Kris Aquino excited about Vilma Santos's guesting on "Kapamilya Deal or No Deal"


Famous celebrities—former President Cory Aquino, Sharon Cuneta, Senator Bong Revilla, among others—have already visited the set or joined the game show of Kris Aquino. When asked who among the stars or TV personalities she would want to guest on Kapamilya Deal or No Deal, Kris quickly answered: "Piolo Pascual."


Bigatin ang back-to back special guests ni Kris Aquino sa taping niya last
Friday, August 17, for her show Kapamilya Deal or No Deal. No less than Batangas Governor Vilma Santos and the new Kapamilya star Angel Locsin ang mga naglaro sa game show ni Kris sa primetime bida ng ABS-CBN.

Ipapalabas ang guesting ni Governor Vi sa Huwebes, August 23. Nauna nang ipalabas ang kay Angel sa Kapamilya Deal or No Deal noong Lunes, August 20.

At habang hinihintay ni Kris ang na magsimula ang episode ng Star for All Seasons, she granted PEP (Philippine Entertainment) an interview.

Ang masayang bungad ng TV host, "Yung kay Angel kasi, because she already taped with Boy & Kris so, I kinda got to know her. Bago nag-start yun, we hung out dun sa dressing room ko.

"Kay Ate Vi, eto, I can really say that this is the most excited I've ever been for any episode on Deal because I'm a certified Vilmanian. And talagang kanina ko pa kinukulit ang writer, 'Let's make her win.'"

Pero siyempre ay nagbibiro lang si Kris. "Of course, wala naman kaming power, ‘no, para panalunin siya. Pero talagang I've been praying she wins big kasi I appreciate the effort na sa gitna ng bagyo, to come all the way here..."

Hindi maitago ni Kris ang paghanga sa Star for All Seasons dahil napaka-gracious daw niya.

"Nag-text siya ng dalawang beses sa akin to say, ‘Sorry Kris talaga, may tumaob na truck sa Alabang kaya ako natagalan.' And then, I said no problem whatsoever. Naaawa lang ako kasi 'yung Vilmanians have been here since four o'clock.

"And then, she said, ‘That's why I love them so much. Pero sorry talaga kasi I'm almost there.' Di ba, parang feeling ko naman hindi niya kailangang mag-sorry sa akin. It's enough na nandito ka," ang kuwento pa ni Kris.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pabiro rin daw na nagtanong si Ate Vi tungkol sa pointers, na sinagot naman ni Kris, "Uhm, hindi ko alam, e. Kung ako kasi, ‘pag umabot sa P500,000 ang offer, magdi-deal ako. Hahaha!"

Nang tanungin naman siya tungkol sa guesting ni Angel sa show niya. Aniya, "And with Angel naman I felt so privileged because this was the first time her mom [Emma Colmenares] joined her. So, sa Deal 'yun unang nakita. Sabi nga niya [Angel], ‘Naku, naging showbiz na ang Mama ko.'"

Dapat ay si Banker ang isasayaw ni Governor Vi sa naturang game show pero nagulat na lang siya nang lumabas si Edu Manzano at nakipagsayaw sa kanya ng theme song ng Pilipinas Game KNB na pinauso ng kanyang onscreen partner. Ang Star For All Seasons ang ika-26 celebrity player na sumali sa Kapamilya Deal Or No Deal simula nang bumalik si Kris sa naturang game show.


After Governor Vi and Angel, sino pa ba ng gusto niyang mag-guest sa show niya? "Si Papa Piolo [Pascual] is coming soon," ang mabilis niyang sagot.

"Nag-promise siya sa akin simula nung nag-Be Bench kami na he will be at Kapamilya Deal or No Deal in September naman."

Pero bukod kay Piolo ay wala na siyang maisip na gusto niyang maging guest sa kanyang game show. Kung sino ang mananalo ng malaking prize money ang isa pang dapat abangan ng mga viewers.

"Uhh, ako parang everybody has really been here so I'm just waiting, kasi the last time, napili 'yung two million. ‘Tapos nabukas pero 'yung two na three million ang natitira. So, ngayon talaga, inaabangan ko na lang na meron talagang mag-uwi ng three million," pagtatapos ni Kris.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN