Bea Binene and Jake Vargas have “mixed emotions” as Tween Hearts ends two-year run

Tween Hearts features (L-R, standing) Jake Vargas, Kiko Estrada, Derrick Monasterio, Hiro Magalona, Kristoffer Martin, Teejay Marquez; (R-L, sitting) Therese Conde, Ren Escano, Joyce Ching, Barbie Forteza, director Gina Alajar, Kim Komatsu, Yassi Pressman and Bea Binene. They will bid farewell as they air their 87th and final episode on June 10, 2012.


Lungkot at saya ang nararamdaman ng tambalang Bea Binene at Jake Vargas sa pagtatapos ng Tween Hearts.

Ito ang Sunday afternoon teen series ng GMA-7 na pinagbibidahan ng tween stars na sina Barbie Forteza, Joshua Dionisio, Joyce Ching, Kristoffer Martin, Derrick Monasterio, Kylie Padilla, Yassi Pressman, Ken Chan, Teejay Marquez, Kim Komatsu, Kiko Estrada, Hiro Magalona, Therese Conde, Ren Escano, Gabby Garcia, Louise Delos Reyes, at Lexi Fernandez.

Halos dalawang taon na rin ang naturang palabas na nagsimula noong Setyembre 26, 2010, at nakatakda lamang magatagal ng eight episodes.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Bea at Jake kagabi, May 31, sa thanksgiving presscon ng Tween Hearts na ginanap sa 17th floor ng GMA Network, sa Timog Avenue, Quezon City.

“Mixed emotions po,” tugon ni Jake nang tanungin namin kung anong nararamdaman niya sa pagtatapos ng naturang show.

“Kasi ‘yon nga po matatapos na ang Tween Hearts, malulungkot kami, ‘tsaka kasi mawawala na ‘yong barkada namin, mami-miss namin ang buong staff.

“‘Tsaka si direk Gina [Alajar] kasi wala na lahat, e, parang tapos na lahat parang gano’n.”

Samantala, malungkot man daw si Bea sa pagtatapos ng kanilang programa’y tatapusin naman daw nila ito “with a smile.”

“Dito sa Tween Hearts masaya na malungkot kasi nga mage-end na lahat ng bonding namin, we’re ending on the 87th episode na.

“So, masaya kasi we’re ending this with 87 episodes na dapat ay 8 episodes lang, and we’re ending this with a smile, we’re ending this na proud kami, we’re ending this na naniniwala kami sa sarili namin na we did a great job.”

STEPPING STONE. Pareho naman sinabi ng onscreen love team na ang bonding nila kasama ang ibang tween stars ang pinakamami-miss nila.

“Kasi puro kami pasaway, e,” napapangiting kuwento ni Jake.

“Hindi naman lahat ‘yong iba lang. Sobra lang ano, sobrang mami-miss namin ‘yong jamming, ‘yong masaya kami, hindi kami nalulungkot.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod sa masasayang ala-ala na madadala nila sa pagtatapos ng Tween Hearts, ipinagpapasalamat din daw nila ang malaking tulong nito sa kanilang showbiz career.

“This is one of the stepping stones sa career ko,” buong pagmamalaking sinabi ni Bea.

“Kasi ito ‘yong focus talaga sa amin, hindi sa ibang artista kundi sa tweens talaga, and ‘yong story is ‘yong talagang pinagdadaanan ng mga nasa age namin.

“So, nakaka-relate talaga kami, that’s why siguro mas napaganda din namin kasi nga nakaka-relate kami.”

“Dito ako nagkaroon kasi ng marami— hindi naman marami— iba’t ibang show,” sagot ni Jake at pagkatapos ay tumawa.

“Dito kasi kami nakilala, dito kami napansin ng GMA, dito kami napansin ng ibang tao. So, kami binigyan kami ng iba’t ibang projects, so ‘yon ‘yong parang tulong sa amin.”

Bagamat huling pag-ere na ang Tween Hearts sa June 10, umaasa si Bea na patuloy pa rin ang magiging pagsuporta ng mga tao sa mga respective showbiz careers ng mga tween stars.

Ani Bea, “Maraming-maraming salamat po sa pagsuporta ninyo, simula episode one hanggang episode eighty-seven. Maraming, maraming salamat po!

“Sana natuwa kayo and sana marami kayong natutunan. Kasi itong Tween Hearts ay hindi lang about love, e, [tungkol din] sa family, friends at school.

“Sana nagustuhan ninyo, kasi we really worked hard for this, we did this for you guys, para sa inyo po talaga ito. This is not about us, this is not about our careers, and we’re doing this for you.

“Hindi namin ito iniisip para sa ratings, hindi namin ito iniisip para sa ganyan lang, pero para sa inyo.

“Ngayon kahit mawawala na ‘yong grupo ng tweens, marami naman kaming pupuntahan, may mga separate [shows] kami.

“So, sana suportahan pa rin po ninyo kami, kahit hindi ‘nyo na kami makikita ng buo sana suportahan pa rin ninyo ‘yong bawat shows na kasama kami.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN