Robin Padilla juggles time with TODA Max and upcoming teleserye


Kahit na busy ang action star na si Robin Padilla sa kanyang mga bagong proyekto, hindi raw ito nawawalan ng oras pagdating sa kanyang asawang si Mariel Rodriguez.

Ayon kay Robin, “’Yong Sunday, rest day namin yun ni Mariel dati. Pero ngayon kahit linggo nagta-trabaho kami.”

Subalit hindi daw naging problema ang trabaho sa pagitan ng mag-asawa. Nagpapasalamat pa nga si Robin sa Panginoon sa mga biyayang ibinibigay sa kanila.

“Tanggapin natin yung mga pagpapala na ibinibigay sa atin,”sabi pa niya.

Sa ngayon, isa sa mga unang gagawin ni Robin ay ang pelikula kunsaan gaganap siya bilang si Senador Ping Lacson, sa direksiyon ni Direk Romy Suzara.

Bukod sa regular na paglabas niya sa TODA Max bilang si Tol, may teleserye pa siyang gagawin sa ABS-CBN, ang Kailangan Ko’y Ikaw. Makakasama niya rito sina Kris Aquino at Anne Curtis.


(CLICK HERE to learn more about Kailangan Ko'y Ikaw)

Samantala, patuloy ang pagpapatawa ni Robin sa TODA Max ngayong Sabado, June 16.

Guest sa episode na ito ang komedyanteng si Bayani Agbayani na gagampanan ang karakter na si Thor. Siya ang matador na suki ni Justin (Vhong Navarro).

Hindi masyadong bibigyan ng pansin nina Tol, Isabel (Angel Locsin), at ng mga bata si Justin kahit na papalapit na ang kanyang pag-alis.

Kaya nang inaya siyang mag-inuman ni Thor, agad na papayag si Justin.

Ngunit tuwing nakakainom si Thor ay umiinit ang ulo niya. Bigla namang nawala si Justin pagkatapos ng kanilang inuman.

Nasaan na kaya si Justin? Kaya ba siya nawala ay dahil minatador na siya ni Thor?

Abangan ang mga kapanapanabik na pangyayari sa TODA Max ngayong Sabado, June 16, sa ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN