Ella Cruz differentiates Aryana from other ABS-CBN fantaseryes

The lead stars of Aryana include (from left) Pokwang, Ella Cruz, and Tonton Gutierrez. Ella is the young girl who is cursed to become a mermaid while Pokwang and Tonton are cast as Aryana's parents.


Ilang fantaserye na ng ABS-CBN ang tumalakay sa mga sirena at mga karakter na lumalangoy sa tubig tulad ng Marina, Dyosa, Agua Bendita at Mutya. Ngayong 2012 ay muli na namang magpapalabas ng isang fantaserye ang Kapamilya Network na tatalakay sa mundo ng mga sirena: ang Aryana na pagbibidahan ng 15-year-old actress na si Ella Cruz.


Makakasama niya sa fantaseryeng ito sina Pokwang, Tonton Gutierrez, Lotlot De Leon, Rustica Carpio, Chokoleit, Paul Salas, Louise Abuel, Laurice Guillen, David Chua, Giselle Tongi, Bianca Manalo, Michelle Vito, Boom Labrusca, Marvin Yap, Desiree Del Valle, at Tetchie Agbayani. Sa grand presscon ng nasabing fantaserye na ginanap sa pool side ng Sulo Hotel, East Avenue, Quezon City ay nagkaroon ang PEP.ph ng pagkakataon na makausap si Ella Cruz tungkol sa fantaseryeng ito:


Anong masasabi mo at pinili ka ng ABS-CBN para magbida sa ganito kalaking fantaserye?

Ella: “Siyempre, sobrang tuwa ko po. Talagang simula po nang nalaman ko, sobrang saya ko po. Super thankful ko po, and sobrang blessed ko po. Laking pasasalamat ko sa ABS-CBN sa ganito kalaking break na ibinigay nila sa akin. Napa ‘Wow!’ talaga ako dahil sa laki nang binigay nilang tiwalang sa akin sa karakter ni Aryana.”

Matagal mo bang hinintay ang pagkakataon na ito sa career mo?

Ella: “Sobrang tagal din po ang hinintay ko, nung mga nag e-extra extra pa lang po ako, palipat lipat ako ng station to try my luck. Talagang hinintay ko po yung pagkakataon na ako naman yung magbibida sa isang teleserye.”

Anong pinagkaiba ng Aryana sa ibang fantaserye ng ABS-CBN tulad ng Marina, Dyosa, Agua Bendita at Mutya?

Ella: “Eto po kasing Aryana, very different po siya sa ibang sirena fantaserye na ipinalabas ng ABS-CBN before. Yung ibang karakter po kasi sa mga previous fantaserye na sirena ang karakter, ipinanganak silang sirena na, dito sa Aryana pinanganak siyang isang tunay na tao sa simula pa lang. And then, binigyan siya ng isang sumpa ng isa sa mga sirena, yun nga po si Tita Desiree [del Valle]. Nilagyan siya ng sumpa na pagdating niya ng 14 years old ay magiging mermaid na siya. So, bago siya maging mermaid, mararanasan niya muna yung teenager side, family problems, paghahanap ng Daddy, magkaroon ng best friend, crush, magkaroon ng nam-bubully, gagamit ng mga gadgets at marami pang iba. Yun po, talagang makakarelate po lahat ng mga manunuod sa fantaseryeng ito. Hanggang sa dumating nga yung hindi inaasahan na magkakaroon siya ng magical tail.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May pressure ba sa ‘yo na yung mga gumanap na sirena dati tulad ni Claudine Barretto at Anne Curtis ay pinasikat ng kanilang karakter bilang sirena at si Andi Eigenmann naman bilang si Agua Bendita?

“Na pe-pressure din po, kasi po ngayon, di ba, may mga pangalan na po sila after portraying their characters. Saka lahat po ng mermaid teleserye ng ABS-CBN ay naging successful talaga. Na pe pressure din po ako, pero ginagawa ko naman po yung best ko para masabi rin po na isa rin yung Aryana sa mga nagtagumpay na fantaserye.”

Anong mga hirap yung mga pinagdaanan mo during the preparation at habang sinu shoot n’yo ang Aryana?

“Nung nag fitting po ako nung buntot ni Aryana kasi talagang dapat naka straight yung dalawang paa mo. Halos dalawang oras na naka straight ang paa ko para sa fitting, nakaka ngawit po yun, di ba? Pero nung na try ko na po mag swimming ng may buntot, madali lang naman po pala, kasi po magaang yung buntot ko pag nasa tubig ka na. So, hindi ko naramdaman na mahirap. Natutuwa pa nga po ako kasi dream ko rin po na maging sirena kahit papaano at least mararanasan ko ito, kahit sa role ko lang po rito sa Aryana.

“Sa workshop naman po, medyo nahirapan din, pero it’s one way of learning para maging magaling na artista po ako. Natutuwa po ako na si Direk Laurice Guillen po ang nag workshop sa amin. So, talagang ang laki po ng pasasalamat ko at marami akong natutunan.”

Bago ba ini offer sa ‘yo yung karakter ni Aryana ay marunong ka na talagang lumangoy or pinagaralan mo talaga ang lumangoy for your character?

“Nung bata pa lang po talaga ako ay hilig ko na talaga ang mag swimming. Kahit nung bata pa po ako nagsi swimming na po ako. Nung nalaman ko pong sirena yung karakter ko sa Aryana, sabi ko, ‘Ay! Ang saya!’ Yung nga kasi ang dream ko, ang maging sirena, tulad ni Ariel ng Little Mermaid. So, talagang natuwa po ako.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ikaw ba mismo, naniniwala kang may sirena?

“Hindi ko po alam, kasi hindi pa po ako nakakakita, eh. Pero kung mayroon man po talagang sirena, gusto ko po talaga makakita ng tunay na sirena.”

Ilang oras ka nakababad sa tubig during your taping kapag sirena ka?

“Sa ngayon po kasi di pa po ako nag taping as sirena, kasi tulad po ng sinabi ko kanina, magsisimula po ako rito na tao pa lang, so hindi pa po ako nakakapag shoot na nakababad ako sa tubig.”

May idea ka na ba kung saan isu-shoot yung eksena mo sa dagat? Kung saang lugar banda?

“Pagkakaalam ko po sa Batangas daw po i-shoot yung beach scenes namin.”

Kamusta ka trabaho si Pokwang bilang nanay mo sa fantaseryeng ito?

“Masaya po, kasi po, para ko na rin po siyang nanay, kapag nasa set po kami, inaalagaan niya po ako. Tinatanong niya kung inaantok na ba ako o kung kumain na po ako. Parang itinuturing na rin niya akong tunay na anak. Kaya ang saya-saya po kasi may bago akong nanay.”

Mapapanood na ngayong Lunes, May 7, sa Primetime Bida ang Aryana, ang bagong fantaserye ng ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN