Maxene Magalona talks about her co-stars in Faithfully

Faithfully revolves around a group of friends portrayed by (from left) Isabel Oli, Maxene Magalona, Michelle Madrigal, Vaness del Moral, and Isabelle Daza.


Isa sa si Maxene Magalona sa limang bidang babae sa panghapong teleserye ng GMA-7, ang Faithfully. Kasama niya rito sina Michelle Madrigal, Isabel Oli, Vaness del Moral at Isabelle Daza. Kabilang din sa cast sina Mike Tan, Marc Abaya, Will Devaughn, Kevin Santos, Victor Aliwalas, Timmy Cruz at Chanda Romero.

Paglalarawan ni Maxene sa kanyang role, “Ako dito si Stella Quillamor. Isa akong tindera sa flower shop. Simple lang ako dito. Kaibigan ko sina Michelle pero siyempre iba ang estado ng buhay ko kaysa sa kanila. Mahirap ako, mayaman sila.

“Si Michelle ang bestfriend ko. Si Vaness naman ang kaibigan nina Michelle at Belle [Isabelle]. Magkakaroon kami ng kaugnayan sa isa’t isa. Ngayon si Isabel lumaki naman siya sa mundo nina Mike Tan which is later on malalaman n’yo kung saan yun. Pero isa rin siya sa mga babaeng makakasangga ko.”


Tipong “frenemies” – friends and enemies – daw ang relasyon ng mga karakter nila rito.

“Oo, parang ganun. Hindi mo alam. Kaya ang title ng show na ito is Faithfully kasi di ba when you say unfaithful or faithful, ang unang tingin is palaging sa relationship kaagad with a boyfriend or girlfriend o sa mag-asawa. But really, when you’re asked if you’re faithful or unfaithful, hindi lang iyan sa partner mo, but also sa family, sa friends, sa lahat ng tao sa buhay mo.”

HER CO-STARS. Bagama’t lima silang aktres na mga bida sa Faithfully, wala naman daw nangyaring sapawan sa role o sa istorya. Kumusta naman ang pakikipagtrabaho niya sa mga co-star niyang girls?

“I’m really glad na makakatrabaho ko sila kasi first time ko silang makakatrabaho, eh, all the four girls. Ang saya nilang katrabaho.”

Ano naman ang masasabi niya sa bawat co-star niya?
“Si Michelle, ang galing ng atake niya sa role niya. Hindi ko inakala na kaya niyang gawin yun. She acts well with her eyes, ang galing, napaka-expressive.

“Si Vaness, ang husay-husay niya kasi dito sa story siya talaga yung mataray at aggressive. And usually pag kontrabida talagang palasigaw pero siya yung class ang dating niya, subtle pero mataray.

“Si Liv [Isabel Oli], nakita ko yung ginawa niya and I’ve seen her before in her other shows. Wala akong masasabi kasi napakagaling din ni Liv and iba yung role niya rito kasi siga siya rito, eh.

“Si Isabelle Daza… I even told Belle this kasi nagulat ako sa kanya. Sabi ko, ang ganda agad ng show na ibinigay sa kanya ng GMA. Introducing siya rito and she’s doing very well. I can say that because I’ve worked with a lot of newcomers and I was once a newcomer before, so I can say na Belle is a natural.”

Ayaw namang sabihin ni Maxene kung sino sa apat na aktres ang magiging kaagaw niya sa pag-ibig kay Marc Abaya, na magiging asawa niya sa istorya.

Sa pagpapatuloy ng istorya, malalaman ni Stella (Maxene) na may plano siyang iwan ni Kevin (played by Marc Abaya) at mayroon pala itong ibang babae. Suspetsa ni Stella na ang mystery lover ni Kevin ay si Dina (Vaness del Moral) ngunit itinanggi niya ito.

Malalaman ba ni Stella kung sino ang mystery lover ng kanyang asawa? Sino sa mga kaibigan niyang sina Dina, Luchie (Michelle Madrigal) at Misha (Isabelle Daza) ang nagsasabi ng totoo?

QUEEN OF AFTERNOON SOAPS. Mas madalas mapanood at maging bida sa afternoon soap si Maxene, may mga nagsasabi ngang pwede na raw siyang maging contender para maging Queen of Afternoon Soaps lalo pa’t pawang mga top-rater din naman ang nagawa niyang shows in the past. Ano ang masasabi ni Maxene dito?

“Siyempre, I’m very thankful sa GMA for always giving me show sa afternoon prime slot. Suki na talaga ako dito kaya I love it. I’m enjoying every show that I do for GMA Afternoon Prime. Actually, every time I do a show hindi ko naman talaga ine-expect na laging mataas yung ratings. I always just do my best. And I had fun, that’s the most important thing. Mahirap yung trabaho pero enjoy ka na lang. And then later on you will be blessed for the hard work you always do.”


Directed by Mike Tuviera, ang Faithfully ay kasalukuyang napapanood mula Lunes hanggang Biyernes sa GMA Afternoon Prime.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN