Regine Velasquez says Star Power winner Angeline Quinto is still looking for her own singing style


Ogie Alcasid serenaded his wife, Regine Velasquez, before she accepted the MYX Magna Award. The singer-actress became emotional as she watched different singers perform her memorable hits from her 25 years in the music industry.


Naging matagumpay ang ginanap na MYX Music Awards 2011 sa Music Museum noong Martes, March 15. Limang awards ang natanggap ng Pinoy Dream Academy Season 1 winner na si Yeng Constantino.

(CLICK HERE to view the complete list of winners)


Isa sa mga highlights ng awards night ay ang pagbibigay kay Ms. Regine Velasquez-Alcasid ng isang tribute production number at MYX Magna Award. Kasama ni Regine ang kanyang asawa na si Ogie Alcasid upang tanggapin ang award.

Kinanta ng iba’t-ibang singers ang mga kantang pinasikat ng Asia’s Songbird sa 25 years ng kanyang career. Si Yeng Constantino ang kumanta ng "Urong Sulong" samantalang si Christian Bautista ay nagbigay ng kanyang rendition ng "Dadalhin." Ang GMA-7 singers na sina Frencheska Farr at Julie San Jose ay nag-duet para sa "Follow the Sun" samantalang si Kyla ay kumanta ng "You Made Me Stronger."

Ang "You Are My Song" ang kinanta ni Mark Bautista samantalang ang "Narito Ako" ay kinanta naman ni Rachelle Ann Go. Bilang finale, sinundo ni Ogie ang kanyang asawa at inalayan ng kantang "Kailangan Ko’y Ikaw" habang magkahawak sila onstage.

Naging emotional ang magaling na singer-actress habang pinapanood ang production number na inialay sa kanya. Lalo siyang naging emotional nang tanggapin ng singer na na ang isa sa pinakamataas na award ng gabing iyon para sa kanya.


Anong pakiramdam nyo po Ms. Regine na binigyan kayo ng award ng MYX?

"Overwhelmed! Natutuwa ako talaga! Kasi feeling ko I’m so important. Parang lahat pala ng ginagawa mo ay na-appreciate! It’s worth it! They’re not taking you for granted. Tapos halos lahat pa ng nag perform ay galing sa mga sinapupunan ko (sabay tawa) I mean naging mga anak-anakan ko at naging malapit sa puso ko."


Bakit po masyado yata kayong nadala or na-touch sa moment na yun?

"Actually the whole production number, the whole part nung awarding. I was very, very touched! Di ko ini-expect naman talaga yun. Marami salamat talaga sa MYX!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Kayo po Mr. Ogie Alcasid, ano po yung feeling na binigyan ang misis n’yo ng ganitong award ng MYX?

"I’m very, very so proud of her. Nararamdaman ko yung nararamdaman nya. Naalala ko yung mga napagdaanan nya nung nagsisimula pa lang sya. You know, the songs are the memories of her past. Siguro habang pine-perform yung production number na yun, ay naaalala niya yung lahat ng pinagdaanan niya sa buhay niya. She really deserves that award!"

Dagdag pa ni Regine: "Alam n’yo yun, nung kumakanta na sila ng mga past songs ko. Hindi ko mapigilang maiyak."


Ms. Regine, did you expect that award po ba from MYX?

Hindi nga, e! Basta sabi lang sa kin ay pumunta ako ng MYX so, nagpunta ko, nanunuod na rin ako ng mga kaganapan sa Awards Night ng MYX. Kasi medyo matagal-tagal na rin akong di nakakapanuod ng ganung klaseng show. Tapos natutuwa ako kasi ibang-iba na yung nakikita ko at napapanood ko. Nakakatuwa rin na ang daming mas batang singer, actually, I’m just enjoying myself while waiting for that award. Di ko alam isa pala sa mga pinaka-malaking award ng MYX ang ibibigay sa akin."


Kamusta naman ang married life? May baby na po ba kayo?

"Wala pa! Teka ha...uwi lang kami! Maya-maya unti! Gagawa muna kami ng baby! (sabay tawa) You know, we keep saying na hinihintay lang namin na i-bless kami ni God ng baby. Thanks be to God pag meron! Pero kung hindi pa naman kami i-bless, ok lang rin. Di naman siguro dapat kami i-pressure, di ba?


Ms. Regine, marami na pong nakaka-miss sa inyo sa pelikula...Kailan po ba kayo uli makikita sa big screen?

"Yung movie namin ni Aga Muhlach, tuloy yun! We are planning to start shooting it. Most probably, matapos namin yung movie this year. Tapos nun siguro, gagawa na kami ng baby ni Ogie. (sabay tawa)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Ano ang reaksyon n’yo sa pagkapanalo ni Angeline Quinto sa Star Power?

"Oo nga si Angeline! Congratulations Angeline, na halos magkahawig kami ng boses. Pati yata mukha namin magkahawig. Kasi nakita ko sya sa TV. Tinanong ko sa sarili ko...Ako ba yung nasa TV? (sabay tawa) I’m very happy for her! Ka-batch siya ni Sarah [Geronimo] nun sa singing contest din na ako yung nag-host dati [Star for a Night]. Di ba? Tapos ngayon, it’s her time to shine naman. Congratulations Angeline! Advice ko sa kanya...keep singing...keep dreaming...pag may dumating na pagsubok basta magdarasal ka lang palagi."


Kayo daw Ms. Regine ang isa sa mga idol niya at gusto niya kayong maka duet soon. Okay lang po ba sa inyo yun?

"Actually nag-duet na kami together dati nung sa singing contest nga nila dati. Hindi ko pa siya nakikita after niyang manalo dun sa Star Power. I’m so proud of you, Angeline!


Ano pong masasabi n’yo na maraming nagagalit sa kanya dahil ginagaya niya raw po kayo? Ano pong masasabi n’yo po dun?

"Alam mo kasi pag nagsisimula ka talaga, laging sinasabi na meron kang ginagaya. Kahit naman nung nagsimula rin ako, sinasabi rin na halos lahat ng singer ginagaya ko. Ganun naman talaga ’yon. Kasi siguro, dahil hindi mo pa nahahanap yung sarili mong style. But, eventually, she will have her own style. Ngayon pa lang nakikita n’yo naman na nahahanap niya na yung sarili niyang style. Ang correct term siguro ay nai-influence siya siguro pero di naman ginagaya."


Kakatatapos lang ng first album ni Angeline. Dun po ba sa second album niya at mga upcoming shows niya, okay lang po bang makipag duet sya sa inyo?

"Ako naman kasi lagi akong magpi prisintang makipag duet. Saka ako naman kasi pag may gusto makipag-duet sa ’kin, mahirap naman kasi sa akin na magsabi ng ’no.’ Saka chance ko na rin yun to work with them. Saka itong si Angeline, para niya na kong ate bakit naman hindi, di ba? Kaya muli ang message ko kay Angeline...Congatulations! Sa susunod na album mo sige duet tayo...sa mga shows mo pag libre ako sige duet tayo."


Sa ganap na 6 p.m., ngayong Linggo, March 27, live na magpe-perform si Regine sa Market Market Activity Center sa Taguig upang i-promote ang kanyang Gold-certified album titled Fantasy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN