Cosplayers show support for nominated PBB Teen Edition 4 housemate, Myrtle Sarrosa


























Talagang kakaiba ang mga kabataang pumasok sa Bahay ni Kuya ngayong taon para sa Pinoy Big Brother Teen Edition 4. Isa na rito ang cosplayer na si Myrtle Sarrosa na taga Iloilo at isang accounting student sa University of the Philippines Diliman. Si Myrtle ay binansagan na Cosplay Cutie ng Iloilo.

Hindi pa man lumalabas ang mga kabataang nasa Bahay ni Kuya ay may kani-kaniyang mga supporters at fans club na ito, mapa internet man o sa social networking sites. Noong Labor Day, May 1, sa ganap na alas 5 ng hapon ay nakita ng PEP.ph ang isang pagtitipon sa harap ng Bahay ni Kuya. Sa kabila ng matinding ulan ay naroon ang mga cosplayers na naka suot ng mga costumes ng iba’t ibang anime characters. Ang mga batang ito ay may hawak na mga kartolina kunsaan nakasulat ang “Support Myrtle,” “We Love You Myrtle,” at “Vote for Myrtle.” Sinabi ng mga kabataan na nais nilang mag-campaign para hindi ma evict si Myrtle mula sa PBB ngayong Sabado dahil isa si Myrtle sa nominees for eviction sa linggo na ito.

Bukod kay Myrtle, ang ibang nominees ay sina Karen Reyes at Nikka Javier.

Nagkaroon ang PEP.ph ng pagkakataon na makausap ang isa sa mga kaibigan ni Myrtle na si Ayumi (Shagne Kassinique Catanghal, 18 years old) na isa ring cosplayer.


Bago pumasok si Myrtle sa Bahay ni Kuya, gaano na kayo katagal na magkakilala ni Myrtle? At ano ang relasyon mo sa kanya?

Ayumi: “Almost 4 years na po kami ni Myrtle sa cosplay community, so almost 4 years na din po kaming magkakilala. Before pa siya naging housemate ni Kuya, good friends na po talaga kami as if we’re true sisters in blood. Bonding time na namin yung mga photo shoots, attending cosplay conventions at maglaro sa mga arcade sa malls.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Anong suporta ang ibinibigay mo kay Myrtle bilang kaibigan niya?

Ayumi: “Bilang isa sa mga taong espesyal sa buhay ni Myrtle, buong buo po yung pagsuportang binibigay at pinakikita ko po sa kanya habang nasa bahay siya ni Kuya, despite of my busy schedule, gagawa at gagawa ako ng way just to support her. Double effort ako palagi para sa pagsuporta ko sa kanya kasi malaki ang tiwala ko kanya at sa talento niya na kaya niyang manalo sa PBB Teens na ito.

“Eto nga po at nag ala-Avengers po kami ng ilang mga ka cosplayer niya with matching uniform pa po at ilang fans club niya sa kabila ng malakas na ulan para lang ipakita ang suporta namin kay Myrtle na sana iboto siya na hindi ma evict ngayon Sabado.”

Sa palagay mo bakit kailangang iboto ng mga tao si Myrtle para manalo sa PBB Teens na ito?

Ayumi: “Karapat dapat na manalo si Myrtle simply because she is true in faith, true in her beliefs, in words, true to other people. Meron din siyang fear of God. She is a good leader at role model sa ibang kabataan. She is also a good daughter at kind friend. Maybe, she is weird in dressing up as a cosplayer, pero pag nakilala mo siya in person, you will love her.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN