Vice Ganda will have Toni Gonzaga, Billy Crawford, Xian Lim and Enchong Dee as concert guests


Vice Ganda says about his upcoming concert, "Kino-conceptualize pa lang namin yung show, natatawa na kami sa bawat participation ng guests kong sina Toni Gonzaga, Billy Crawford, Xian Lim at Enchong Dee. Bukod sa mga talent nila, magpapatawa lahat sila. Yun ang dapat niyong abangan." Vice Ganda, Todo Sampol sa Araneta will take place on July 1.


Tuloy tuloy pa rin ang suwerte sa karera ni Vice Ganda.



Araw-araw siyang napapanood sa Showtime bilang resident judge at upang ipakita ang kanyang talento para sa kanyang "sample." Sa tatlong episodes ng kanyang solo comedy show na Gandang Gabi Vice, pinakita ng komedyante na kaya niyang maging mahusay na host. Isama pa diyan ang launching movie niyang Petrang Kabayo na diumano ay kumita ng lagpas P100 million. Matatandaang pinuno din ni Vice Ganda ang Araneta Coliseum sa kanyang unang concert na ginanap noong May 14, 2010.

Ayaw talagang paawat ni Vice Ganda, at sa ikalawang pagkakataon ay nais niyang patunayan na kaya niya ulit punuin ang Big Dome sa kanyang concert na pinamagatang Vice Ganda, Todo Sampol sa Araneta! na gaganapin sa July 1 (Biyernes).


Sa presscon na ginanap kanina, June 6, sa ALEX III Restaurant sa Timog Avenue, nagkaroon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng pagkakataon na makapanayam si Vice tungkol sa concert niyang ito. At ito ang kanyang ilang pahayag:


"Kinakabahan pa rin ako," ani Vice. "Kasi, napakahirap nang pantayan yung una kong concert sa Araneta Coliseum noon. Tiyak na ikukumpara ’yon, pero sabi ko nga, nandito lang naman ako para magpasaya ng mga tao.

"Marami rin kaming pasabog dito, ibang iba dun sa naunang concert ko. Ang ia-assure ko lang sa mga manunuod na uuwi silang tuwang-tuwa. Yun lang naman ang habol nila bakit sila manunuod, so ibibigay ko yun sa concert na ito. Bagong production, bagong materials, bagong mga jokes!"


Ano ang mga preparations na ginagawa niya para sa concert na ito?


"Sobrang paghahanda, sobrang pagdarasal, sobrang pagpupuyat para makasulat ng mga bagong materials. Kasi ang laki ng pressure, masakit sa ulo pag inisip ko kaya kailangan tanggalin ko yung pressure sa sarili ko."


"Kino-conceptualize pa lang namin yung show, natatawa na kami sa bawat participation ng guests kong sina Toni Gonzaga, Billy Crawford, Xian Lim at Enchong Dee. Bukod sa mga talent nila, magpapatawa lahat sila. Yun ang dapat niyong abangan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kumusta naman ang iyong comedy show na Gandang Gabi Vice?


"Nakakatuwa nga, eh, kasi nung pilot episode nagtrending siya pero sa Philippines lang. Pero itong sumunod na episode worldwide na kaya nakakatuwa kasi ibig sabihin ang daming nag-abang, ang daming nag-usap usap tungkol dun sa palabas ko. Ang daming interesadong pag chikahan yung show ko sa Twitter, kaya nakakatuwa."

Tumaas na ba nang husto ang talent fee niya ngayon kumpara sa nakaraang taon?


"Tinatanong n’yo kung tumaas yung talent fee compare noong nakaraang taon? Oo naman aminado naman akong tumaas, normal lang naman siguro na tumaas. Mas maninibago naman siguro ako kung bumaba compare noong nagsisimula pa lang ako."

Mayaman na nga ba si Vice Ganda dahil sa taas ng TF?


"Hindi naman ako yung mayaman na mayaman, pero maiko-consider ko yung sarili ko na suwerte kasi yung kinikita ko ngayon ay higit sa pangangailangan ko pero hindi pa ito sapat para maka-survive ako sa sa mga pangangailangan ko sa mga susunod na taon na wala na akong trabaho."

Bukod sa kanyang concert ay maglo-launch din siya ng bago niyang album under Vicor Records, Vice Ganda, Lakas Tama na may 8 tracks at ire-release nitong June 15.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN