Erik Santos composed a song for his new album, Awit Para Sa ’yo


"Ang sarap pala mag-compose ng kanta," said Erik Santos about creating his own compositions. "Kasi after i-record yung kantang ikaw talaga yung nag-isip ng melodies at tsaka ng words."


Matapos ang kaniyang successful concert noong Agosto, nag-release naman ng bagong album ngayong buwan Ang OPM singer na si Erik Santos, ang Awit Para Sa’yo.

Co-producer si Erik ng kanyang bagong album, kasama ang music producer na si Jonathan Manalo.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng iba pang entertainment press si Erik noong September 15 sa Don Henrico’s Restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

Dito’y sinabi niya na first time daw niyang magkaroon ng album na purely OPM hits ang mga kanta.

"Unang-una sobra nating pinapalakas yung OPM," saad niya.

"So, it’s my first time na magkaroon ng kumbaga to come up with an all OPM album.

"So, it has 14 tracks, sa lahat ng album ko ito yung may pinakamaraming tracks and mostly are ano, karamihan original.

"Nagkaroon lang kami ng covers like ginamit yung iba at gagamitin yung iba as theme song ng ano, ng teleserye at pelikula."

ORIGINAL COMPOSITION. Sa lahat daw ng naging album ni Erik, ito daw ang may pinaka maraming laman na kanta.

May 14 tracks kasi ito, kung saan 9 ang original at 5 ang cover songs na puro OPM love songs.

Bakit nga ba puro love songs ang kasama sa album niya ngayon?

"Actually, ano ito iba’t ibang mga awitin para sa iba’t ibang istorya ng buhay," nakangiting sagot ni Erik.

"Hindi lang pag-ibig, puwede din...Basta buhay ng tao, like lahat naman tayo nakaka-experience na umibig, humanga, yung ganun."

Kapansin-pansin din na mas marami ang original songs niya ngayon, kumpara sa kaniyang mga nagdaang album.

Paliwanag ni Erik, "Nowadays medyo nakakapagod na din makinig ng puro remake, e, ang dami nating magagaling na song writers dito sa Pilipinas.

"So, mas gusto natin silang bigyan ng pagkakataon na marinig naman yung mga awitin nila, at siyempre mas gusto natin na makapag-offer naman sa mga tao ng bagong awitin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaugnay nito, may isang kanta sa album na original composition ni Erik, ang "Hanggang Kailan Kita Mamahalin."

Kuwento niya, "Wala lang ’yan, naisip ko lang [yung lyrics].

"One time nagising ako, tapos naisip ko siya siguro in twenty or thirty minutes na na-compose ko yung kanta."

Masaya daw si Erik na sa ikalawang pagkakataon ay nakasama sa kaniyang album ang na-compose niyang kanta.

Para sa album niyang Loving You Now (2005), ang kantang "Kung Maaalala Mo" naman ang original composition na ginawa niya.

Pero, pangarap daw sana niya na sa mga susunod na album ay puro original songs na niya ang nakalagay.

"Kasi ang sarap pala mag-compose ng kanta, kasi after i-record yung kantang ikaw talaga yung nag-isip ng melodies at tsaka ng words.

"Sabi ko nga ang style ko ng paggawa ng kanta, tulad dito sa ’Hanggang Kailan Kita Mamahalin,’ nagising lang ako and then pumasok yung mga lyrics sa utak ko pati yung melody, so yun na yun."

TRACK LISTING. Narito ang kumpletong track list ng Awit Para Sa’yo na album ni Erik Santos:

1. Kulang Ako Kung Wala Ka

2. Kailan Ka Magiging Akin

3. Hindi Na Magbabago

4. Bakit Mahal Pa Rin Kita

5. Sana Ikaw

6. Langit

7. Mula Sa Araw Na Ito

8. Pangarap Ko Ang Ibigin Ka

9. ’Di Lang Ikaw

10. Hanggang Kailan Kita Mamahalin

11. If You Have To

12. Paminsan-minsan

13. Sa Iyong Paglisan

14. Muling Buksan Ang Puso


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN