Shalani Soledad-Romulo dubbed as “Ms. Energy” in TV5’s Sunday noontime show Game N Go

Shalani Soledad-Romulo (rightmost) will host TV5's Game N Go, together with Joey de Leon (not in photo). Starting June 17, this noontime show will also be hosted by (L-R) Edu Manzano, Arnel Ignacio, and Gelli de Belen.


Muling mapapanood sa telebisyon ang dating host ng Wil Time Big Time na si Shalani Soledad-Romulo.

Isa si Shalani sa mga “Game Keepers” sa pinakabagong game show ng TV5 na Game N Go, kasama sina Gelli de Belen at Arnel Ignacio, habang ang mga “Game Makers” ay sina Joey de Leon at Edu Manzano.

Dumalo ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment press sa press launch ng Game N Go na ginanap kanina, Mayo 24, sa TV5 Delta Studio sa West Triangle Ave., Quezon City.

Natagalan ang pag-ere ng naturang show dahil sa ilang mga pagbabagong kinailangan nilang gawin at isa na dito ang gawin itong Sunday variety show.

Ang orihinal kasing plano ay ipalabas during weekdays ngunit dahil na din daw sa payo ni Joey ay binago nila ito.

Hindi naman isyu para kay Shalani kahit pa ginawang once a week ang kanilang show.

Ani Shalani, “Daily or once a week it’s still an honor for us in doing this show kasi masaya siya, and sana maramdaman din ‘yon ng ating mga viewers, sana makita din nila kung gaano ito pinaghirapan.

“I think alam ninyo naman po kung nakailang revisions pagdating sa mga games, nakailang revisions pagdating sa mga gagamitin na materials, nakailanga revisions din ito pagdating sa set, nakailang revisions even sa mga host.

“So, sana makita naman nila at ma-appreciate kung gaano ito pinag-hirapan ng TV5.”

NEW EXPERIENCE. Ang bagong show na ito na iho-host ni Shalani ay pinagsama-samang variety show, game show, at comedy sketch show.

Kaya naman, talagang masaya at suportado siya ng kanyang asawa na si Pasig City Representative Roman Romulo, lalo nang malaman niya na makakasama niya dito si Joey.

Ayon sa kapatid ni Roman na si Erwin, si Joey de Leon ay pinsan ng kanilang ama na si Alberto Romulo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi na bago si Shalani sa pagho-host ng ganitong show, dahil nga una siyang lumabas bilang co-host ni Willie Revillame sa daily primetime variety show na Wil Time Big Time.

Gayunman, hindi naman daw basta variety show lang ang Game N Go.

Paliwanag niya, “Game N Go will have more games. So, it’ll be game, after game, after game.

“So, makikita ninyo makakasama natin ‘yong expertise ni si Joey de Leon, of course Mr. Edu Manzano, Arnel Ignacio, Ms. Gelli de Belen, so this will be one game after the other na iba-iba ‘yong timpla.

“So, ‘yong variety ng show maraming makakasama, mas marami ‘yong games na makikita.”

MS. ENERGY. Hindi pa man umi-ere ang naturang show ay binansagan na ni Joey si Shalani bilang “Ms. Energy.”

Kapansin-pansin ang pagiging mahinhin ni Shalani simula pa lamang nang subukan niyang mag-host.

“Makikita ninyo naman talaga kung gaano kataas ang energy level ko, di ba?” ang natatawang komento ni Shalani.

“So, hindi naman, hindi naman [ako napipikon].

“Of course, personally I will try my best to, sabi nga, level up because I will be working with the premiere hosts of our country.

“So, I will try my best.”

Samantala, kahit pa man daw ibang show na ang iho-host ni Shalani, malaki pa din daw ang utang na loob niya sa Wil Time Big Time kung saan siya nagsimula.

“A, siguro kasi kapag nanonood ka sa bahay mo, you get to see just the games.

“Hindi mo nakikita ‘yong hard work behind, na hindi pala siya gano’n lang na basta-basta, na pinagiisipan siya, na pinagtutuunan ng pansin.

“You also have to think of the contestants, you also have to take care of how they feel, you also have to take care of how the mechanics goes, na hindi lang siya puro pagpapa-cute o madali lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi may mechanics sa likod ng kaligayahan na nakikita, may mechanics kung paano nagkikita ‘yong mga empleyado do’n sa show.

“So, parang it’s also a combination of everyone’s hard work, na hindi pwedeng isang aspect lang ‘yong aasikasuhin mo, ‘yong iba hindi. It also has to come together, it’s like a holistic approach kung paano mapapaganda ‘yong programa.”

Panoorin sina “Ms. Energy” Shalani Soledad-Romulo, Joey de Leon, Edu Manzano, Gelli de Belen, at Arnel Ignacio sa pinakabagong game/variety/comedy sketch show na Game N Go. Mapanood ito sa TV5 simula June 17, Linggo, 12:30 ng tanghali.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN