DJ Mo Twister, may game show sa Studio 23


DJ Mo Twister will host Kabarkada: Break The Bank, a game show that will air on Studio 23 from Monday to Friday.


Gabi-gabi na mapapanood ang kontrobersyal na radio host na si DJ Mo Twister sa Studio 23. Simula August 27, siya ang magiging game show host ng Kabarkada: Break The Bank, isang franchise na kinuha mula sa Endemol.

Bukod sa programang Y Speak, hahawakan ni DJ Mo ang bagong game show na ito na malapit nang mag-air on Studio 23.

Titled Kabarkada: Break The Bank, si DJ Mo ang only choice para maging host ng bagong programa na franchise show din ng Endemol, ang kumpanya behind Big Brother, Deal Or No Deal, and 1 vs. 100 (na malapit nang ipalabas sa ABS-CBN).

Kabarkada: Break The Bank is the fourth show to come from the partnership of ABS-CBN and Endemol.

Medyo may hawig ang Kabarkada: Break The Bank sa Kapamilya: Deal Or No Deal pero walang studio contestant na kasali. Puwede kang maglaro thru texting. Among the texters ay pipiliin ang masuwerteng maglalaro. Tatawagan ng show ang lucky texter at saka maglalaro for the chance to win P100,000.

Monday to Friday ang airing ng Kabarkada: Break The Bank at magsisimula ito sa Lunes, August 27. Ang Pilipinas ang ikalawang bansa to air this program. Nauna na ang Greece kung saan ongoing na ngayon ang nasabing programa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN