Suy dedicates carrier single of new album to her mom undergoing dialysis


Aside from releasing her sophomore album titled Suy: Undercovers, Suy will be having a concert at Panggo’s Grill on Tomas Morato Ave., Q.C. on April 15. On May 14, she will also be part of the Pinoy Musik Festival in New Jersey.


Nakaka-dalawang album na si Suy under Ivory Records. Last year, Suy signed an exclusive contract with Ivory Music and Video at ni-release nga niya ang kanyang unang album, ang Simply...Suy. Para sa taong ito, Suy just released her second album Suy: Undercovers sa April 10 episode ng ASAP Rocks.


Galing mula sa top 40 hits ngayon ang laman ng bagong album ni Suy. Kabilang na rito ang mga kanta tulad ng Firework, Teenage Dream, Dynamite, Empire State id Mind (Part II) , Mine, Need You Now, Speak Now, Ridin’, Solo, Cooler Than Me, Sweet Dreams, Smile, Pray, Halo at The Only Exception na binigyan ng sariling tunog acoustic ni Suy.


Ang "Just The Way You Are" ni Bruno Mars naman ang carrier single ng album.


Ayon kay Suy, okay naman daw ang kinahinatnan ng first album niya.


"Okay naman daw, according to Ivory kaya may second. Thank God," nakangiti niyang sabi.


Cover songs din ang first album ni Suy with one original song na composition niya. Ang difference lang ng album niya ngayon, mga bagong kanta ang ginawa niyang cover songs at nasa top 40 hits.


"Mga bago po ngayon, mga current music. Nasa top 40 siya. Yun ang kinonsider ng Ivory. Yung current single ko na ’Just The Way You Are.’"

Suy was born in Cavite but was raised in Davao. Nagsimula siya bilang lead vocalist ng Natral High noong 2004 at nang ma-disband ang banda nila, nagsimula na siyang gumawa ng mga compilation albums sa iba’t ibang labels. Madalas din siyang maging back-up vocals ng mga kilalang singers sa bansa.

Her name comes from the word "bunsuy," dahil ’yon daw ang nakagawian nang itawag sa kanya.


Mas may confidence na raw siya ngayon kesa noong una siyang i-launch.

Aniya, "Dati kasi, parang sobrang bago sa akin ang mga pangyayari. Sobrang mahiyain ako. Ngayon, medyo okay na ’to, kaya ko ’to, medyo may confidence na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre little by little pa rin. Pero a little intimidation keeps you grounded."

One and a half weeks lang daw ni-record ni Suy ang bago niyang album.


Katwiran niya rito, "Ready na kasi ang mga material. Ako naman, alam ko na ang mga songs at saka, familiar rin kasi, cover songs. So, madali na siyang i-record."


Napili raw nila ang carrier na "Just The Way You Are" hindi lang dahil sa recent concert ni Bruno Mars sa bansa. (CLICK HERE to read related article)


Aniya, "Bukod sa hit siya, hindi namin ni-change ang lyrics, e. Yung song na ’her eyes...her eyes...’ ganoon pa rin. I decided to dedicate it to my mom. It’s a perfect song for her. My mom kasi, dina-dialysis siya. Nasa Davao siya, five years na rin siyang dina-dialysis. But God is good dahil binibigyan siya ng strength."


May music video rin ang carrier single niya.

Suy hopes to penetrate the mainstream music industry. Thankful din siya since she will be having a concert at Panggo’s Grill on Tomas Morato Ave, Q.C. on April 15.

On May 14, she will do her first out of the country show at the Pinoy Musik Festival in New Jersey.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN