Nikki Bacolod to collaborate with a Malaysian singer; new songs will be distributed in Asian countries

























Nikki Bacolod


Ikinagalak ng Viva contract artist na si Nikki Bacolod ang pagkapili sa kanya ng Malaysian recording executive na si Julfekar Ahmad Shah upang makabilang sa piling mga singers na nais bigyan ng break sa nasabing record executive sa Malaysia.

Si Nikki ay runner-up ng Search for a Star in A Million talent search noong 2005 at nakagawa na siya ng album under Viva Records kung saan pumirma siya ng kontrata matapos siyang magwagi. Bagamat mas kilala siya bilang singer, pinasok din ni Nikki ang acting, na isa rin sa kanyang passion kaya tila nalimutan niya ang pagkanta. Pero masaya siya sa oportunidad na dumating sa ngayon na makapag-recording sa Malaysia.

Kasama ni Nikki na nabigyan ng break na mag-record para sa Dream Millennium Art Label sina Bryan Termulo, newbie teen singers Hai Zel and Grendel Ramos, and the Pinoy rock band Frio. Nakatakda silang magrecording ng mga awitin sa Bahasa Malaysia at Pinoy na idi-distribute sa iba’t-ibang bansa sa Asia. Ipinakilala sila sa isang pre-listening presscon noong Martes sa Patio Carlito Restaurant sa may Quezon City.

"Masaya naman po ako kung paano ako inalagaan ng Viva. Natutuwa po ako kais binigyan din nila ako ng break sa acting," sabi pa ni Nikki. "Hindi naman po nakaramdam na pinabayaan ako ng Viva dahil sunud-sunod din naman ang projects ko sa kanila."

Nakasama si Nikki sa mga drama shows tulad ng Diyosa, Rosalka, Imortal, at Pangarap na Bituin. Nakalabas din siya sa Maalaala Mo Kaya.

"I would say for a while nagustuhan ko talaga ang acting pero siyempre I cannot naman turn my back on first love which is singing," sagot niya. Sobrang na-overwhelm daw siya nang malaman na ang offer mula Malaysian record executive. "I am excited. Not only will I be able to sing again kundi international label pa ito so sobrang ako kay God sa lahat ng blessings na ibinibigay niya sa akin," pahayag ni Nikki na pumasok sa larangan ng pag-arte noong 2007.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Na-miss ko ang pagkanta pero excited ako sa aking pagbabalik sa singing kasi international recording ang gagawin ko. Nakakakaba rin kasi siyempre di ko naman alam kung ano ang market sa ibang bansa. Pero I am leaning on the positive na I know that if this will do well so I will do my best and hope God will take care of the rest."

Nakapag-record na si Nikki ng dalawang Tagalog songs tapos may ire-record pa siyang isang Malaysian song in collaboration with a Malaysian artist pero hindi pa raw niya alam kung anong kanta ito. Pero excited na rin si Nikki sa pagpunta nila sa Malaysia kung saan nila ire-record ang kantang Bahasa in collaboration with a Malaysian singer.

"Excited ako kasi makakapag-travel din ako, e, mahilig pa naman ako mag-travel so it is like mixing business with pleasure," wika pa ng dalaga. Masaya rin ibinalita ni Nikki na nakatakda siyang magtapos sa high school ngayong Marso. Medyo natagalan bago siya nakatapos ng high school dahil huminto siya sa pag-aaral nang pumasok siya sa showbiz. Two years ago ay muli siyang nagbalik sa pag-aaral at proud niyang winika na mataas ang kanyang mga grades.

"Kahit na busy ako sa trabaho, kinaya talaga ng powers ko mag-aral at tapusin ito. Sa March 23 ang graduation namin," kuwento pa niya.

Excited na rin siya sa pagpasok sa kolehiyo. She will be taking up two majors: Bachelor of Arts Major in Behavioral Sciences and Bachelor of Science in Corporate Management. Papasok siya sa College of St. Benilde.

"Mahilig kasi talaga ako sa business and at the same time, mahilig din ako sa science. Ang double major na kukunin ko is a mixture of both. Behavioral Science is parang Psychology. Then yung Corporate Management is business naman so mixed ang dalawang courses so it is like hitting two birds with one stone," masayang kuwento ni Nikki.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN