Miles Ocampo gets closer to LUV U co-star Marco Gumabao


Inamin ni Miles Ocampo na mas nagiging close na sila ng on-screen partner niya na si Marco Gumabao sa teen comedy show na LUV U.

Ngunit kaiba sa kanyang role sa palabas, hindi pa raw handa si Miles na makipag-relasyon. “Yung career ko po muna at yung pag-aaral ko yung mas mahalaga,” sabi ng teenstar.

Tuluy-tuloy pa rin nga ang regular schooling ni Miles sa St. Anthony School. Pero hindi nito ikinakaila na may mga nanliligaw na rin sa kanya.

Sabi nga niya, “Alam po ng mga magulang ko na may mga nanliligaw sa akin pero hindi ko po sila masyado ini-entertain kasi po ayoko pa po.”

Ayon kay Miles, parang sobrang close lang sila na magkakaibigan sa taping. Puro tawanan at kulitan, pero siyempre, pag taping na ay kailangan nang magseryoso.

“Mas lalo po tumatag yung friendship naming lahat, lalo na po na second season na at mas mahaba po yung pagsasamahan namin.”

Samantala sa LUV U, pupunta ang magpipinsan na sina Camille (Miles), April (Angeli Gonzales) at Whitney (Kiray Celis) sa all-girl event sa bowling alley para sa isang victory party. Desperado naman ang mga boys na sina JB (Marco), Boom (CJ Navato) at Rocky (Igiboy Flores) na makausap ang mga girls dahil sa kasalanan na nagawa nila.

Makakakilala naman sina Principal Spencer (Smokey Manaloto) at Mang Ariel ng isang Koreana (Jinri Park) at tuturuan nila itong mag-bowling.

Ano kaya ang gagawin ng mga boys para makapasok sa bowling alley? At sino naman kaya ‘yung magandang dilag na kinahuhumalingan nina Principal Spencer at Mang Ariel? Alamin sa LUV U ngayong Linggo, June 24, pagkatapos ng ASAP 2012 sa ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN