Noel Cabangon talks about his efforts to cross over from folk to pop music


Noel Cabangon on why his upcoming concert is titled Simpleng Musikero: "Simple, kasi siguro yung mga kanta ko, still grounded, e. Sabi ko nga, I don’t consider myself a celebrity, although I’m in the mainstream. Hindi pa naman ako pumupunta kay Vicki Belo."


Kahapon, November 28, ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Noel Cabangon sa Restaurant Uno sa Quezon City.

Ikinuwento ng kilalang folk singer ang concert niya sa Music Museum na gaganapin sa December 2 at 3, at ang kanyang mga ginagawa para makakuha ng mainstream audience.

Aminado kasi si Noel na sa ngayon ay kilala siya sa folk music, na kahit may sariling niche sa industriya ay hindi maituturing na mainstream.

Ang mainstream music sa ngayon, o ang musikang kadalasang naririnig sa radyo, ay nasa genre ng pop: mga dance tunes, love songs na hindi masyadong matalinghaga, at mga novelty tracks.

Alam ni Noel na kung gusto niyang dumami ang kanyang audience ay kailangan maging pop ang kanyang musika, kahit papaano.

Kilala si Noel sa mga kantang "Kanlungan" at "Tatsulok," na hindi agad-agad makakahon bilang pop music.

Aniya, "When you really cross over to the mainstream, you really have to have that pop sentiment.

"Otherwise kasi, parang ang hirap mo ring mag-connect dun sa mainstream audience.

"Naging ano rin kasi ako, e, I have to keep my mind open, para rin talaga ma-embrace ko kung ano yung meron sa mainstream."

Ilan sa mga ginagawa ni Noel para matutunan ang pop ay ang pakikinig ng mga bagong kanta at ang pakikipag-collaborate sa bagong artists.

Sa kanyang pinakabagong album na Panaginip nga ay nakipag-collaborate siya kina Ebe Dancel and Nina.

Mapapansin din na ang ilan sa mga kanta sa Panaginip ay may tunog pop na rin.

Gayunpaman, ayaw pa rin ni Noel na maging todo-todong pop artist, na nagko-cover ng mga kantang dayuhan at ire-release ang mga ito bilang acoustic versions.

Saad ng singer, "I’m just being sincere in what I do, e. Yun lang yun.

"And yung connecting with the times, ano naman, e, parang ako, I have to listen to the new kind of music.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At the same time, hindi ko na ka-generation yung mga generation ngayon.

"So, I cannot also push myself to be with that generation.

"What I do is I try to be true to myself. That way, I keep my identity."

SIMPLENG MUSIKERO. Ito rin ang nais ipakita ni Noel sa darating niyang concert sa December 2 at 3 sa Music Museum.

Titled Simpleng Musikero, ang concert ay magtatampok ng mga kanta ni Noel sa album niyang Panaginip, at ilang Christmas songs.

Kare-release lang kasi ng repackaged version ng Panaginip na may apat na bagong Christmas songs.

"What I really want with the concert is for people to go there and listen to the music, listen to the songs, and not watch a spectacle," sabi niya.

Ang Simpleng Musikero ang maituturing na first major concert ni Noel. Bakit nga ba hindi niya piniling gawin ito sa mas malaking venue, tulad ng Araneta Coliseum?

"Okay lang yun. I don’t want na kung mag-a-Araneta.

"I don’t think I have that crowd. Saka I’m really more of an intimate performer, e," sagot ni Noel.

At bakit Simpleng Musikero ang titulo ng concert?

"Simple, kasi siguro yung mga kanta ko, still grounded, e.

"Sabi ko nga, I don’t consider myself a celebrity, although I’m in the mainstream.

"Hindi pa naman ako pumapantay kay Vicki Belo, e."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN