Are Angel Locsin and Phil Younghusband ready to settle down?


Habang nagaganap ang tunggalian ng Pilipinas at ng iba pang national football team mula sa Malaysia, Indonesia at Guam, naghahanda na ng husto si Phil Younghusband at ang Azkals upang maghari sa football field. Determinado si Phil na maging maayos ang paglalaro habang nasa tabi niya ang kanyang inspirasyon na si Angel Locsin.

“I want a future with Angel,” ani Phil sa isang previous interview. “Hopefully, I will have a future with Angel as we get stronger. My love for her keeps on growing every day.”

Ngunit para kay Angel, wala pang kasalang magaganap ngayon. “Bata pa naman kami at meron pa kaming ibang prayoridad sa buhay. Hindi pa kami handa,” paliwanag naman ni Angel sa ibang interview. “Masaya kami sa kung ano at meron kami ngayon.”

Si Angel ay kasalukuyang napapanood sa sitcom na Toda Max. Kung sa totoong buhay ay ayaw pa magkasal ni Angel, ang kanyang karakter sa naturang palabas ay gusto nang lumagay sa tahimik.


Malapit nang makita ang pinakahihintay na araw sa buhay nina Justin (Vhong Navarro) at Isabel (Angel Locsin): ang kanilang kasal. Pero mukhang nagdadalawang isip ang mga ikakasal. Tutulungan at kakausapin sila ni Tol (Robin Padilla) at Dianne (Valerie Concepcion) sa problema nila.

Ano na kaya ang mangyayari sa kasal nina Justin at Isabel? Alamin sa Toda Max ngayong Sabado, June 9, pagkatapos ng Maalaala Mo Kaya sa ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN