Kit becomes emotional inside the PBB house; he is one of the 4 housemates nominated for eviction this week











































<


Last April 24, 2012, naisipan ng mga Pinoy Big Brother Teen Edition 4 housemates na maglaro ng games sa loob ng Bahay ni Kuya. Ngunit, sa sobrang katuwaan tila naging totoo ang kanilang games na umabot sa pagnakaw ng halik ng ilang mga housemates.


Sa “staring contest” na ito, dapat ay magkalapit ang mga mukha ng mag partner na babae at lalaki ngunit hindi sila dapat hahalik sa isa’t isa. Nag-promise ang mga boys na hindi nila hahalikan ang mga partner nila ngunit sa huli, may mga boys na nagnakaw ng halik sa kanilang mga kapareha.


Ang mga housemates na lumahok sa naturang “staring contest” na nauwi sa halikan ay sina Kit at Karen, Ryan at Joj, at Alec at Jai.

Nang makita ni Kuya ang hindi inaasahang biruan, tinawag niya ang mga housemates at pinapasok sa confession room upang tanungin kung bakit nila nagawa ito.

Dahil sa nangyari, binigyan ni Kuya ng kaparusahan ang mga babae at lalaking housemates. Sinabi niya sa mga female housemates: “Hindi n’yo maaaring kausapin ang mga lalaki, hindi niyo sila maaaring lapitan o hawakan kinakailangan na mamuhay muna kayo sa bahay ko bilang isa.”


Iniutos niya na ang lahat ng mga females housemates ay kailangan konektado sa isa’t isa sa pamamagitan ng isang tali. Ganito rin ang pinagawa niya sa mga boys.

Kinausap rin ni Kuya ang mga male housemates at sinabi niya: “Gusto kong ipaalam sa inyo na bago ko tanggalin ang mga tali na ‘yan nais kong isagawa ninyo ang konkretong solusyon.”


EMOTIONAL CONFRONTATION. Nagpasya ang mga teen housemates na pag-usapan na ang naging problema nila sa loob ng Bahay.

Unang nagpahayag ng saloobin ay si Alec. Ayon sa Chinito Guwapo ng Laguna, “Girls, alam naman natin yung mga nangyari kahapon, di ba, siguro dala na rin na nadala kami sa game at nadala kami sa mga taong nandun para bang nagkaroon ng peer pressure.

“Jai, kahit nagkatuwaan kahapon ahmm…alam ko naman na mahalaga sa ‘yo yung halik na yun. From the bottom of my heart, sorry. At sa lahat ng girls, sorry.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Kit, “Ahm, lalo naman kay Karen dahil alam ko nga na the disadvantage of that moment hinalikan kita. Sorry, Karen.”

Humingi rin ng tawad si Ryan at sinabi niya kay Joj, “Pasensya na sa mga nagawa ko. Hindi na mauulit.”

Bilang tugon, nagsalita rin ang mga female housemates na nanakawan ng halik.

Jai: “Dapat alam natin yung limitations natin kasi andaming nakatutok sa atin, eh. Ano na lang kaya ang iisipin sa labas ng bahay ng parents natin, mga parents ninyo, di ba? Dapat maging ehemplo tayo.”

Myrtle: “Alam natin na may mga bagay parin na hindi agad nahihilom kasi ang sugat hindi siya basta basta naghihilom.”


Bukod sa “staring game” na nauwi sa halikan, naging issue rin sa mga housemates ang miscommunication na naganap sa kusina.

Paliwanag ni Roy, “Ako humihingi ako ng kapatawaran sa nangyari kagabi sa kusina at hindi namin sinasadya yun. Nadala lang kami ng mga pangyayari kayasanamapatawad niyo kami.”

On behalf of the other girls, si Mariz ang nagsalita at sinabi nito: “Guys talagang nasaktan kaming lahat kagabi, kasi hindi naman namin inaasahan na pipigilan n’yo kami sa pagkain, yung hindi n’yo kami papashare sa kitchen. Kasi ang sabi lang naman sa amin ni Kuya, walang pansinan saka iwasan hindi naman sinabi na ipagdamot niyo yung pagkain. Basta know your limitations na lang sa mga sarili natin. Sorry din guys.”

Sa puntong ito, naging emotional si Kit at itinanggi na nagdamot sila sa kusina.

Tanong ni Kit: “Tapos ka na? Pwede akong magsalita? Unang-una sino ang unang gumanyan sa manok? Ipagluluto ko kayo [tapos] ginanyan n‘yo ang manok? Sa tingin mo anong mararamdaman ko nun?”

Agad humingi ng tawad si Mariz at sinabi niya: “Sorry na kasi hindi namin naintindihan. Kasi ang akala namin magluluto kami ng sarili namin.”

Dagdag pa ni Kit: “Hati ba ‘yan? Hahatiin ba yung manok ng mga taong nag mamabait sa ‘yo? Sandali, kailangan n’yo ba mag attitude? Kkayo ang unang nagpakita ng attitude n’yo kaya kami nag ganun. Hindi naman talaga ako masamang tao. Andyan naman si Jai, sila mabait sa akin so ako mabait sa kanila. Pag kayo masama sa akin, masama rin ako sa inyo ganun lang ka simple. Kaya kung babastusin n’yo ko huwag kayong magtaka, babastusin kita.”

Halatang pinipigilan ni Kit ang sarili sa paggawa ng masamang bagay.

Pagpapatuloy niya: “Kasi pag minsan hindi ko na nahahawakan ang feelings ko gusto kong sumabog at sabihin ang masamang…mga words. Kaya ako tinitiis ko talaga. Pero pag minsan pag sobra sobra na hindi ko na talaga natitiis nag sasabi na ako ng mga masasamang, masasamang bagay. Akala n’yo kayo lang ang pusong mamon? Mga lalaki pwede maging pusong mamon hindi lang namin pinapakita dahil nga lalaki kami.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa sobrang sama ng loob ay napaiyak si Kit sa harap ng housemates.

Pag katapos marinig ni Big Brother ang saloobin ng bawat housemates pinagpasyahan nitong tanggalin ang tali sa kanilang mga kamay at tapusin ang kanilang weekly task.

ANG MGA NOMINADO. Pagkatapos ng dalawang linggong puno ng aliw at tensyon, pinangalanan na ng teen housemates sina Claire, Kit, Mariz, at Vince bilang ang unang housemates na nominadong ma-evict sa Bahay ni Kuya.


Idineklarang nominado si Claire, na masyado raw emosyonal at gahaman sa atensyon, at si Mariz, na hindi umano nagtatangkang mas kilalanin ang kanyang mga kasama.

Nanganganib ding mapaalis si Vince na inirereklamong tamad at hindi tumutulong sa mga gawaing bahay. Wala na rin daw sa lugar ang pagiging offensive ni Kit, na siyang nakatanggap ng pinakamaraming puntos mula sa kapwa housemates, dahil madalas ay nakakasakit daw ang mga sinasabi nito.




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN