Koreanovela diva Faith Cuneta releases new album, A Twist of Faith


Like her Tita Shawie, Faith Cuneta wants to lose some weight. "Nagda-diet ako since October. Itanong mo sa mga Cuneta, ang hirap talaga mag-diet," she reveals. "Mga five months pa siguro, Kim Chiu na ako."


May kaakibat daw na suwerte ang isang teleserye pag ang Koreanovela diva na si Faith Cuneta ang kumakanta ng theme song gaya ng Stairway To Heaven, Endless Love, Love Letters, Jewel In The Palace, at Hwang Ji Ni.

Pareho-pareho kasing matataas ang ratings ng mga shows na ito.

Si Faith din ang kumanta ng "Ikaw Lang Ang Mamahalin" ang theme song ng TV5 teleserye, Babaeng Hampaslupa. Hindi mapapasubalian na pumapalo din ngayon sa ratings ang ito.

"Happy ako basta kumakanta ako ng isang telenovela. Happy ako pag nare-rate ito. Blessings sa akin dahil hinanap nila ako para kumanta ng theme song. Almost two years din akong nagpahinga dahil ang last ko ay yung Hwang Ji Ni. Ang dami kasing sumingit na kumakanta, di ba?" bungad ni Faith nang makapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Mas maganda raw ang version niya kumpara sa orihinal ng "Ikaw Lang Ang Mamahalin."

"Iniba ko talaga. At saka yung sound pag papakinggan mo... pag ni-record nung 1980, very ’80s yung mapapakinggan mo. Kung nirecord mo ngayon, pakinggan mo, siyempre mas magugustuhan mo yung 2011," deklara niya.

May bagong album si Faith entitled, A Twist of Faith, under PolyEast Records. Natagalan din bago nasundan ang album niya dahil naging busy siya nung election at nag-abroad din siya.

OPM naman ang laman ng album ni Faith na kung saan ay bonus track ang theme song ng Babaeng Hampaslupa.

"Yun kasi ang napagkasunduan ng management at ng PolyEast. At saka bagay talaga sa akin ang mga Tagalog," sambit pa niya.

Anong kanta ang naisama sa album?


"Isa sa mga kantang pumasok na pinili ko ay yung kay Regine, yung ’Hindi Na, Ayoko Na.’ Kasi nung bata pa ako, I think I was in high school, lumabas yung album niya na ’yun. Yun ang gusto ko sa album niya."

Mas favorite ba niya si Regine kesa kay Sharon Cuneta?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ay, magkaiba sila. Nung bata pa ako sumasali ako sa contest. Si Regine pang-contest. Lahat ng kanta niya, kinakanta ng mga sumasali sa contest.

"Kay Tita Shawie naman, iba naman. Very fan akong pamangkin at fan ako sa kanya bilang artista at singer," paliwanag ni Faith.

Bukod sa kanya, sino sa mga young generation singers ang puwedeng sumunod sa yapak ni Regine?

"Para sa akin, voice-wise, si Jonalyn Viray. Kaya humahanga tayo kay Regine ay dahil sa high notes niya. E, si Jonalyn reach na reach niya yung matataas na notes effortlessly. Pero totality, siyempre si Sarah Geronimo," tugon pa niya.

Of course, pag siya naman ang kumanta ng mga awitin ni Regine ay may sarili siyang version.

"Siyempre, it doesn’t mean na pag idol mo, gagayahin mo ang boses. Siyempre, meron akong sariling style at interpretation ng song. Pag ako na ang kumakanta, hindi ko ginagaya kahit na sinong singer. Yun na talaga ang lumalabas sa akin. Gaya nung carrier single ko na ’Dito Sa Puso Ko,’ by Ogie Alcasid, ibang version ang ginawa ko dun," aniya.

Bakit hindi kanta ni Regine ang ginawa niyang carrier single?

"Yung recording na ang nagdesisyon nun. Kasi mas radio-friendly yung ’Dito Sa Puso Ko.’ Ang lakas sa Love Radio."

Ang mga kantang nilalaman ng album niyang A Twist of Faith ay ang mga sumusunod: "Paniwalaan Mo," "Kung Maibabalik Ko Lang," "Bakit Labis Kitang Mahal," "Dito sa Puso Ko," "Sa Isip Ko," "Damdamin Ko Sa ’Yo," "Gulong ng Palad," "Iyong Iyo (Ang Puso Ko)," " Please Don’t Go Away," " Hindi Na , Ayoko Na," "Paano Kaya," at "Mula Noon Hanggang Ngayon."

Marami ang nagsasabi na bongga ang album ni Faith at masarap pakinggan dahil sa lamig ng boses niya.

"Sayang nga lang dahil medyo masikip yung mundo ng industry. Pero masaya naman ako dahil katulad niyan, may bago akong kinakantang theme song ng serye sa TV5. At saka nagkakaroon pa rin ako ng projects. Buhay na buhay pa rin ako, so okey na rin," saad pa ni Faith.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dumating ba siya sa point ng career niya na nadi-disappoint siya?

"Ay, hindi. Never akong na-disappoint sa career ko. Although masikip ang mundo sa TV. Pero yung opportunity to sing, hindi ako nade-depress about it. Hindi rin naman kasi ako nababakante, e. Bongga naman ang pagka-start ko ng 2011. Unang-una, meron akong theme song sa Babaeng Hampaslupa, at meron ding album," sambit pa niya.

LOVE LIFE: Kumusta naman ang Valentine’s Day niya?

"Nagkaroon ako ng Valentine show sa Guam. One night lang yun."

Wala siyang boyfriend?


"Wala na kami e! Ibinigay ko na kay KC (Concepcion)," ang sabi niyang pabiro. Mas matimbang ang kadugo."

Pantasya ba niya si Piolo Pascual?

"Hindi naman. Gusto ko lang siya maka-coffee. Guwapo niya. Feel lang," mabilis niyang sagot.

Kumusta naman sila ni Sharon Cuneta?

"Ang tagal na namang hindi nagkikita."

Anong masasabi niya na very vocal si Mega ngayon pag nagagalit at talagang nagre-react siya?


"Nagpapakatotoo lang siya. Na-e-express niya kung ano ang gusto niyang i-express. Name-misunderstood lang siguro ng iba," aniya.

Pareho sila ni Mega na pumapayat ngayon.

"Nagda-diet ako since October. Itanong mo sa mga Cuneta, ang hirap talaga mag-diet.

"Mga five months pa siguro, Kim Chiu na ako," pabiro niyang sabi. "Tinutuloy-tuloy ko lang kasi sayang naman. Naumpisahan ko na, e."

Naramdaman ba niya na nakaapekto sa career niya yung pagtaba?

"Ay, oo naman. At saka nakakaapekto sa bulsa ko kasi bibili ka ng mga bagong jeans at outfit na sukat sa yo. At saka pag lumalabas ka sa TV, dapat payat ka kasi dumodoble," pahayag pa ni Faith.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN