Megan Young initially hesitant to accept PHR Presents: Hiyas for fear of "soft porn" tag

" data-url="https://www.pep.ph/guide/tv/10313/megan-young-initially-hesitant-to-accept-phr-presents-hiyas-for-fear-of-soft-porn-tag-" data-desc="This afternoon soap opera will also star Zanjoe Marudo, Mercedes Cabral, and Edward Mendez." data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/12536729c.jpg"> " data-url="https://www.pep.ph/guide/tv/10313/megan-young-initially-hesitant-to-accept-phr-presents-hiyas-for-fear-of-soft-porn-tag-" data-desc="This afternoon soap opera will also star Zanjoe Marudo, Mercedes Cabral, and Edward Mendez." data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/12536729c.jpg"> " data-url="https://www.pep.ph/guide/tv/10313/megan-young-initially-hesitant-to-accept-phr-presents-hiyas-for-fear-of-soft-porn-tag-" data-desc="This afternoon soap opera will also star Zanjoe Marudo, Mercedes Cabral, and Edward Mendez." data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/12536729c.jpg">

" data-url="https://www.pep.ph/guide/tv/10313/megan-young-initially-hesitant-to-accept-phr-presents-hiyas-for-fear-of-soft-porn-tag-" data-desc="This afternoon soap opera will also star Zanjoe Marudo, Mercedes Cabral, and Edward Mendez." data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/12536729c.jpg"> " data-url="https://www.pep.ph/guide/tv/10313/megan-young-initially-hesitant-to-accept-phr-presents-hiyas-for-fear-of-soft-porn-tag-" data-desc="This afternoon soap opera will also star Zanjoe Marudo, Mercedes Cabral, and Edward Mendez." data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/12536729c.jpg"> " data-url="https://www.pep.ph/guide/tv/10313/megan-young-initially-hesitant-to-accept-phr-presents-hiyas-for-fear-of-soft-porn-tag-" data-desc="This afternoon soap opera will also star Zanjoe Marudo, Mercedes Cabral, and Edward Mendez." data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/12536729c.jpg"> " data-url="https://www.pep.ph/guide/tv/10313/megan-young-initially-hesitant-to-accept-phr-presents-hiyas-for-fear-of-soft-porn-tag-" data-desc="This afternoon soap opera will also star Zanjoe Marudo, Mercedes Cabral, and Edward Mendez." data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/12536729c.jpg">

Zanjoe Marudo (middle), Megan Young (left), and Mercedes Cabral (right) will topbill ABS-CBN's Precious Hearts Romances Presents: Hiyas. It will air its pilot episode on May 28 after Pinoy Big Brother Teen Edition 4 Uber.


Isang daring lead role ang gagampanan ni Megan Young sa unang pagkakataon para sa afternoon serye na Precious Hearts Romances Presents: Hiyas.

Si Megan ang gaganap na Sapphire, ang magiging love interest ni Zanjoe Marudo na gaganap bilang Silang.

Isa ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa mga naimbitahang dumalo sa presscon ng Hiyas kahapon, May 22, sa 9501 restaurant sa 14th floor ng ELJ Building sa Quezon City.

“Uhm, for me, ako ine-enjoy ko naman lahat ng binibigay sa akin,” sagot ng Kapamilya actress ng tanungin kung anong pakiramadam niyang lead role na siya.

“Super enjoy naman akong maging kontrabida, maging other woman.

“So, now na parang binigyan ako ng lead role, it’s a good feeling but it is also very challenging for me.

“Kasi nasanay na nga ako na ako ‘yong nang-aapi, ako ‘yong masama, ‘tas ngayon kabaligtaran naman ‘yong nangyari sa akin.

“So, it’s a good feeling kasi parang they trusted me to do this project, and I know they expect a lot from me.”

DARING MEGAN. “Super, duper” daring daw si Megan sa bagong serye na ito.

Kung sa cover daw ng Rogue magazine ay daring ang kanyang mga larawan, ang role niya raw sa Hiyas ang tila nagbigay buhay sa mga larawang iyon.

Pero pag-amin niya, may pag-aalinlangan pa siya noong una na tanggapin ang proyektong ito.

Paliwanag niya, “I’m scared na lumabas do’n sa comfort zone ko, and you guys know naman for being kalog.

“It’s really, I was really scared.

“Kasi parang no’ng time na ‘yon na parang sinabi sa akin ‘yong mga offer na ganyan, that was the height of Kristine, the Kristine series.

“So, alam naman natin na hindi siya SPG [Strong Parental Guidance] no’n. Natakot ako na baka gano’n din ‘yong gagawin ko, and parang feeling ko I’m not yet ready.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’m 19, 20 at that time, so parang natakot talaga ako.

“I was really scared, but Direk Lauren Dyogi assured me na hindi magiging gano’n, na when we do a PHR [Precious Hearts Romances] series, it will always be na classy pa din siyang lalabas.

“Kasi di ba parang may joke na PHR series is parang soft porn, parang gano’n. So, ‘yon parang natakot ako, pero Direk Lauren assured me na hindi magiging gano’n, it’s still daring pero iba, iba ‘yong pagka-daring niya.”

MORE DARING ZANJOE. Ito ang unang pagtatambal nina Zanjoe at Megan, at sinabi ng Kapamilya actor na “very professional” si Megan pagdating sa kanyang trabaho.

Hindi na bago kay Zanjoe na gumanap sa mga sexy roles, at hindi rin ito ang unang pagkakataon na gagawin niya ito para sa PHR series.

Ang unang sexy role niya para sa PHR ay sa primetime show na Precious Hearts Romances Presents: Kristine, kung saan nakatambal niya si Kristine Reyes.

Gayunman, masasabi daw ni Zanjoe na mas daring ang karakter niya sa Hiyas.

“Kasi sa Kristine medyo sinasadya namin, kasi kahit action wala kaming T-shirt,” natatawang kuwento ni Zanjoe.

“Ito kasi natural, lumaki ako na wala kong T-shirt, na wala akong pantaloon, di ba? So, hindi ko ‘yon sinadya, gano’n talaga ko pinalaki, may tattoo ako, wala akong damit.

“So normal, normal na wala akong damit, ‘di siya kukwestyunin kung bakit wala akong damit.

“Feeling ko mas daring ‘yong Hiyas, sa ngayon.

“Kasi bakit naman ako gagawa ng pangalawang PHR na hindi mas daring sa nauna, di ba? Kung gagawa ako ng pangalawa dapat mas maganda, mas daring.”

PREPARATIONS. Samantala, naging matindi ang paghahandang ginawa nina Zanjoe at Megan para sa proyektong ito.

Para kay Megan, kinailangan niyang magdagdag ng kaunting timbang upang maging maganda ang “hubog” ng kanyang katawan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kwento ng aktres, “Well medyo payat ako nang nag-start ako. So, siguro I have to gain a little bit of weight para sa PHR, para naman medyo malaman.

“So, kailangan ‘yong hubog, ‘yong womanly figure ko, isa kasi ‘yon sa requirement sa PHR.

“Pangalawa, I really have to watch movies na more mature, old romantic movies. Kasi ‘yon nga, first time ko na mag-handle ng role na serious, ganyan.”

Kung ang pagpapaganda ng katawan ang pinaghandaan ni Megan, ang karakter naman ng kanyang gagampanan ang pinagtuunan ng pansin ni Zanjoe.

Aniya, “Kasi nga mas importante, dahil first time kong gagawa na nasa tribo. At saka ang pangit naman tignan na ang ganda-ganda ng katawan mo, taga bundok ka, e, wala naming gym sa bundok, di ba?

“So, kaya lang naman nagkaka-abs ‘yong katawan ng tao dahil nagta-trabaho, nagbubuhat ng mga kahoy, dahil hindi naman talaga sila nagwo-work out.

“So, gusto ko parang totoo lang, normal na katawan lang.

“‘Tapos si Silang, tahimik lang. ‘Tapos lahat halos ng hinanakit niya, nararamdaman niya hindi niya masyadong pinapakita, nasa loob lang.

“So, gusto ko mas makita more on sa mata lang ‘yong mga emotions na nararamdaman niya, kung gaano siya naiipit sa mga problema, sa mga sitwasyon niya sa buhay. So, ‘yon ‘yong mas nag-focus ako do’n.”

THE STORY. Ang kwento ng Hiyas ay iikot kina Sapphire (Megan) at Silang (Zanjoe).

Si Silang ay isang maging na mandirigma sa kanilang tribo. Kasintahan niya si Giana (Mercedes Cabral), na kabilang sa tribong kaalitan ng tribo nina Silang.

Bagamat nais na nilang magpakasal, hindi papayag ang ama ni Giana, dahil sa alitan ng dalawang tribo.

Upang mapapayag ang ama ng kanyang kasintahan, pumunta sa siyudad si Silang upang hanapin ang hiyas na magpapanumbalik ng kapayapaan at kasaganaan sa kanilang lugar.

Ngunit sa kanyang paglalakbay ay makikilala niya si Sapphire, na sasama sa kanya pabalik ng kanilang tribo. Nais kasing takasan ni Sapphire ang kahihiyang dinulot ng hindi pagsipot ng kasintahang si Aldrich (Edward Mendez) sa kanilang kasal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa pagtulong ni Sapphire kay Silang na mahanap ang hiyas ay unti-unti nang mahuhulog ang loob nila sa isa’t isa, na siyang magiging dahilan upang sumira si Silang sa pangakong bintawan niya sa ama ni Giana.

Abangan ang kahahantungan ng pag-iibigan nina Silang at Sapphire sa Kapamilya Gold serye ng ABS-CBN, ang Precious Hearts Romances Presents: Hiyas. Mapapanood na ito simula Lunes, May 28, pagkatapos ng Pinoy Big Brother Teen Edition 4 Uber.

" data-url="https://www.pep.ph/guide/tv/10313/megan-young-initially-hesitant-to-accept-phr-presents-hiyas-for-fear-of-soft-porn-tag-" data-desc="This afternoon soap opera will also star Zanjoe Marudo, Mercedes Cabral, and Edward Mendez." data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/12536729c.jpg"> " data-url="https://www.pep.ph/guide/tv/10313/megan-young-initially-hesitant-to-accept-phr-presents-hiyas-for-fear-of-soft-porn-tag-" data-desc="This afternoon soap opera will also star Zanjoe Marudo, Mercedes Cabral, and Edward Mendez." data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/12536729c.jpg"> " data-url="https://www.pep.ph/guide/tv/10313/megan-young-initially-hesitant-to-accept-phr-presents-hiyas-for-fear-of-soft-porn-tag-" data-desc="This afternoon soap opera will also star Zanjoe Marudo, Mercedes Cabral, and Edward Mendez." data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/12536729c.jpg">


" data-url="https://www.pep.ph/guide/tv/10313/megan-young-initially-hesitant-to-accept-phr-presents-hiyas-for-fear-of-soft-porn-tag-" data-desc="This afternoon soap opera will also star Zanjoe Marudo, Mercedes Cabral, and Edward Mendez." data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/12536729c.jpg"> " data-url="https://www.pep.ph/guide/tv/10313/megan-young-initially-hesitant-to-accept-phr-presents-hiyas-for-fear-of-soft-porn-tag-" data-desc="This afternoon soap opera will also star Zanjoe Marudo, Mercedes Cabral, and Edward Mendez." data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/12536729c.jpg"> " data-url="https://www.pep.ph/guide/tv/10313/megan-young-initially-hesitant-to-accept-phr-presents-hiyas-for-fear-of-soft-porn-tag-" data-desc="This afternoon soap opera will also star Zanjoe Marudo, Mercedes Cabral, and Edward Mendez." data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/12536729c.jpg"> " data-url="https://www.pep.ph/guide/tv/10313/megan-young-initially-hesitant-to-accept-phr-presents-hiyas-for-fear-of-soft-porn-tag-" data-desc="This afternoon soap opera will also star Zanjoe Marudo, Mercedes Cabral, and Edward Mendez." data-image="https://contents.pep.ph/images2/guide/12536729c.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN