Elmo Magalona and Julie Anne San Jose topbill GMA-7’s teen-oriented series Together Forever

Elmo Magalona (right) and Julie Anne San Jose (left) feel “pressured” as they star in Together Forever, the show that will replace Tween Hearts. It will start airing on June 17 after GMA-7's Sunday variety show Party Pilipinas.


Ang young stars na sina Elmo Magalona at Julie Anne San Jose ang bida sa bagong youth-oriented series ng GMA-7, ang Together Forever.

Ang naturang show ang papalit sa katatapos lamang na Sunday afternoon program na Tween Hearts.

Ilan sa makakasama nila sa Together Forever ay sina Sef Cadayona, Renz Valerio, Janine Gutierrez, Benedict Campos at Steven Silva.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment press sina Elmo at Julie Anne kahapon, June 10, sa set ng Together Forever sa Sienna College sa Taytay, Rizal.

“Siguro po somehow may pressure po sa amin,” pag-amin ni Julie Anne.

“Kasi mataas din ‘yon expectations nila sa amin. Like ‘yong expectations din before doon sa previous show, sa Tween Hearts nga po.

“Then, siyempre kami po ginagawa din naman po naming lahat ng makakaya namin para mapaganda ‘yong show.”

Ganito rin ang sentimyento ni Elmo.

Aniya, “Of course pressured kami.

“Pero mas busy kami sa paglalagay ng work sa show na ito, ‘tsaka mamaya pa ‘yon, e, later on pa ‘yon, e, kapag napakita na namin kung ano ang content ng show na ito, ‘tsaka kung ano ang papakita ng mga cast sa show na ito.”

THE DIFFERENCES. Ang love team partners na sina Julie Anne at Elmo ang nagpaliwanag kung ano ang pagkakaiba ng mga programang Tween Hearts at Together Forever kahit pa may pagka-teenybopper ang parehong palabas.

Ani Julie Anne, “Kasi ang Tween Hearts po its more of ano, e, a teenybopper thing, gano’n.

“Although may teenybopper, kasi more on moral values po talaga kasi dito involved talaga ‘yong mga real relationships with your family, sa friendship din, ‘tapos parang makaka-relate din sa ibang tao.”

Kuwento naman ni Elmo, isa daw sa kina-iba ng kanilang programa’y hindi lamang umiikot ang kuwento sa iisang tao o love team lamang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Marami din po akong expectations for the show, na ayon nga, manonood talaga ‘yong mga tao kasi ‘yong story niya hindi lang siya nage-evolve sa isang tao.

“Kasi it all starts in the family, isa-isa per episode, iikot siya per person. Example this week naka-focus siya sa pamilya, next week naman naka-focus siya sa kaibigan ko, si Julie Anne.”

THEIR CHARACTERS. Sunod namang ikinuwento nina Elmo at Julie Anne ang magiging karakter nila sa naturang show.

Si Elmo ay gaganap na Ely, habang bibigyang buhay naman ni Julie Anne ang karakter ni Toyang.

Kuwento ni Elmo, “Ely po [ang character ko], ‘tapos si Janine [Gutierrez] po si Jasmine po, ate namin, ‘tapos si Raz si Renz Valerio.

“Malaki sa character ko ang music. Kasi wala nga akong magulang, kaya do’n ako nag-spend ng time ko, sa pakikinig at pagsusulat ng music.

“Sa first episode pa lang makikita na may accident na mangyayari. Papakita po ‘yong paghihirap ng tatlong magkakapatid.

“‘Yon tapos ako ‘yong middle child, mayro’n parang twist sa character ko na hindi ko pa pwede sabihin.”

Habang si Julie Anne naman si, “Toyang po. Tapos best friend ko po si Elmo, si Ely.

“‘Tapos si Toyang mahilig siya sa mga libro, ‘tapos ang katuwang niya sa buhay palagi siyang nagsusulat sa diary. ‘Tapos do’n niya sinusulat lahat ng mga current events, lahat ng nangyayari sa buhay niya gano’n.

“‘Tapos laki ako sa tatay, kasi ano po wala akong kinagisnang nanay.”

Sa simula ng kuwento’y walang pagtingin ang karakter ni Julie Anne sa karekter ni Elmo, mangyayari lamang ito sa pagdating ng makaka-love triangle nila na hindi pa naka-cast sa ngayon.

“Parang secretly in love po ako sa kanya dito.

“Pero sa simula po talaga wala kasi sobrang best friends po kami, magkaibigan ang turingan namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“‘Tas habang tumatagal, sa sobrang close na namin, parang do’n mas lumalalim ang friendship namin.

“May scene po na ano, there will come a point na mai-in love siya sa isang girl na parang nagbabanda-banda din, gano’n.

“So, ako sa sobrang close na namin ni Ely, parang nabo-broken hearted ako kasi parang hindi porke't boyish ako parang wala na kong pakiramdam, gano’n.

“Parang ngayon magsisimula na akong magtampo-tampo ever.”

Abangan ang magiging takbo ng pagkakaibigan at love story nina Ely at Toyang sa pagsisimula ng Together Forever ngayong Linggo, June 17, pagkatapos ng Party Pilipinas sa GMA-7.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN