Zia Quizon on her first concert: "I hope naman people have enjoyed."


"Hopefully it did very well. I hope naman people have enjoyed," says Zia Quizon about her album launch and birthday concert held last September 22, at the Teatrino Greenhills.


Nagkaroon ng pagkakataon na makapanayam saglit ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang anak ng Divine Diva Zsa Zsa Padilla at Comedy King Dolphy Quizon, na si Zia Quizon sa naganap na Esquire Philippines launch party noong October 5 sa The Peninsula Manila.

Tinanong ng PEP kung kumusta ang naganap na album launch at birthday concert nito sa Teatrino Greenhills, noong September 22, na pinamagatang Simple Girl.

"Hopefully it did very well," nakangiting tugon ni Zia.

Aniya pa, "I hope naman people have enjoyed."

What’s keeping you busy lately?

"My album just came out, so I’ve been kind of busy and I’m new to this showbiz thing," paliwanag ng singer.

Kumusta ang working experience mo sa ASAP Rocks as a semi-regular performer?

"It’s very good naman.

"It’s surprisingly very [easy].

"It’s a lot easier than a lot of people starting out," masayang pahayag ng bunso ni Zsa Zsa.

Kumusta naman at nakakatrabaho mo na ang Mommy mo na si Zsa Zsa Padilla at ang ate mong si Karylle?

"She [referring to her mother] has so much advice na she can give.

"She has so many experiences.

"Not just that, pero yung Ate [Karylle] ko rin she’s on ASAP [Rocks] also so it’s like family bonding time."

May binibigay ba silang mga advice sa’yo?

"The right kind of shoes, kung saan titingin. Straight body, straight body, gano’n."

Kumusta naman ang pagtrato sa ’yo ng showbiz so far?

"Exciting and medyo parang nawhi-whirlwind pa ’ko, na ano...and naninibago."

So maliban sa pagiging busy mo for your album at sa ASAP Rocks, may mga plano ka na ba for the future?

"I don’t know," maikling tugon ni Zia.

"I’m just seeing where it takes me, I guess," nakangiting sambit nito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN