Jake Cuenca talks about his intimate love scenes with Shaina Magdayao and Bangs Garcia










(L-R) Bangs Garcia, Jake Cuenca and Shaina Magdayao figure in a love triangle for ABS-CBN's upcoming afternoon soap opera, Kung Ako'y Iiwan Mo. Touted as an OF-serye (Overseas Filipino), this show was partly shot in Doha, Qatar and Dubai.


Masasabing taon ni Jake Cuenca ang 2012 dahil itong taon na ito ay kinilala siya ng Philippine Movie Press Club bilang Best Supporting Actor. Nanalo si Jake para sa romantic drama na In The Name of Love kunsaan nakasama niya sina Angel Locsin at Aga Muhlach.

Ngayon taon na ito, mapapanood ang kanyang kakaibang pagganap bilang isang OFW sa afternoon soap opera na pinamagatang Kung Ako’y Iiwan Mo, kasama niya sina Shaina Magdayao at Bangs Garcia bilang kanyang mga leading ladies.

Sina Lino Cayetano at Manny Palo ang director ng TV series na tinatawag na OF-serye dahil tinatalakay nito ang sitwasyon ng mga Overseas Filipinos na nagtatrabaho sa ibang bansa. Maraming eksena ng afternoon soap opera ang ginanap sa Doha, Qatar na sinasabing tinitirhan ng third largest group of Filipinos sa labas ng Pilipinas.

Bukod kina Jake, Shaina at Bangs, kasama rin sa cast sina Gloria Diaz, Sandy Andolong, Maria Isabel Lopez, Ronnie Lazaro, Dick Ysrael, Nikki Valdez, Jojit Lorenzo, Ron Morales at David Chua; with the special participation of Christopher de Leon and Philip Salvador. Ang gumanap na young Jake Cuenca ay si Paul Salas samantalang ang young Shaina Magdayao ay ginampanan ni Mariel Pamintuan.

Sa press screening ang nasabing teleserye noong March 29 ay nagkaroon ang PEP.ph nang pagkakataon na makausap si Jake Cuenca tungkol sa bago niyang teleserye kunsaan gaganap siya bilang si Paul ang kababata ni Sarah (Shaina). Ngunit, dahil sa away ng kanilang mga magulang, maghihiwalay ng landas sina Paul at Sarah kung kaya’t iibig naman si Paul kay Mia (Bangs).

Nagpunta ang mga lead stars sa Dubai at Qatar upang i-shoot ang kuwento na ito na tumatalakay sa infidelity.


Ayon kay Bangs, dalawang beses siya nagpunta abroad: nasa Dubai siya for four days at nag-shoot naman siya sa Qatar for almost two weeks. Tatlong linggo naman si Jake sa Middle East at dalawang ligngo nanatili si Shaina upang i-shoot ang teleserye na mapapanood simula April 16, 2012.


Ano ang role mo rito sa bago mong teleserye?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Jake: “Yung role ko rito? Siguro hindi lang yung role ko rito yung gusto kong i-discuss kundi role naming lahat. Yung role kasi namin kasi rito ay very ‘visceral,’ very real. This is a role na ang demand na kinakailangan ay maraming puso. Kasi kinailangan naming maging totoong totoo rito, Kumbaga, minsan mababasa mo sa script, o kailangang umiyak dito, pero sa totoong buhay di ka naman iiyak sa ganung sitwasyon, e. Tinitimbang namin kung ano yung totoo at yun ang gagawin namin.

Dagdag pa nito:

“Usually, ang characters na ginagawa ko, anger-driven. Punong-puno ng angst, punong-puno ng sama ng loob. [Si Paul] naman punong-puno ng pag-asa. Yung pangarap niya buhay na buhay…Gusto namin maka-relate sila sa love story at maka-relate sila sa lahat ng characters.”

Ano yung pinagkaiba ng role mo rito sa ibang teleseryeng ginawa mo?

Jake: “First time kong makapag portray rito ng isang simpleng tao. Isa pa, yung ibang mga roles na ginawa ko noon ay sobrang intense. Kung matatandaan n’yo yung mga ibang ginawa ko in the past ay very intense. Dito intense din pero intense pagdating sa pagmamahal, hindi n’yo makikita rito yung usual Jake na laging galit at sigaw ng sigaw. Ang kinailangan lang talaga sa ginawa ko rito ay maraming maraming puso.”


First time mo bang makarating ng Doha, Quatar at doon kayo nag shoot ng ilang eksena? Paki kwento ang ilang karanasan mo doon.

Jake: “Oo, first time ko dun. Hindi ako magsisinungaling, yung lugar na Doha, hindi para sa akin yung lugar na yun, kasi napakaraming patakaran, napakaraming rules, lahat ng babae, balot na balot. Hindi ko nagustuhan yung lugar pero nakatulong siya ng malaki sa pag portray ko ng role ko rito bilang isang OFW. Kasama sa paghihirap ng isang OFW yung lugar, siyempre para sa isang Pinoy yung Pilipinas is a free country at para ma contain ka ng ganun, kasama yun sa hirap na pinagdadaanan nila.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano yung mga natutunan mo nung nandun ka sa Qatar?

Jake: “Siguro ang natutunan ko sa teleseryeng ito ay yung value ng pera, na yung pera ay hindi basta basta winawaldas or ginagastos. Kasi yung isang kusing na kinikita nila roon ay napakalaking bagay na para sa pamilya nila. Ako, personally pag may pera na gastos ng gastos, nabababawan na ako sa sarili ko. Ang sa akin lang, dapat mag-iipon para makakatulong sa iba, yun ang isa sa magandang natutunan ko sa teleseryeng ito.”


Ano ang natutunan mo tungkol sa mga OFW habang ginagawa ang teleserye na ito?


Jake: "Napakablessed ko na nakasama ako sa proyektong ito na magbibigay ng mukha sa mga OFWs. Grabe talaga ang paghihirap nila doon. Ako nga sa tatlong linggo na yun, gustong-gusto ko na umuwi sa sobrang hirap. Sobrang ganda ng lugar pero napakahirap talaga ng buhay."

Anong masasabi mo na kadalasan ng teleserye, isang leading lady at dalawang leading man ang gumaganap. Pero sa teleserye mong ito nag-iisa kang leading man ng dalawang leading lady na sina Bangs Garcia at Shaina Magdayao?

Jake: “Hindi ko alam kung anong ginawa kong tama (sabay tawa) Pero natutuwa ako na nakasama ko si Bangs Garcia at isang Shaina Magdayao na maituturing na dalawa sa magagandang babae sa industriya at magagaling umarte. Swerte ko lang talaga siguro!”

Sino ang mas sexy sa dalawa sa tingin mo?

Jake: “Sa akin, pareho silang very outstanding young women.”

Meron ka bang love scenes sa kanilang dalawa? Sinong partner ang may mas intimate na love scenes?

Jake: “Yes, meron to both of them. Pero, magkaiba yung love scene ko sa kanilang dalawa, e. Siyempre yung lovemaking mo dun sa other woman o sa kabit, siyempre punung puno ng lust yun. Pero pagdating sa asawa ko, punung puno ng pagmamahal. Two different things. Dalawang magkaiba yan. Makikita mo yung intimate and passionate love making sa asawa. Makikita mo dun sa kabit ko yung ‘sex’ lang na word at walang pagmamahal. So, pagdating sa kabit ko, mas aggressive ang dating, hindi mo masyadong iniisip yung kapartner mo, mas iniisip mo yung sarili mo. Pero dun sa asawa mo, equal dapat yung nararamdaman n’yo, hindi pang sarili lang.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saan ka naka relate sa karakter mo rito sa bago mong teleserye?

Jake: “Naka relate ako in a lot of ways kasi lumaki ako na yung parents ko abroad ng abroad, matagal silang nawawala, naka relate ako dun. Naka relate din ako nung nahuli na yung karakter ko na may kabit. Naka relate ako in a way na hindi ko dapat gawin yun pag nag asawa na ako.”

Kamusta yung sampalan n’yo rito ni Shaina?

Jake: “Masakit, walang daya yun. Makikita n’yo naman kung may daya, e, pero napag usapan naman namin yun ni Shaina. Sinabi ko kay Shaina na ibigay niya ng todo kung kinakailangan sa eksena.”

Maraming beses mo nang nakasama si Shaina sa mga teleserye nyong dalawa, anong masasabi mo kay Shaina now compare noon bilang katrabaho?

Jake: “Wow! Ang laki ng pinagbago ni Shaina, nakita ko talaga yung maturity niya as a person in this show. Kumbaga, hindi na siya yung baby at batang Shaina na napapanood natin dati. Ngayon, isa na siyang ganap na babae and I’m so proud of her.”

Anong masasabi mo naman kay Bangs bilang isa rin sa mga leading lady mo rito?

Jake: “I remember, ni launch si Bangs with me sa Palos. Si Bangs ay Bangs, e, basta kung ano yung nakikita natin sa kanya sa screen, in person ganun din siya, sobrang natural yung acting niya, magaling siya talaga. She’s very natural.”


Ipapakita ang pilot week ng Kung Ako’y Iiwan Mo sa Doha, Qatar on April 12. Dadalo sina Jake Cuenca, Shaina Magdayao at Bangs Garcia sa naturang event na gaganapin sa Sheraton Doha Resort and Convention Hotel at 9 p.m.


Para sa karagdagang impormasyon, visit www.abs-cbnglobal.com

Mapapanood ang Kung Ako’y Iiwan Mo simula April 16 (Lunes) pagkatapos ng Mundo Man ay Magunaw sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN