Jericho Rosales makes acting comeback in "Pangarap na Bituin"


"May mga bagay ako sa sarili kong nare-realize na hindi ganoon kadali. ‘Yung music industry, parang showbiz din, mahirap din i-penetrate. So, okay naman. Tumayo rin naman kami, kahit anong hirap. Tapos, heto na, dumating na ‘yung tamang panahon," says Jericho Rosales.



Masasabing comeback for Jericho Rosales ang teleseryeng Pangarap na Bituin ng ABS-CBN dahil matagal-tagal na rin ang huling serye na ginawa niya. Sa pagbabalik niyang ito sa pag-arte, si Sarah Geronimo ang bago niyang kapareha or love interest.

Kumusta naman ang working relationship nila ni Sarah?

"Okay naman. Nakakatuwa si Sarah. Sobrang inosente. Sobrang saya niyang kasama. Masaya silang kasama, silang tatlo—sina Maja [Salvador], Rica [Peralejo], at Sarah. Maganda ‘yung samahan," kuwento ni Jericho sa presscon ng Pangarap na Bituin noong August 23.



Mismong si Jericho na rin ang nagsabi na tipong 3-in-1 daw ang pagdating ng blessing sa kanya dahil sa naturang soap opera.



"Right timing! Right timing!" bulalas niya. "Kasi before akong mag-break, sabi ko, rest muna ako. Wala akong idea kung gaano katagal ang ten months to one year, wala akong idea. Pero nang tumagal na ang ten months, after promoting the album, after promoting myself as a singer, biglang may offer na soap.



"E, may problema ako dati. Kasi ‘yung pagmamahal ko sa music, malaki. So, ayokong bitawan ang music. So ang problema ko, kapag nag-soap ako, three times a week, technically seven days, ubos na ang araw ko. So, wala nang time for music.



"Tapos, merong offer sa ABS. Sabi nila, magsu-shoot daw twice a week. So, I have weekends, good! Tapos, may isa pang good news, it's about singing. So, okay! Tapos, may isa pang good news, ‘Kasama mo ang banda mo [Jeans Band].' So, parang okay! Parang three points, di ba? Three-in-one na," natutuwa niyang sabi.

Sa Pangarap na Bituin ay ginagampanan ni Jericho ang papel ni Terrence Rodriguez na lead vocalist ng sarili niyang banda.

CAREER DOWNSIDE. Pero sa sinasabi niyang pagre-rest niyang ‘yon, obvious daw na may nabago sa career niya. Tila nagkaroon ito ng downside. What can he say about that?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Expected ko naman ‘yon," sabi ni Echo. "Expected ko na medyo may katahimikan na mangyayari, so okay lang. Meron akong desisyon sa simula na kayang-kaya kong gawin ang mga bagay na ito.



"Then, after a while, medyo nai-immerse ko na ang sarili ko sa music industry. May mga bagay ako sa sarili kong nare-realize na hindi ganoon kadali. ‘Yung music industry, parang showbiz din, mahirap din i-penetrate. So, okay naman. Tumayo rin naman kami, kahit anong hirap. Tapos, heto na, dumating na ‘yung tamang panahon.



Hindi ba siya nakaramdam ng regrets, especially at that time na masasabing nasa peak talaga siya ng kasikatan as an actor?



"No, ang dami kong natutunan. No regrets talaga. Iyon talaga ang kailangan ko, e," sabi niya.

JERICHO AS A SINGER. Aware din daw si Jericho na may mga taong tila hindi pa rin siya matanggap as a singer. May nagsasabi pa nga na dapat daw ay mag-concentrate na lang siya sa pag-arte. Ano ang pakiramdam niya kapag may nagsasabi ng ganoon?



"Ewan ko, baka siguro, hindi sila handa," aniya. "Hindi ko nga alam sa kanila. Kumbaga, nirerespeto ko opinion nila na mas magaling akong artista kaysa singer. Kasi hindi pa nila ko nakikitang kumakanta, di ba?



"Pero ako, sa acting, medyo nare-recognize n'yo na ako. Pero siyempre, ako naman, gusto ko rin mabigyan ng chance na kumanta. At ‘yung opinion nila, obligasyon ko na i-prove sa kanila. So, ‘eto na ‘yon. Kaya thankful nga ako sa Pangarap na Bituin.



"Hindi ko sasabihin na, ‘Bahala kayo, wala kayong pakialam.' Hindi, e. Gusto kong marinig. Kasi hindi ko puwedeng i-deny ‘yung sarili ko. Sa buong album namin, fourteen songs ‘yung nasulat ko, lahat ‘yon nararamdaman ko. Anong gagawin ko ro'n? Itatapon ko sa isang tabi kasi ayaw nila akong marinig na kumanta? Gusto kong i-share actually, kahit sa mga taong ‘yon, na nag-e-explore ako," paliwanag ni Jericho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang lumipat sila ng kanyang kasintahan na si Heart Evangelista sa management ni Angeli Pangilinan mula sa Star Magic, umugong ang usap-usapan noon na mangingibang-bakod na sila sa rival network ng ABS-CBN, ang GMA-7. Ano ang nangyari at mas pinili pa rin nila ang kanilang home network?



"Siyempre, ‘yung loyalty namin nasa ABS-CBN," diretsong sagot ni Jericho. "May magagandang work and sobrang thankful naman ako na nag-offer sa amin na makasama sila sa trabaho. It just that, mahirap lang talagang iwanan ang ABS-CBN. Iba ‘yung parang may sarili kang pamilya. And at the same time, loyalty siyempre. It still pays to be loyal."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN