Jon Santos and The CompanY team up for Rom-Com (A Romantic Comedy Special) concert


For the second time, The CompanY and Jon Santos gear up for a one-night concert dubbed Rom-Com (A Romantic Comedy Special).


"Theatrical."

Ganito inilarawan ni Moy Ortiz ng The CompanY ang upcoming show ng kanilang grupo kasama si Jon Santos at Whiplash: ang Rom-Com (A Romantic Comedy Special).

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment press si Jon at Moy kanina, Enero 11, sa kanilang mini-presscon sa Uno Restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

"Rom-Com is not really linked lang with Valentine’s," ang sagot ni Jon nang tanungin kung bakit Rom-Com ang napili nilang panagalan ng kanilang concert.

"’Yong title na Rom-Com, naisip ’yon ni Moy with no timetable of project in mind because it’s one of the muse called to him, gave him a title, na napa-what-if siya."

SMALL WORLD. Magka-ibang industriya ang kinabibilangan ni Jon at ng grupo ni Moy na The CompanY.

Si Jon ay isang sikat na komedyante at TV host, samantala ang grupo ni Moy ay kilala para sa kanilang mga OPM ballad love songs.

Ikinuwento sa amin ni Jon kung paano nabuo ang plano para sa concert na ito.

"We are always running into each other in the TV world," masiglang panimula ni Jon.

"I was a TV host and they’re from the OPM world, they were getting invited to the TV world.

"Nagkikita lang kami sa likod ng corporate shows ’cause I’m not exposed to the world of weddings as much as they were.

"Then somebody invested on a show called Quick Change. Quick Change brought us together in 2009, it was an independent producer.

"We’re now finally together in a show that is not a corporate show.

"After that, aside from naging magkaibigan kami outside of work, I’ve seen their shows from the audience; they’ve seen my shows from the audience.

"Nagkaroon ng parang seed na, ’uy, vault-in-able naman ’yong aming mga details.’"

Ang sinasabi ni Jon na Quick Change concert ay naganap noong Hulyo 31 at Agosto 1, sa Star Theater, CCP Complex, sa Roxas Blvd., Pasay City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matapos ang concert na ito’y naging malapit na si Jon sa bawat miyembro ng grupo. Kaya naman naisipan nila na gumawa muli ng show, na mas "challenging" at "exciting" para sa kanila.

BEST OF TWO WORLDS. Ito naman ang paglalarawan ni Moy sa kanilang concert: "Rom-Com is like the best of what he does and the best of what we try to do.

"It is why Romantic-Comedy—we do love songs, he does a lot of comedy—we cross each other’s worlds and see what will happened."

Binanggit rin ni Moy na gusto sana ng kanilang grupo na masubukan ang iba pa nilang kakayahan, at patunayan na hindi lamang sila limitado sa pag-awit ng love songs.

"A lot of people just know our group [for our] love songs; they think we just sing love songs.

"It has always been theatrical, our acts, we’ve always crossed and gone on doing musical comedy in a live act, always very, very theatrical.

"We were very impressed and we know his roots are theater—and we thought that it’ll be a good choice to put Jon’s act, to enter our act and vice versa, because both are theatrical.

"Kami naman we try to convince and influence Jon in incorporating more musical acts in to his shows because we found out that he can more than just carry it, more than he even thinks.

"We know also na our core strength really isn’t comedy.

"So, our comedy in our shows would always be a music fit.

"But, we can’t do just how Jon does which is just like, we can’t do it in such a way like getting into alter-egos and characters, in the costumes, are not really our strength."

Dagdag pa ni Jon, hanga siya sa paraan ng pagtatanghal ng The CompanY sa kahit anong show nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinabi niya na, "Kapag may gano’n [show] sila, no matter how intently covered they are in another persona, the number is still a number by The Company— they don’t call names, they don’t loose The Company.

"Ako iba, it’s a mask, I hide.

"Parang masarap na nagka-exhange-an na how I do what I do, how you do what you do."

TOUCH OF PINOY. Aminado sila Moy at Jon na may kaba sila dahil maraming foreign artists ngayon ang nagko-concert sa ating bansa, na halos malapit sa petsa ng kanilang show.

Gayunman, tiwala si Moy na mayroon silang maipapakitang kakaiba na hindi kaya maibigay ng mga foreign acts.

"What we have to offer is something that, something that a show cannot be given by...by the international acts," pahayag ni Moy.

"Because it’s shouting Pinoy and it has the voice of a Pinoy, whether it’s in the terms of view of point, in terms of music.

"We give them a show that foreigners cannot give.

"Actually knowing the local culture— our works, our sensibility, what we find offensive, what we find acceptable— ’yong lasa ng Pinoy.

"That’s why we are quite proud of it because we use our core strength, na we give them a show na mapupuntahan ng mga Pinoy na hindi ma-o-offer ng mga iba dyan."

Ang one-night concert na Rom-Com (A Romantic Comedy Special) ay magaganap sa January 27 (Friday) sa Music Museum.

Ang presyo ng mga ticket ay P800 (Balcony); P2,000 (Orchestra Side); at P2,800 (Orchestra Center), na maaaring mabili sa Music Museum (Tel. No. 721-6726/721-0635) o kaya ay sa Ticketworld (Tel. No. 891-9999).


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN