Charice wants to release a single to rival songs of Rihanna and Katy Perry


(From left) Carl, Mommy Racquel and Charice were all-smiles during the taping of Charice: Home for Valentine’s, which was aired on GMA-7 last night.


Nag-alay ng maagang regalo si Charice sa kanyang mga Pinoy fans sa palabas na Charice: Home For Valentine’s sa GMA-7 noong Linggo, February 13.

Nagsimula ang show sa pag-awit ni Charice ng ballad na "Power of Love." Dalagang-dalaga si Charice sa kanyang long, straight hair at elegant makeup. Nakasuot siya ng puting damit na may ruffled skirt at mataas na stiletto heels.

Matapos awiting ang "Halo," sinabi ni Charice na ang dahilan ng kanyang concert special ay: "Sa panahon ng mga puso, there is no place like home. So I’m home for Valentine’s."

Umani ng standing ovation ang rendition ni Charice ng "Listen," na inawit niya sa pilot episode ng TV show na Glee. Todo birit naman siya sa "I Will Survive" at "All By Myself."

Aminado si Charice na pangarap niyang makasama sa entablado si Whitney Houston. Inawit niya ang medley ng "I Have Nothing (If I Don’t Have You)" at "I Will Always Love You," na ayon sa kanya ay most-requested number sa kanyang mga pagtatanghal abroad.

Nag-perform din si Charice kasama ang ilang mga Kapuso talents. Nag-rap si Elmo Magalona sa mga awit ni Charice na "Pyramid" at "Reset." Ka-vocal sparring naman niya si Rachel Ann Go sa "If I Ain’t Got You" ni Alicia Keys. Lumabas din ang versatility niya sa performance ng Billie Jean kasama ni Michael V. Nag-duet naman sila ni Ogie Alcasid ng "Hanggang Ngayon."

Lumabas din ang talento ni Charice sa pagpapatawa nang paliitin niya ang kanyang boses mala-chipmunk. Napahanga pa lalo si Ogie at napabulalas, "Sali ka ng Bubble Gang"!

Inawit ni Charice ang ilan sa kanyang sariling mga awitin mula sa album niya, tulad ng "Thank You," "Note To God," at "Nothing."

FAIRY GODMOTHER OPRAH. Nagkaroon ng pagkakataong makapagtanong kay Charice during the concert ang ilang mga fans na present sa taping ng TV special.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Malayo na nga ang narating ni Charice. Pero kahit kailan ay hindi naman niya nililihim na dati ay, "Sobrang mahigpit ang pangangailangan namin nung mga panahon na iyon. Madami akong sinalihang amateur singing contest, di lang po sa Laguna, umabot pa ako ng Batangas, halos nalibot ko na lahat, lahat ng piyestahan dinayo namin. Determinado po talaga akong manalo kasi kung hindi wala kaming pamasahe pauwi."

Kuwento ni Charice, ang kanyang tinuturing na fairy godmother na si Oprah Winfrey, ay nagpayo sa kanya: "Always remember this—keep your feet on the ground even if you’re wearing nice shoes."

Sinalaysay niya ang pivotal moment sa buhay nila, kung paano siya tinawag ni Oprah at sinabing nais siyang tulungan. "So that day, tinawagan niya si David Foster at tinupad niya lahat ng nasa dream journal ko, mahilig kasi ako mag-drawing. Nasa dream journal ko kasi: ako at si Celine Dion, ako at si Andrea Bocelli, ako at si Mariah, ako at si Michael Buble, Josh Groban...tinupad po niya lahat ’yun. So para ko po talaga siyang fairy godmother. Talagang wala ako dito kung hindi din dahil sa kanya."

SALAMAT, MOMMY RACQUEL. Ngunit sa lahat ng kanyang tagumpay ay ang kanyang ina ang lakas at sandigan ni Charice. Lagi daw sinasabi ng kanyang Mommy Racquel: "Huwag namin kakalimutan yung mga pinagdaanan lalo na yung time na wala kaming gamit sa bahay, nakaranas kami na sa sahig kami natutulog..."

"Madami akong inspirations tulad ni Ms. Ellen Degeneres, kasi siya yung unang nag-invite sa akin sa States; si Ms. Oprah, David [Foster], tao na nag-post ng video ko sa Youtube, yung show sa South Korea, pero siyempre yung talagang inspiration ko yung Mommy ko."

"Sa kanya ako nagmana at siya ang nagturo sa akin kumanta. So gusto ko po siyang pasalamatan: Thank you, Mommy, sa lahat ng love. Tayo pa din ang magka-Valentine."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inalay ni Charice ang awiting niyang "Thank You" sa kanyang ina, na naluluha na umakyat ng stage para samahan ang anak.

PASASALAMAT SA MAYKAPAL. Di man ma-share ni Charice lahat ng mga detalye ng tatahakin ng kanyang career, sabi naman niya: "Madami na po akong na-record na bagong kanta ngayon. Pero siyempre naghahanap po kami ng single na puwedeng ipangtapat sa mga international songs nina Rihanna at Katy Perry."

Naging emotional si Charice nang tanungin tungkol sa future plans niya. "’Di ko pa po alam kung saan ako dadalhin ng Diyos. Lahat po ng ibinigay Niya, in His own time."


"Kaya ang advice ko sa mga nangangarap po na tulad ko, darating din sa inyo kung pagsisikapan ninyo at kung matibay ang loob ninyo. Talagang magtiwala lang po kayo sa Maykapal."


"Nung nagsimula akong kumanta, sabi ko, ’Mommy, ang hirap abutin ng mga pangarap ko.’ She used to tell me, ’Huwag kang mawawalan ng pag-asa.’"

Madamdamin nga ang pag-awit niya ng "Basta’t Maghintay Ka Lamang," at tuluyan na ngang napaiyak sa pagtatapos ng kanta.

May ilang outfit changes din si Charice sa kahabaan ng concert. Para sa Michael Jackson number ay nagsuot siya ng glittery jacket sa ibabaw ng glittery black dress at sa huli ay naka-red draped dress.

Nagtapos siya sa awiting "Nothing" at sa pasasalamat sa GMA-7 at sa mga fans na nanood.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN