Pop singer Sheryn Regis wants to be a comedienne


Among all the titles being given to her, Sheryn Regis prefers to be called the "Crystal Voice of Asia."




Tuwang-tuwa si Sheryn Regis dahil siya ang napili ng The Filipino Channel (TFC) sa ipro-produce nilang concert series ngayong buwan ng Hunyo sa Middle East at sa UK.

Hindi pa rin daw siyang makapaniwala na sa dami ng sikat na artista sa ABS-CBN ay siya pa ang napili. Aniya, "I’m so thankful [to] them kasi sa dami-rami ng artista ako pa ang kinuha. Sobrang happy din ako na napili ako na kasi siguro nakita nila sa akin, ‘Maliit ito pero nakikita pa rin.’"

Kagabi, June 7, tumulak si Sheryn para sa unang destination ng kanyang concert series, and Jordan. Mananatili siya roon sa loob ng tatlong araw at babalik sa Linggo ng umaga upang makapag-perform sa ABS-CBN noontime show ASAP ’07.

Samantala, makakasama niya sa susunod na show niya si Carlos Agassi sa Kuwait (June 14) at Oman (June 15). At sa huling Linggo ng Hunyo ay aaliwin naman nina Sheryn at Sam Milby ang mga Pinoy sa London.

ROYAL FAN. Inamin ni Sheryn kahapon sa press conference niya, na ginanap kahapon sa 9501 Restaurant sa ABS-CBN Compound sa Quezon City, na nagkakaroon siya ng mga dayuhang fans.

Sa katunayan, naikwento pa niya, nagkaroon siya ng isang tagahangang sultan diumano at may-ari rin ng isang brand ng pampaputing sabon sa isang bansa sa Middle East.

Ayon kay Sheryn, pinangakuan pa diumano siya nito. "Doesn’t matter, if you want fame, if you want money, I can give you everything you want," kwento ni Sheryn habang ginagaya ang boses ng tagahanga.

Nang malaman daw ito ng kanyang asawang si Earl Echiverri, nasabi niya, "‘Ano ’yan? Baka iwan mo na ako.’"

Ngunit sinuguro naman ni Sheryn ang asawa na hindi niya ito tatanggapin. "Sabi ko, ‘Hindi. Ayoko ko.’ Kasi sabi ng papa ko, galing siya sa Saudi, alam niya yung mga ugali sa Saudi [Arabian] na kapag hino-hold ka, hino-hold ka talaga."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa niya, hindi rin niya talaga matatanggap ang alok ng tagahanga. Natatawang sambit ni Sheryn, "Hindi rin, may asawa ako. Ang ang reputasyon ko, wholesome ang image!"

NEW TITLES. Maraming titulo na ang naibansag kay Sheryn Regis kahit na noong nagsisimula pa lamang siya. Una siyang nakilala bilang Powerbelter, hanggang sa naging Shining Diva at Crystal Voice of Asia.



At ngayon ay tinatawag na rin siyang Modern Jukebox Queen, dahil sa kanyang latest album na The Modern Jukebox Collection, at Queen of Teleserye Theme Songs dahil sa ilang theme songs na kinanta niya para sa mga palabas, tulad ng Kampanerang Kuba, Maria Flordeluna at Nagmamahal Kapamilya.

Ngunit marami man ang bansag sa kanya, hindi na raw masyadong iniisip ito ni Sheryn. Aniya, "I am still the Crystal Voice of Asia. But then, since I have an album now as of this year, parang Modern Jukebox Queen. Pero parang sa akin okay lang talaga kahit Sheryn Regis, okay na ako diyan. Ma-queen or princess ako, okay lang basta bumebenta."

PROUDLY CEBUANA. Inilahad din ng singer na kung minsan ay nakikipagkita siya sa mga kapwa niyang Cebuana Divas at madalas ay sa bar diumano ni Pilita Corrales sa Greenhills.

Masayang kwento ni Sheryn, "Minsan nagte-text sila na, ‘Hoy, punta ka rito may tsikahan dito.’ ’Tapos mag-aabot-abot na kami doon. Nagbibisaya kami kapag nagkikita-kita."

Ilan sa madalas niyang nakikita ay sina Vina Morales at Dulce.

Ayon kay Sheryn, maganda rin na nakikita niya kung minsan ang mga taong matagal na sa industriya. Aniya, "Siyempre kailangan ko rin magpa-advice sa kanila about career. Si Vina marami na ring [narating sa kanyang] career."

Bukod sa pakikipagkita sa labas, nagkaroon na rin diumano ng pagkakataon na makasama niyang mag-perform sina Dulce at Chad Borja—na isa ring Cebuano—sa isang homecoming concert niya.

FROM SINGER TO ACTRESS? Sa June 24 episode ng Your Song ay gagamitin ang rendition ni Sheryn sa kantang "Ang Pag-Ibig Kong Ito" ni Leah Navarro. "At last, nakakanta na ako sa Your Song!" masayang pagbabalita ng singer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil dito, nabuksan ang ideya na subukan ni Sheryn ang pag-arte. "Sabi ko, hihiling nga sana ako na mag-a-act din," pabirong niyang sabi.

Kung papipiliin daw siya mas gugustuhin niya ang, "Drama na may comedy. Gusto ko yung mala-Maricel Soriano. Gustong-gusto ko iyon."

"Ayoko ng heavy [drama] nakaka-heart attack ’yan, e. Nabo-bore ang mata ko diyan kapag iiyak lang," pahayag ni Sheryn.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN