Cesar Montano composed four songs for self-titled album


Cesar Montano composed four out of nine songs in his new album.


Bagama’t mas nakilala si Cesar Montano bilang aktor at direktor, hindi naman niya kinalimutan ang hilig niya sa musika. Kaya naman labis ang kasiyahan niya ngayong nakapaglabas siya ng bagong self-titled solo album under Sony Music Entertainment, which is produced by Ferdie Marquez.

Mahigit isang dekada na rin ang nakaraan nang lumabas ang first album niya na Subok Lang under Star Records noong taong 2000. Biro nga ni Cesar, pwede rin daw tawaging Pasubok Ulit ang kanyang pangalawang album.


Paano naisakatuparan ang album niya under Sony Music?

"Well, unang-una nag-brainstorming kami ng mga bosses ng Sony Music kasama si Shirley Pizarro (Cesar’s publicist). I told them na marami na akong nagagawang poems at compositions. Sabi ko, baka pwede nating gawing album ito para masundan na yung album ko a decade ago. Kaya heto thank God na natuloy din," sabi ni Cesar.


Na-interview si Cesar ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa album launch niya na ginanap noong April 6 sa kanyang Bellissimo Ristorante sa Tomas Morato, Quezon City.


Paano niya ide-describe ang bago niyang album?

"Medyo alternative para maiba naman. It’s one step higher."

OWN COMPOSITIONS. Lumabas din ang pagiging composer ni Cesar sa album na ito dahil apat sa siyam na kantang nakapaloob dito ay isinulat niya.


"Oo nga, discovery din ito sa sarili ko. Because I can write poems kaya sinubukan kong gumawa ng compositions. Marami na akong nagawang tula kaya sabi ko I’ll put them into song."


Ang sariling compositions ni Cesar ay kinabibilangan ng mga kantang "Patawarin," "Bago Maging Bato," "Awit Ni Melvin" at ang theme song ng upcoming sitcom niya sa GMA-7 na Andres De Saya.


Nakipag-collaborate din si Cesar sa mga sikat na musicians: kay Noel Cabangon para sa "Awit Ni Melvin" at kay Rico Blanco para sa "Panahon Na Naman."


Ang iba pang tracks sa album ay ang carrier single na "Darating Ang Araw," "Para Sa ’Yo Lamang," "Oh Babe," at "Love."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Inamin naman ni Cesar na may special meaning para sa kanya ang kantang "Awit Ni Melvin." Na-inspire siyang isulat ang kantang ito matapos niyang masaksihan ang pighati ng pamilya at mga kaibigan ng batang si Melvin na kasamang namatay sa freak cyanide poisoning sa isang eskuwelahan sa Bohol ilang taon na ang nakararaan. Ilang estudyante rin ang kasamang nasawi ni Melvin sa insidenteng ito.


Gustung-gusto rin daw ng yumao niyang anak na si Angelo ang "Awit Ni Melvin." Buhay pa raw si Angelo nang mabuo ni Cesar ang kantang ito.


"Tuwang-tuwa si Angelo diyan. Kinakanta-kanta rin ni Angelo iyan nung mabuo na, very close to his heart. Kasama siya mismo nung pumunta kami doon sa lugar sa Bohol kung saan nangyari yung incident."

SUPPORTIVE WIFE. Masaya rin si Cesar dahil very supportive daw sa kanyang music career ang asawang si Sunshine Cruz.


"Si Sunshine ang aking tagatingin sa likod. Like yung mga kanta sa album ko na ito siya yung tumitingin kung maganda o maayos ba. Kasi she’s a very good singer. She’s a fine singer. Siya yung best critic ko e. Pag sinabi niya talagang totoo hindi niya ako binobola e. Lahat talaga kahit masakit matatanggap ko. That’s why gusto ko rin na laging nakabantay siya. Pagkatapos kong i-record ang kanta pinaparinig ko kaagad kay Sunshine."


Sa mga kanta sa album niya, ano ang pwede niyang i-dedicate kay Sunshine?


"Yung Patawarin, it’s a romantic song. It’s very sweet dahil humihingi ng tawad dahil masyado niyang mahal yung tao."


Ilang beses na ba siyang humingi ng tawad sa asawa niya?


"Hindi ko na mabilang e," biro ni Cesar. "Well, ganun naman po lahat ng mag-aasawa. Please don’t get me wrong. Kaya nga naniniwala ako na marriage is a union of two forgivers. Lagi talagang nagpapatawaran iyan. Parehong nagkakamali. Wala naman kasing perfect. So, nandun yung sobrang pagmamahal, sobrang pangungulit, lahat po iyan nandun po sa mga kanta sa album ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Hindi ba nila naisip mag-asawa na magkaroon ng duet sa album?

"It came to us. Pero inisip din namin na huwag muna para may isusunod pa kami ng Sony. We have something to look forward to and something to be excited about next time — yung magiging duet namin ni Shine."


Maging ang tatlong anak niyang babae kay Sunshine na sina Angeline Isabelle, Samantha Angeline at Angel Francheska ay mahilig din daw sa musika.


"Surprisingly, yung tatlong anak kong girls kumakanta rin. Yung kanta ko lagi kong pina-practice sa bahay, kinakanta rin nila. Alam nila, memorize nila yung kanta, they’re singing it with me. Lahat sila mahilig sa music kasi ang nanay nila galing din naman sa pamilyang musikero. Ang mga Cruz puro singers lahat."

TRACK LISTING:

1. Darating Ang Araw

2. Panahon Na Naman

3. Patawarin

4. Para Sa Yo Lamang

5. Oh Babe

6. Bago Maging Bato

7. Andres De Saya

8. Love

9. Awit Ni Melvin


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN