ng Apo Hiking Society tulad ng "Ewan," "Walang Tigil Ang Ulan," "Kabilugan ng Buwan," "Yakap sa Dilim," at "Mahal Kita."


Nagbigay din ng tribute si Gerald kay Basil Valdez sa pamamagitan ng pagkanta ng "Gaano Kadalas Ang Minsan," "Panaginip," "Tunay na Ligaya," "Kung Ako’y Iiwan Mo" at "Ulan."


Sa gitna ng concert, Gerald impersonated his idols--Matt Monroe, Frank Sinatra, Mark Bautista, Christian Bautista, Martin Nievera, Gary Valenciano, Janno Gibbs and Ogie Alcasid--na sobrang ikinatuwa ng mga manonood. Then segue sa mga hit song ng mga nabanggit na singers.


Siyempre, hindi rin nawala sa repertoire ni Gerald ang mga awiting "Hindi Sapat Ang Minsan" at "Kailan Masasabi" (na sarili niyang komposisyon at dedicated sa kanyang showbiz crush na si Rhian Ramos), "Ang Iyong Pagmamahal." Ang mga ito ay halaw sa kanyang repackaged album na Pinakahihintay mula sa Prinstar Music at released at distributed ng PolyEast.


A rock and roll medley followed next with the songs "Antukin" (a Rico Blanco original), "Pinoy Ako" (Bamboo), "Narda" (Rivermaya), "Huling El Bimbo" (Eraserheads).


Bilang pasasalamat ni Gerald sa kanyang album at concert producer, inihandog ng singing champion kay Atty. Irma ang mga awiting "And I Love You So" at "Sana Ngayong Pasko."


Ani Gerald, "Para sa kanya ito, sa isang taong itinuturing kong pangalawang nanay na nagtiwala at naniwala sa akin bilang mang-aawit sa panahong wala na halos kaming kakampi. Kung wala siya, hindi ito mabubuong album na ito at walang concert dito sa Nueva Ecija. Kaya maraming salamat sa kanya!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Tumagal nang halos dalawang oras ang concert ni Gerald at bilang pangwakas, inawit niya ang nag-iisang Christmas song sa kanyang repackaged album aptly titled "Maligayang Pasko" at nagsilbing encore song naman ang awiting "I’m Yours."


Tuwang-tuwa naman si Gerald nang humarap sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press after the concert sa mainit na pagtanggap sa kanya ng mga taga-Nueva Ecija.


"I didn’t expect na ganito kainit ang pagtanggap nila sa akin. Unang-una, ang layo ng venue. At saka, akala ko naghahanda na ang mga tao para sa Halloween. Kaya nagulat ako nang makita silang lahat.


"Wala na akong masasabi kundi pasalamatan silang lahat for making this concert a very successful one. Sana makabalik pa ako sa mga susunod na araw. At siyempre, special mention si Atty. Puno, ang aking concert producer for making this possible. Salamat ng marami sa kanya," lahad ng singer na kabilang na ngayon sa mga talents ng TV5.


Tungkol sa kanyang repackaged album, out na ito sa market at masayang ibinalita ni Gerald na unti-unti na itong bumebenta sa mga record bars nationwide. Pagkatapos nitong concert, magko-concentrate na rin si Gerald sa kanyang mga mall show sa iba’t-ibang panig ng bansa.


"I hope they can grab a copy of my Pinakahihintay album. Meron itong 12-cuts, bagong areglo at bago rin ang cover concept ng album. It’s already out in the market at hindi ako mapapahiya sa kanila dahil talagang maganda ito. Dahil malapit na ang Christmas, puwede nilang ipanregalo ito," nakangiting sabi pa ni Gerald.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN