Denise Laurel to be paired with Martin del Rosario in Pintada

Denise Laurel (left) plays a high school teacher while Martin del Rosario (right) is her student in Precious Hearts Romances Presents Pintada.



Muling magbabalik sa ABS-CBN Kapamilya Gold ang aktres na si Denise Laurel sa pamamagitan ng Precious Hearts Romances Presents Pintada.

Matatandaan na regular noong nakikita si Denise sa mga TV adaptation ng Tagalog pocketbook ng publication na Precious Hearts Romances.

Kabilang dito ang Precious Hearts Romances Presents Bud Brothers (2009), Precious Hearts Romances Presents You’re Mine, Only Mine (2010), Precious Hearts Romances Presents Midnight Phantom (2010), and Precious Hearts Romances Presents Kristine (2010)

Huling lumabas sa PHR series si Denise sa Kristine dahil ipinagbuntis niya ang una niyang anak.

Dahil naging malapit na siya sa grupong gumagawa ng mga PHR series, ikinatutuwa ng 24-year-old actress na muli siyang kukunin para maging isa sa mga lead actors ng Pintada.

“I’m just so lucky, I guess,” sabi ni Denise nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media sa story conference ng Pintada noong nakaraang linggo.

Dagdag pa niya, “’Yong team na ‘to, even before I took up a break, three years kami magkakasama everyday so, parang pamilya talaga.

“You know, they’ve been with me through everything. Now I’m a mom. You know, before I was so really 19 and parang, you know dalaga pa.”

Magandang pagkakataon din umano ang pagbabalik niya sa Precious Hearts Romances dahil ibig sabihin nito ay mayroon karagdagang income, bukod pa sa nakukuha niya bilang parte ng primetime show na Dahil sa Pag-ibig.

Nakangiting sabi ni Denise, “Sobrang thankful ako kasi nagdadasal ako, I mean I want the best for my son’s future, ipon, ipon ipon.

“I want to work so hard at saka inspired na ako ngayon.

“I mean, before sobrang inspired din ako na, I want to be know as an actress. I always want to win an award, you know try different characters different roles to be versatile.

“Pero ngayon dadagan mo pa ng one more 100 percent so maging 200 percent na ‘yon ng determination so I’m thankful.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil sa dalas na niyang paglabas sa PHR, sa tingin ba ni Denise ay mas naging mahusay na siya sa pag-arte?

I don’t know about better actress, but I know that I have a more bala, more baon, more depth if I need to bring it out.

“But not necessarily a great actress. We’ll have to see how I go about portraying this character first.”

NEW PARTNER. Bago pa man siya mag-break sa showbiz, madalas na nakakapareha ni Denis noon ang kapwa Kapamilya star na si Rafael Rosell. Sa katunayan, naging tampok pa sila sa isang PHR series na Midnight Phantom.

Samantala sa Pintada, bago ang makakapareha ni Denise, si Martin del Rosario, na una niyang nakatrabaho sa sineseryeng Natutulog ba ang Diyos (2007).

Hindi kaya manibago siya ngayon sa gagawin nilang Pintada?

“Of course, you know, Raf is my best friend and he’s like my comfort zone.

“We have a great collaboration, alam namin yung isa’t isa like, everything about each other.

“So, this is also something new, something fresh and I’m looking forward collaborating, getting to know somebody also, and then seeing how that chemistry work.

“As an actress you’re supposed to be able to work with anyone and deliver what the director wants.

“’Yan bagong challenge exciting na naman. You know naman, I love challenges.”


Sa Pintada, si Denise ay gaganap bilang teacher samantalang si Martin ang high school student na mai in love sa kanya.


Ani Denise, “It’s a coming-of-age story, medyo controversial since he’s very young and the teacher will try not to fall in love with him.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN