BB Gandanghari cast as a fairy in TV5 fantaserye; will work with Zoren Legaspi for the first time


Marami ang nag-abang sa pagbabalik Pilipinas ni BB Gandanghari lalo na’t matagal siyang nawala mula sa showbiz.

Isa si BB Gandanghari sa mga kaibigan ni Ruffa Gutierrez na dumalo sa kanyang birthday celebration na ginawa sa Payatas noong June 16 (Sabado). In partnership with Habitat for Humanities, nagkaroon ang TV host-actress ng Birthday Build kunsaan tumulong ang mga bisita na magtayo ng mga bahay para sa mga public school teachers. Isa si BB sa nag-participate sa paggawa ng bahay para sa mga kababayan natin sa Payatas.


(CLICK HERE to view photos taken during this event)

Sa previous interview ni BB sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sinabi niya na ang karakter niya ay isang mayaman ngunit suplada na may-ari ng isang beauty spa. Mayroon siyang lihim na pagkatao at ito nga ay ang pagiging isang engkantada.

Sa Enchanted Garden, makakasama ni BB si Zoren Legaspi sa unang pagkakataon. Si Zoren ay gaganap bilang isang kawal sa kaharian ng Eden na magmmahal sa isang engkantada na gagampanan ni Alice Dixson. Kapatid naman ni Alice ang mga karakter na gagampanan nina Rufa Mae Quinto at Ruffa Gutierrez. Si Ruffa ay ang kontrabida na siyang gustong makamit ang pag-ibig ni Menandro (gagampanan ni Zoren).

Bago nagsimula ang Birthday Build ay nakausap ng PEP.ph si BB Gandanghari tungkol sa bago niyang proyekto sa TV5 at ito ang kanyang ilang pahayag:

Buti po nakapunta kayo rito sa birthday celebration ni Ruffa Gutierrez sa Payatas.

“Nagpapasalamat ako kay Ruffa na naimbita ako at binigyan ako ng pagkakataon na mag-paticipate for a very good cause and for giving me this great opportunity. Happy Birthday Ruffa!”

Mayroon na po ba kayong project na gagawin sa pagbabalik n’yo rito sa Pilipinas?

“Abangan n’yo yung teleserye ko sa TV5 yung Enchanted Garden. Start na kami ngayon ng shooting then airing na kami mga second week of July this year.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tungkol po saan itong bago ninyong teleserye?

“Abangan nyo ako rito, dahil isa akong engkantada rito na galing pa sa Middle Earth. Makakasama ko sina Alice Dixson, Ruffa Gutierrez, Rufa Mae Quinto, Zoren Legaspi, Wendell Ramos, Gladys Reyes, Evangeline Pascual at marami pang iba, basta maganda yung casting nito.”

“This is the first ever fantaserye ng TV5, saka isa daw sa pinakamalaking teleserye ng singko, kaya dapat nilang abangan talaga.”

“Maganda yung istorya, para kasing galing ako sa Engkantansya, dun sa Enchanted Garden nga na dumating dito sa present world para protektahan ko yung…Mahirap kasi ikwento kasi malalaman n’yo yung gist nung istorya. Pero isa lang masasabi ko, ang ganda ganda nung project na ito para sa akin.”

Kamusta naman po kayo bilang isang engkantada sa fantaseryeng ito ng TV5?

“Hahaha! First time to be an engkantada, 'eto na yun…Engkantada ako rito. I like the role, aabangan nila yung mga isusuot ko rito, bongga talaga! Bonggang bonga!”

Pumirma na po ba kayo ng kontrata sa TV5?

“Hindi pa, pero I’m glad na binibigyan ako ng ganitong project ng TV5. This is my very first big project with them, big big project sa TV5.”

Are you staying here in the Philippines for good?

“Siguro, aalis din ako for a while after this one, mag te-taping lang ako, raratsadahin ko yung taping for Enchanted Garden. After taping, aalis din ako, pero babalik din ako agad.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN