Jovit Baldivino beats Bugoy Drilon and Piolo Pascual as Male Artist of the Year


Jovit Baldivino (right) won the Male Artist of the Year Award during the recently concluded Tambayan OPM Awards. Meanwhile, Juris was named Female Artist of the Year.


Pinangunahan nina Jovit Baldivino at Juris ang paghakot ng mga parangal sa katatapos lamang na Tambayan OPM Awards noong Sabado, May 28. Nagsama-sama ang mga kilalang pangalan sa industriya ng musika para sa isang gabi ng pagkilala sa mga musikerong nagtataguyod ng Original Pinoy Music sa bansa.


Tinalo ng Pilipinas Got Talent grand winner na si Jovit Baldivino ang iba pang male artists na sina Bugoy Drilon at Piolo Pascual nang tanghalin ito bilang Male Artist of the Year. Hinirang rin si Jovit bilang Best New Artist.


Waging wagi naman si Juris, na ngayo’y pinaparangalan na bilang solo artist, nang kunin niya ang Female Artist of the Year award. Tinalo niya sina KC Concepcion, Yeng Constantino, at Toni Gonzaga para sa naturang parangal. Nakuamit rin ni Juris and Song of the Year para sa kanyang awiting "Di Lang Ikaw."


Naging maganda rin ang pagbabalik industriya ng bandang Siakol sa pagtanggap nito ng Album of the Year award para sa kanilang comeback album na Tropa.


Bagamat baguhan ay nagawa ng ungusan ng Six Part Invention ang iba pang mga banda sa pagkapanalo nito ng Band of the Year award.


Ang Tambayani of the Year award naman, na ibinibigay sa isang musikero na malaki ang naitulong sa industriya ng musika, ay iginawad kay Charice dahil sa patuloy nitong pamamayagpag sa international scene at pagtaguyod sa local industry. Una itong binigay sa yumaong master rapper na si Francis Magalona.


Pinarangalan naman si Jericho Rosales, ang bida ng katatapos lamang na ABS-CBN teleserye na Green Rose, sa Tambayan OPM Awards para sa kategoryang Best Live Performance. Ang awitin ni Christian Bautista na "Beautiful Girls" naman ang kinilala bilang Best OPM Revival. Nanalo din ang commercial jingle na "WOW Videoke" para sa Kantamercial of the Year award.


Lahat ng mga nabigyang parangal ay personal na nakuha ang kanilang mga award maliban kay Charice na nasa ibang bansa pa.


Nagbigay aliw sa mga nanood ng Tambayan OPM Awards sa SM City North EDSA SkyDome sina Angeline Quinto, Star Power Four, OJ Mariano, Liezl Garcia, Faith Cuneta, Ney Dimaculangan, at mga bandang Six Part Invention, Frio, Maldita at Itchyworms.


Agaw-eksena din ang mga Tambayan 101.9 DJs sa kanilang grand entrace suot ang kanilang festival-inspired costumes at surprise spot number kung saan ginaya nila ang mga tanyag na Pinoy personalities sa larangan ng musika at sports ngayon.


Ang nagsilbing hosts nung gabing iyon ay sina Francine Prieto at Jayson Gainza bilang "Tito Bhoy."


Ang Tambayan OPM Awards ay proyekto ng Kapamilya FM radio station na Tambayan 101.9.


Ang mga nominees ay na-judge sa pamamagitan ng mga criteria na ito: Commercial Appeal; Musicality; and Originality/ Creativity.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang score ng bawat nominee ay mula sa mga sumusunod:

· 10% - Listeners’ text votes
· 30% - Judges from the local music industry
· 60% - TOPMA Awards Committee


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN