Alynna launches her repackaged album "Someone Like Me"


Alynna (in photo) used to go by the name Alynna Velasquez but she dropped the last name in order to distinguish herself from Asia’s Songbird, Regine Velasquez. The sexy singer popularized the ditty "Kahit Gaano Kalaki" a few years back.


Muling nagbabalik sa recording industry ang sultry singer na si Alynna. Ni-relaunch kamakailan ang kanyang repackaged album na may titulong Someone Like Me under Viva Records.

Noong unang pinakilala sa media si Alynna six years ago, nakabit kaagad ang name niya sa singer na si Hajji Alejandro, na siyang boyfriend niya at that time. Since then ay hindi na nga nahiwalay ang name niya sa ama ni Rachel Alejandro.

Ngayon ay matagal na raw hiwalay si Alynna kay Hajji at gusto na niyang magkaroon ng sariling identity sa larangan ng music at recording. Ang mga naging kasabay ni Alynna noon sa pagpasok niya sa industriya ay sina Jessa Zaragoza, Mystica, Selina Sevilla, at Mae Rivera. Nakilala sila sa mga double-meaning na mga awitin.

"During that time naman kasi, pinilit akong magkaroon ng sexy image. Medyo awkward ako noon because I was like competing with other sexy singers as well. Kaya medyo hindi ako nakapag-concentrate noon sa magiging image ko. Plus the fact na may pumipigil sa akin noon na magkaroon ng sexy image.

"Unlike now, mas may confidence na ako. I can be sultry and seductive at the same time. Wala na kasing pumipigil sa akin to do what I want now. Kaya more than just the image, I want people to know that I can sing and I love to sing love songs. Mapapakinggan nila ‘yan sa bagong repackaged kong album," pangako ni Alynna.

Kabilang sa kanyang Someone Like Me album ang mga awiting "Reasons Of The Heart," "Take A Chance," "I Never Dreamed Someone Like You Could Want Someone Like Me," at "Yakap Sa Dilim."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN