Jed Madela finishes his third album, "Only Human"


Jed Madela (in photo), the 2005 Grand Champion of the World Championships of the Performing Arts (WCOPA), reveals that his album contains his performances with Gary Valenciano and Rachelle Ann Go.


Natapos na pala ang third album ng mahusay na singer na si Jed Madela under Universal Records. Ito ang kanyang follow-up project sa dalawa pa niyang albums—ang I’ll Be Around noong 2003 at Songs Rediscovered noong 2005.

Napanood ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Jed sa The Library (M. Adriatico street, Malate) sing-along bar para sa isang very special show noong Miyerkules ng gabi. Halatang na-miss siya ng kanyang mga tagahanga kaya jampacked ang nasabing comedy bar.

Nakausap ng PEP si Jed bago ito sumalang sa kanyang show. Only Human ang titulo ng kanyang album na carrier single din nito. At itinuloy na ng PEP ang pag-uusisa sa binata sa mga bagay na nababasa sa mga blind items—na kadalasan, kapag inisip mo, si Jed ang malapit na nagiging sagot sa mga nasabing items. Lalo na kung tungkol sa kabaklaan.

Ano ang reaksiyon ni Jed sa ganitong klase ng mga balitang kahit hindi man siya pangalanan, tumbok na tumbok naman ang clue na hindi puwedeng pagkamalang siya.

"Nung una, nasasaktan ako. Pero later on, hindi ko na siya pinapansin. Kasi, mas pinapahalagahan ko ang concern at suporta sa akin ng mga nagmamahal sa akin—mula sa pamilya ko at mga kaibigan, hanggang sa mga tagahanga ko, lalo na sa Tribe of Jed.

"Wala naman akong magagawa, Tita. Mag-react man ako o hindi, iisa pa rin lang naman ang paniniwalaan nung mga nagsusulat about it. I guess, I don’t have to explain myself. Unti-unti ko na lang na-realize na, gaya nga nung sinasabi ng mga nakakasama ko in the business, ganoon daw talaga. Marami raw mga baguhan na talagang dadaan sa ganoong klase ng intriga. Dahil halos lahat naman daw pagdududahan ang gender.

"Part and parcel na raw ito ng showbiz. Kung mapipikon ka, ikaw lang ang talo. Kaya ako, kung may nasusulat na mga ganoong blind item na ang mga nakakabasa, ako na agad ang tatanungin kung ako ba ’yung nasulat sa blind, simple na lang ang sinasabi ko. Na nasa kanila na rin ’yon kung ano ang paniniwalaan nila. Kaya ako, hindi ko na pinapatulan ’yung mga ganoong klase ng intriga. Hindi na ’yan mapipigilan. Wala ka namang lusot eh, ’di ba? Mag-react ka, mamasamain nila. Hindi ka mag-react, papapaniwalain pa rin nila ang mga tao. So, ako mananahimik na lang and gagawin ko na lang ang dapat kong gawin with my talent. "

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nasaksihan ng PEP ang pagkakagulo ng mga grupo ng mga kababaihang nag-spend ng kanilang gabi para lang makapiling si Jed sa The Library. (Incidentally, nominated as Celebrity of the Year si Jed sa gaganaping 22nd Golden Book Awards ng The Library sa celebration ng 22nd anniversary nito na may pamagat na On Broadway @ 22 sa June 21). Kulang na lang na dambahin si Jed ng mga babaeng nakita namin sa walang puknat nilang tilian, palakpakan at pag-idolo sa regular ASAP Mania performer.

ONLY HUMAN. Nagkuwento si Jed sa PEP tungkol sa kanyang third solo album. "I’m excited dito sa bago kong album. Du’n sa last one, sa Songs Rediscovered ko, na mga revivals, dito marami rin ang revivals na magugustuhan nila pero nag-include din kami ng mga originals. I have a number with Gary V. and Rachelle Ann Go. I’m sure, a lot of them could relate sa mga songs like "I Just Can’t Let Go", "Hard Habit to Break", "Every Now and Then", "Summer Breeze", "Impossible Dream" and "Tuyo Ng Damdamin" at "Narito," and more."

Gaya rin ba ng kanyang kanta sa kanyang album—he’s only human, prone to making mistakes?

"I try not to make one bit of a mistake, lalo na pagdating sa trabaho ko. But in life, I still want to put my best foot forward in whatever I do. Sabi nila, my voice has conquered the world nung manalo ako in a competition. And that’s what I wanna share with the people who will appreciate my music. What I am, who I am, hindi ko naman maitatago ’yon."

Yes, Jed Madela is only human.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN