Goin’ Bulilit brings laughter to fathers this Sunday


Ngayong araw na ito ang espesyal na pag-alaala sa mga tatay.

Siguradong mag-e-enjoy ang mga tatay at ang kanilang mga anak ngayong Linggo sa panonood ng Goin’ Bulilit dahil napapanahon ang mga jokes na hatid para sa Araw ng mga Ama.

Abangan ang pagganap ng GB kids sa mga makabayang sundalo kung saan susubukan nila ang buhay barracks.

Dagdag pa sa buhay militar na gagayahin ng mga GB kids, magkakaraon sila ng “Military Chant” habang ipagpapatuloy nila ang nakakatawang “OA Family.”

Mayroon din silang espesyal na hatid para sa mga tatay, ang nakakatawa na “Like Father, Like Son,” kung saan gagayahin nila ang mga ama ng tahanan at kung papaano nila sinusuportahan at pinapasaya ang kanilang mga anak.

Samahan ang ilang mga GB kids tulad nina Casey de Silva, Blythe Gorostiza, Harvey Bautista, Belinda Mariano, Mutya Orquia at iba pa.

Magbigay-pugay sa pagmamahal at pag-aaruga na hatid ng ating mga ama; patawanin siya sa isa na namang episode ng Goin’ Bulilit ngayong Linggo ng gabi, June 17, 2012, pagkatapos ng TV Patrol Weekend, sa ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN