Nigerian-American singer-songwriter Christy Lynch professes her love for the Philippines


"I know the young lady Charice. She’s really a good singer. But I haven’t met her personally. Given the chance I’d love to do a collaboration with her," says Nigerian-American singer-songwriter Christy Lynch.


Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gustong maka-duet at maka-collaborate ng Nigerian-American singer-songwriter na si Christy Lynch ang Pinay international singing sensation na si Charice Pempengco.


Sa mga local artists daw kasi sa Pilipinas ay si Charice ang kilala niya. "I know the young lady Charice. She’s really a good singer. But I haven’t met her personally. Given the chance I’d love to do a collaboration with her. Why not? Also I can do any songs with any singer because I love to do collaborations," sabi ni Christy.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Christy Lynch sa launching ng kanyang first debut album na Christy Lynch: Move Me na ginanap sa The Shang Grand Tower sa Makati City noong May 17.


May na-meet na ba siyang ibang local artists? "Not yet, I haven’t had that opportunity. But with the promotion of my album, I hope so." Nakatakda kasing i-promote ni Christy ang kanyang album sa maraming shows sa iba’t ibang TV stations. Magkakaroon ba siya ng concert soon? "Yes, I hope to go on tour to promote my album."


Bakit sa Pilipinas niya napiling i-launch ang kanyang album? "Why here in the Philippines? Well, first of all I believe that you guys, the Filipinos are so talented. Then, I live here already. It gives me time to build friendships here and rapport with many people. And lastly, there are so many musicians here that I click with the right people."

THE ALBUM. Ang album ni Christy ay binubuo ng 11 tracks: carrier single na Move Me, Soul of Gold, Search is Over, Secret Lover, For Goodness Sake, Losing You, Precious One, Sensations, You Told Dirty Lies, The Search is Over Remix, at Move Me Remix.

Personal favorite niya raw ang kantang Search is Over.


"Because it sums up what’s happening to my life now. My search is over, now I have my own album. Singing is what I love to do. I feel fulfilled in coming out with this album."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Christy at ang kanyang asawa ang producers ng album niya sa pamamagitan ng kanilang itinayong SBC Productions. Lahat ng kanta ay isinulat din mismo ni Christy.


"I write all the songs. I produce the album. And I recorded all the songs here in the Philippines. The album is purely made in the Philippines."

Gaano katagal niya ginawa ang album? "It started last year, so about a year in the making. But it’s fantastic."


May plano rin daw silang i-release at i-promote ang album niya sa mga bansang napuntahan na niya at tinirhan tulad sa U.S., Nigeria, London at Kazakhstan.

PERSONAL BACKGROUND. Sa batang edad na limang taon ay kumakanta na si Christy. Habang lumalaki ay naging music inspiration niya ang international singers na sina Tina Turner, Chaka Khan, Anita Baker, Aretha Franklin at ang African music legend na si Fela Kuti.


Nagsimula ang professional singing career niya noong teenager siya nang maging member siya ng local band sa lugar kung saan siya ipinanganak, sa Lagos City sa Nigeria.

Ang music genre ni Christy ay fusion ng Afrobeat, R&B, pop at jazz.

Nakapag-aral din siya sa Amerika kung saan naging performing member siya ng The Choral sa pamamagitan ng talent grant sa Florida Community College sa Jacksonville.

Nang mapunta naman siya sa Canada ay nagkaroon siya ng gigs kasama ang Brian Strand Blues Band.

Apat na taon naman siyang namalagi sa Kazakhstan kung saan naganap ang kauna-unahan niyang live concert na back-to-back with Atyrau Philharmonic noong September 2004.

Nag-perform din siya sa Aktobe Jazz festival noong 2005 kung saan ang grupo niya ay binigyan ng Outstanding Performance Award.

LOVING THE PHILIPPINES. Napamahal na ang Pilipinas kay Christy sa apat na taon niyang pamamalagi rito. Sa ngayon ay dito na siya sa bansa naka-base para sa kanyang singing career, gayundin sa iba pa niyang trabaho bilang fashion consultant at color stylist.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bago sa Pilipinas ay nakatira siya sa U.S., kasama ang kanyang American husband. Dahil sa kanyang trabaho sa fashion ay napunta sila rito sa Pilipinas. Hanggang sa mag-decide na nga siyang isakatuparan ang kanyang matagal ng pangarap na maglabas ng sarili niyang album.


May plano ba siyang mag-record ng Tagalog song? "Yeah, I’m planning to do that. But of course, I still have to learn to speak the language."


Sa ngayon daw kasi ay mga simpleng Tagalog words lang ang alam niyang sabihin, gaya ng "Salamat po."

Bukod sa kanyang asawa ay kasama niya rin dito sa Pilipinas ang kanyang dalawang anak. "I have a three-year old baby and an adopted son, he’ll be 18 in June. He was adopted when he was 14."

Hanggang kailan nila balak manirahan sa Pilipinas? "As long as possible. I’ll see where my album will get me. I hope the Filipinos will appreciate my music, my album."


How much does she love the Philippines?

"I love the Philippines so much. I love you guys like my brother. You guys are wonderful. I feel like home here."

VENUS RAJ. Isa pang Pinay celebrity na nauugnay kay Christy ay si 2010 Miss Universe fourth runner-up Maria Venus Raj. Marami raw kasi ang nagsasabi kay Christy na magkamukha sila ng beauty queen turned TV host.


"Everybody keeps telling me that. Maybe she’s my long-lost sister," biro ni Christy. Nakita niya na raw sa pictures at napanood na niya sa TV si Venus. "She’s a very lovely lady. And she’s a beauty queen. You guys must be very proud of her. Thank you for telling me that I look like her."


Bagamat hindi raw siya sumali sa beauty contest gaya ni Venus, may pagkakatulad din sila pagdating sa pagiging ramp at commercial model. "Here in the Philippines, no. But years ago in Nigeria I used to do modelling for ramp, commercials and advertising campaigns."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN