Andi Eigenmann will act opposite Gabby Concepcion, Iza Calzado, and Jake Cuenca in upcoming teleserye

(From left) Jake Cuenca, Andi Eigenmann, Iza Calzado, and Gabby Concepcion will topbill ABS-CBN's upcoming teleserye, Kahit Puso'y Masugatan.


Matagal-tagal nang hindi napapanood sa telebisyon ang 21-year-old actress na si Andi Eigenmann dahil sa kanyang pagbubuntis. Nanganak si Andi sa kanyang daughter na si Adrianna Gabrielle (nicknamed Ellie) last November 23, 2011.

Huling napanood si Andi sa ABS-CBN teleserye na Minsan Lang Kita Iibigin kunsaan kasama sina Maja Salvador at Coco Martin noong nakaraang taon. Ngayong 2012 ay mapapanood muli si Andi sa telebisyon via the TV series Kahit Puso’y Masugatan. Makakasama niya sa teleseryeng ito si Iza Calzado na mapapanood sa kanyang unang teleserye sa Kapamilya Network. Kasama rin si Jake Cuenca at Gabby Concepcion sa naturang palabas.


Noong May 7, nagkaroon ng look test at pictorial ang main cast members para sa naturang teleserye. Nagkaroon ng pagkakataon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na makapayam si Andi Eigenmann tungkol sa kanyang karakter sa kanyang pagbabalik teleserye at ito ang kanyang ilang pahayag:

After a long time nagbabalik teleserye ka. Anong pakiramdam mo ngayon sa pagbabalik mo?

“Siyempre, sobrang sobrang sobrang sobrang excited ko na talaga. Matagal-tagal din akong naghintay. Alam kong everybody knows na eto lang po talaga yung hinihintay ko. Siyempre, ini enjoy ko ang pagiging nanay ko, I have Ellie with me and I spend my time with her, pero yung pagbabalik trabaho ko po ay para sa kanya rin, ayun kaya I’m excited.”

Ano ang aabangan ng tao sa bagong role na gagampanan mo sa teleseryeng ito?

“In a way, kaabang abang talaga yung role ko rito, kasi first time na kakaiba yung gagampanan ko ngayon dito kumpara sa ibang teleseryeng ginampanan ko. Ibang iba talaga ito, mas mature yung role ko rito, mas daring, mas sexy. Feeling ko sa teleseryeng ito, lalabas na talaga yung pagiging ‘woman’ ko rito. Like, yung age ko rito ay 21 years old na talaga, hindi yung parang pinababata pa yung role ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang pakiramdam mo na makakatrabaho mo sina Iza Calzado, Jake Cuenca at Gabby Concepcion?

“Siyempre masaya po. Alam kong pagdating sa set, pagdating sa taping, magiging masaya yung taping namin na yun. Kasi maliit pa lang ako kilala na ako nina Direk Lauren Dyogi especially Direk Wenn Deramas. Inaalagaan pa niya [referring to Direk Wenn] ako nung bata pa ako pag may taping si mommy [referring to Jaclyn Jose]. Jake is a really really good friend of mine, medyo kakilala ko na rin si Ate Iza and Tito Gabby is a good friend of my Dad, so sobrang gaan, kasi feeling ko yung mga kasama ko rito tunay na Kapamilya or kaibigan ng pamilya ko.”

Anong role mo sa teleseryeng ito?

“Basically,yung karakter ko rito, isang bibong babae na medyo aggressive, daring, strong willed, isang ulila po ako at pulubi. Kasama ko si Ate Iza na itinuring ko na ring parang kapatid, pero nagkahiwalay po kami, napunta ako sa isang well off na pamilya, inampon po ako ni Tito Gabby. Nung nagkahiwalay kami ni Ate Iza, makikita n’yo rito yung selfishness ko rito, spoiled kasi parang nung bata nga ako na deprived sa kin yung pagmamahal.”

Gaano ka daring ang karakter mo rito?

“Hindi ko masabi sa ngayon, kasi di pa kami nagte taping, pero yun yung aabangan nating lahat.”

Ibig sabihin ba nito na tuloy tuloy na yung paggawa mo ng ganitong klaseng role--yung pagiging daring?

“I consider myself as an actress, di ko kailangan i-limit kung ano ang pwede kong gawin sa career ko, mas gusto ko yung iba ibang karakter at mga challenging roles. Gusto ko yung iba-ibang Andi yung ipapakita ko. Hindi naman ibig sabihin na nag daring na ako ay tuluy-tuloy na yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN