Jay-R says fellow R&B singer Kyla is his "soulmate"

by Mark Angelo Ching
Nov 23, 2010
Jay-R received his latest Gold Record Award for his album Jay-R Sings OPM Love Classics, released under Universal Records. The 29-year old singer previously earned two Platinum Record Awards for Gameface (2003) and Soul in Love (2006).

Nagpasalamat ang R&B singer na si Jay-R dahil nakakuha siya ng Gold Record award para sa album niyang Jay-R Sings OPM Love Classics.

Nakausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kahapon, November 23, sa isang presscon para sa isang anti-virus software sa Cravings Restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

Ayon kay Jay-R, mahirap na kasing makabenta ng album ngayon kaya malaki ang pasasalamat niya sa lahat ng kanyang mga tagahanga na bumili ng album.

Ang Gold Record Award ay iginagawad ng Philippine Association of the Record Industry sa mga musicians na may albums na nakabenta ng higit 10,000 copies.

"I just wanna thank all the fans that bought a copy to give me another gold record. Specially right now with all the piracy, and everything like that, it's so hard to get a Gold Record, and I'm just very proud to receive one," pahayag niya.

Dagdag pa ni Jay-R, hindi niya raw inaasahan na makakakuha ng Gold Record Award para sa nasabing album, na ni-release noon pang Pebrero.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Well, they surprised me sa Party Pilipinas with a Gold Record. After I sang my song, they presented me the Gold Record. And I was really happy kasi I wasn't expecting it at all," kuwento niya.

SOULMATES CONCERT. Idinetalye rin ni Jay-R ang nalalapit niyang concert na Soulmates. Makakasama niya dito ang kapwa R&B artist na si Kyla, na nakasama na niya sa Heartsongs concert noong 2006.

Gaganapin ang Soulmates concert sa Nobyembre 29 sa Music Museum.

Ayon kay Jay-R, "soulmate" niya na raw si Kyla dahil sa R&B at soul music, na pareho nilang istilo.

"It's about the music talaga. You know, R&B, it's not a big market sa Pilipinas, e, pero 'yon ang passion namin ni Kyla. We named it Soulmates because we're connecting it to fans. We're all like, connected through soul music," saad ni Jay-R.

Kakaiba raw ang concert na ito dahil pino-promote nito ang R&B at soul music.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Lahat ng mga ibang concerts, you know, it's all their own genre. Like kasi, yung R&B, maliit lang yung market niya, e. And that's what's different about it. It's the fact that it's soul, R&B music, e. Kaya we're doing it, we really wanna uplift 'yong music namin.

"We wanna show the Filipinos na, you know, puwede niyong magustuhan itong genre namin kasi it's very soulful and it comes from the heart talaga. And if you come to the concert, you will feel that. Kaya 'yon ang difference, it's like, parang underdog kami," sabi ni Jay-R.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jay-R received his latest Gold Record Award for his album Jay-R Sings OPM Love Classics, released under Universal Records. The 29-year old singer previously earned two Platinum Record Awards for Gameface (2003) and Soul in Love (2006).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results