Krissy and Ericka will release their new album, Twelve: Fifty One, in the Philippines, Singapore and Malaysia


Krissy and Ericka say their second is more "mature" compared to their debut album that contains more of "teeny bopper" songs.


Tatlong taon din bago naglabas ng kanilang pangalawang album ang magkapatid na Krissy at Ericka Villongco.

Noong 2009 ay ini-launch ang kanilang debut, self-titled album na Krissy & Ericka, kung saan naging carrier single nila ang mga kantang "Up Up, Down Down" at ang revival ng M2M hit single na "Don’t Say You Love Me."

Ang kanilang pangalawang album na titled Twelve: Fifty One ay ila-launch ngayong taon dito sa Pilipinas kasabay sa iba pang bansa tulad ng Singapore at Malaysia.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment press sina Krissy at Ericka noong Pebrero 15 sa Shakey’s Restaurant sa El Pueblo, Ortigas, Mandaluyong City.

Dito’y sinabi nila ang kaibahan ng album na Twelve: Fifty One mula sa self-titled album nilang Krissy & Ericka.

"I think more mature siya than the first one," pahayag ni Krissy, ang panganay sa magkapatid.

"Kasi our first album nga parang teeny bopper ang effect, sort of like that.

"Pero this album sounds more heartfelt the way we write our songs, like from personal experiences talaga.

"Pero ’yong first album namin parang it was about humanity and having fun in the beach, pero ito it’s about personal experience, mga guys and stuff."

MUSICAL COLLABORATION. Samantala, aminado ang magkapatid na ang international singer na si Taylor Swift ang kanilang idolo pagdating sa pagkanta at pagsulat ng mga awitin.

Ani ni Krissy, "Taylor Swift is a major influence to us, especially in song writing, ’cause it is so heartfelt and we can almost see the experience happening.

"I mean, we feel the song.

"So, I aim to be like that, like when it comes to my songs."

Katunayan, ilan sa mga orihinal na awitin sa kanilang album ngayo’y isinulat ni Krissy at isa na rito ang kantang "12:51."

Ayon kay Krissy, ang kantang ito’y tungkol sa isang lalaki na nagustuhan niya at akala niya’y may gusto rin sa kanya. Ngunit, kalauna’y nalaman niyang may iba pala itong gusto na babae.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naging katuwang naman nina Krissy at Ericka sina Marie Digby at AJ Rafael para sa dalawanilang awitin--ang "Rewind" at "Anything," respectively.

Sinabi ni Ericka, ang nakababata sa kanilang magkapatid, na iniidolo rin nila sina AJ at Marie, na tulad nila’y sa isang sikat na site din nadiskubre ang talento sa pag-awit.

Ani ni Ericka, "We have been huge fans of Marie and AJ like we used to watch their videos in YouTube. It was so nice.

"They are so down-to-earth people, especially AJ when we met him. Like that moment when we went on tour with him he was like so empowering, he is so inspiring and he taught us so many things."

Habang si Krissy nama’y naalala ang pagkakataong nakatrabaho nila si Marie, na imbes na maka-duet nila’y sumulat na lamang ng awitin na para sa kanilang album.

Kuwento ni Krissy, "I think it was so fascinating, like Marie Digby wrote our song ’Anything’ and she’s really nice about it.

"She said, ’oh, you really don’t have to give me a part in that song,’ I was like, ’oh, it’ll be cool if we could have you sing with us.’"

Ilang shows na sa ibang bansa ang nagawa ng magkapatid na karamihan ay sa Asia, tulad ng Malaysia at Indonesia.

Sa kasalukyan ay abala sila sa mga TV appearances at ilang mall shows kasama ang techno-pop artist na si Someday Dream.

Ngunit, binabalak nilang magkaroon ng series of shows sa United States sa Abril kasama si AJ Rafael na nakabase doon.

TRACK LIST. Narito ang track list ng Twelve: Fifty One album nina Krissy at Ericka.

1. Rewind feat. AJ Rafael

2. Rolling In The Deep

3. 12:51

4. That Should Be Me

5. Last Friday Night

6. Back To December

7. In Your Arms

8. Rocketeer

9. Love The Way You Lie 2

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

10. Anything feat. Marie Digby

BONUS TRACK: Change The World


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN