Jovit Baldivino's first major concert rocks Aliw Theater

by Nica Tomines
Nov 15, 2010
Hindi maikubli ng Pilipinas Got Talent grand winner na si Jovit Baldivino ang excitement at tuwa pagkatapos ng kanyang concert noong nakaraang Sabado, Nobyembre 13. Hindi ko po talaga pinangarap na magkakaganito po ako ngayon. Wala po akong masabi," sabi ng Batangueño singer.

Isang kakaibang Jovit Baldivino ang nasaksihan ng humigit-kumulang na 600 katao na nagpunta sa Aliw Theater para sa concert niyang Jovit Baldivino Faithfully noong Sabado ng gabi, Nobyembre 13.

Si Jovit ang nanalong grand winner ng Pilipinas Got Talent ng ABS-CBN. Matapos ang tagumpay sa nasabing contest ay nag-release ng debut album si Jovit titled Faithfully.

Nagkamit ang Faithfully ng Platinum Record Award dahil mahigit 25,000 units na ng album ang nabenta sa mga record bars.

JOVIT AND GUEST PERFORMERS. Mga bandang alas-nuwebe ng gabi nagsimula ang concert. Unang lumabas si Nyoy Volante, na siyang musical director ng concert, kasama ang mga miyembro ng banda.

Nagsilabasan ang mga dancers na lahat ay nakabihis rakista. Maya-maya ay lumabas si Jovit na maaninag ang excitement at tuwa sa kanyang mukha't mga kilos.

Ginulat niya ang crowd sa kanyang mga dance moves at nag-tumbling pa. (CLICK HERE to view photos taken during the event)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Punong-puno ng confidence na humarap sa audience si Jovit. Pinanggulat niya sa audience ang kanta na "You Give Love a Bad Name" (Bon Jovi). Sinundan niya ito ng famous rendition niya ng "Carrie" (Europe) at ng "I Can't Stop Loving You" (Phil Collins).

Sinundan ito ng dance medley ng mga classic rock songs "We Will Rock You" (Queen), "Highway Star" (Deep Purple), at ng "Livin' on a Prayer" (Bon Jovi).

Isang surprise guest naman ang sumama kay Jovit sa stage—si Bugoy Drilon na tinanghal bilang Second Star Dreamer sa Pinoy Dream Academy Season 2 ng ABS-CBN.

Hinarana ni Bugoy ang audience sa pamamagitan ng kanyang rendition ng "One Last Cry" (Brian McNight) at "I Believe I Can Fly" (R. Kelly).

Matagal mang wala sa limelight si Bugoy ay halatang-halata na madami ang naka-miss sa kanyang boses dahil sa mainit na pagtanggap ng mga tao habang siya'y umaawit.

Sa muling paglabas ni Jovit ay nagpalit na ito ng damit. Pinalitan niya ang black leather jacket niya ng crisp blazer at ang black pants ng isang light-colored jeans.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tila ba ay nakurot sa puso ang crowd nang kantahin ni Jovit ang "Paano," ang original composition na kasama sa kanyang first album Faithfully.

Nagpakitang gilas naman si Jovit, hindi lamang bilang isang singer ngunit pati sa kanyang husay sa pagtugtog ng gitara.

Napahanga ang crowd sa pagkanta at pagtugtog ng gitara ng "Nananaginip ng Gising," kantang siya mismo ang nag-compose.

Pagkatapos ay pinakilala na ni Jovit ang pangalawang guest niya—ang young actress na si Kim Chui. Tulad ni Jovit, si Kim ay produkto rin isang reality show ng ABS-CBN, ang Pinoy Big Brother Teen Edition.

Pagkatapos ng dance number ni Kim ay nagpalitan ng dialogue sina Jovit at ang Star Magic talent. Kinumusta ni Jovit si Kim nang pabiro tungkol sa kanyang love life. Iniwasan itong sagutin ni Kim, na hiniritan naman ni Jovit ng kantang, "Too Much Love Will Kill You" (Queen). Ikinatuwa naman ng crowd ang bahaging ito ng concert.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isa rin sa mga special guests ni Jovit ay ang tambalang Melason na binubuo nina Melai Cantiveros at Jason Francisco. Ang dalawa ay sumikat sa nakakatawa nilang onscreen at off-screen na tambalan, na nabuo noong sila'y mag-housemates sa Pinoy Big Brother Double Up ng ABS-CBN.

Nakipagsabayan si Melai sa biritan sa kanyang version ng "Isang Linggong Pag-ibig" (Imelda Papin).

Hindi naman nagpahuli si Jason. Nagpakitang-gilas siya sa kanyang mga dance moves á la Michael Jackson, sa saliw ng "Billie Jean."

Ikinatuwa ng audience ang versatile renditions ng "Billie Jean" ni Jovit na sinayaw ng Melason. Ginawa nila itong tango, salsa, rhumba, boogie at swing.

Matapos ang nakakapagod na number na ito ay nagkaroon ng breather ang talented na singer nang mag-duet sila ng kinikilala niyang "kuya" na si Nyoy Volante.

Ginawa nilang medley ng mga kantang "Ewan" (Imago), "Panalangin" (Moonstar88) at "Yakap sa Dilim" (Orange & Lemons).

Naghiyawan uli ang crowd nang ang sumunod na inawit ni Jovit ay ilan sa mga classic love rock songs ng bandang Air Supply—"Making Love out of Nothing At All" at "I Can Wait Forever."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isa sa mga scene-stealer din noong gabing 'yon si Yeng Constantino, ang "Grand Star Dreamer" ng defunct reality singing contest ng ABS-CBN na Pinoy Dream Academy. Tulad ni Jovit, ginanap din ang unang major concert ni Yeng sa Aliw Theater tatlong taon na ang nakakalipas, Hunyo 23, 2007.

Isang napakahusay na performance ang ipinamalas ni Yeng sa kantang siya mismo ang nag-compose. Ito ay ang "Jeepney Love Story," na kasama sa kanyang 3rd album Lapit.

Samantala, hindi naman nakarating sa concert ang isa sa mga guests ni Jovit na si Sam Milby. Ayon kay Jovit, nasa ospital si Sam dahil sa throat infection.

Muling pinasaya ni Jovit ang crowd sa rendition niya ng mga kantang "Always" (Bon Jovi) at "Sweet Child of Mine" (Guns 'N Roses).

Naging final song ni Jovit para sa gabing iyon ang kantang nagpasikat sa kanyang boses at nagbago ng takbo ng kanyang buhay.

Ito ay ang rendition niya ng "Faithfully" na unang pinasikat ni Arnel Pineda bilang lead vocalist ng bandang Journey.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi pa riyan natapos ang gabi. Nagbigay ng encore si Jovit ng mga kantang "After All" (Peter Cetera), "Everytime the World Began" (Arnel Pineda) at ng "Open Arms" (Journey).

Tumagal ang concert ng dalawang oras at natapos ito ng bandang alas-onse ng gabi.

JOVIT'S SECOND ALBUM. Matapos ang concert ay nagkaroon ng pagkakataon ang PEP (Philippine Entertainment Portal na makapanayam si Jovit sa backstage.

Hindi maikubli ng magaling na 17-year-old singer ang tuwa sa mga pangyayari noong gabing iyon, "Siyempre po sobrang saya, wala po ako masabi talaga sa sarili ko.

"Hindi ko po alam kung ano masasabi ko kasi first time ko lang po mag-concert in my [whole] life. Hindi ko po talaga pinangarap na magkakaganito po ako ngayon. Wala po akong masabi," ani Jovit.

Hiniling din ni Jovit na suportahan ang kanyang second album titled I'd Do Anything For Love. Ang kanyang 15-track album ay naglalaman ng kanyang renditions ng popular love songs at ang kanyang own composition titled "Nananaginip ng Gising."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi maikubli ng Pilipinas Got Talent grand winner na si Jovit Baldivino ang excitement at tuwa pagkatapos ng kanyang concert noong nakaraang Sabado, Nobyembre 13. Hindi ko po talaga pinangarap na magkakaganito po ako ngayon. Wala po akong masabi," sabi ng Batangueño singer.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results