Krystal Reyes portrays a mentally challenged girl in GMA-7’s afternoon drama series Hindi Ka Na Mag-Iisa

Krystal Reyes (in photo) will be Jennylyn Mercado’s younger sister who is mentally-challenged in Hindi Ka Na Mag-Iisa. GMA-7’s upcoming drama series also stars Sid Lucero and Frank Magalona, who will be Jennylyn’s leading men.


Isang challenging role ang gagawin ni Krystal Reyes sa upcoming afternoon drama series ng GMA-7 na Hindi Ka Na Mag-Iisa.

Gaganap siya bilang si Angelica, ang mentally challenged na kapatid ni Elisa na gagampanan ni Jennylyn Mercado.

Inilarawan sa amin ni Krystal ang kanyang karakter nang makapanayam namin siya kagabi, Hunyo 27, sa presscon ng Hindi Ka Na Mag-Iisa sa 17th floor ng GMA Network sa Timog Avenue, Quezon City.

“Mentally challenged, mababa ‘yong IQ niya.

“Kung titignan mo siya, para siyang normal, pero kapag nakita mo na siyang kumilos, magsalita, doon mo malalaman na may problema.

“Ano po, siya naman po wala naman po siyang parang mannerism, wala po siyang gano’n. ‘Yong pananalita na lang po, medyo parang putul-putol, parang baby talk, parang gano’n po.”

Matinding paghahanda raw ang ginawa ni Krystal, bukod pa sa workshops niya kasama si Jennylyn.

Kuwento niya, “Nagpunta po kami sa school ng mga special children.

“‘Tapos may nakausap din po kaming doctor kung ano ba ang ginagawa ng isang mentally challenged, kung paano siya magsalita, kung paano feelings niya, mga ganyan po.”

WORKING WITH JENNYLYN. Nabanggit ni Jennylyn na malaki ang potensyal na nakikita niya kay Krystal pagdating sa pag-arte.

Si Krystal naman, hangang-hanga sa pagiging mabait ni Jennylyn kahit pa mas bihasa na itong umarte kaysa sa kanya.

“A, siyempre po masaya.

“‘Tas ang bait-bait po ni Ate Jen, tatlong beses ko pa lang po siya nakakasama, sa workshop po at saka sa two taping days namin.

“‘Yon po, mabait naman po si Ate Jen, hindi ka po mahihiyang lumapit sa kanya, hindi niya po ipinaparamdam sa ’yo na magkaiba tayo parang gano’n, hindi niya po pinaparamdam ‘yon.”

Kutunayan nga daw, inaalalayan pa siya nito sa pag-arte, lalo na at mahirap ang role na kanyang ginagampanan.

Kuwento pa ni Krystal: “May eksena na tinulak ko po siya, sabi niya, ‘Sige, tulak mo lang ako, okay lang,’ sabi niya pong gano’n.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“‘Tapos ‘yong pagsasalita po na sabi niya medyo bagalan o medyo bilisan, puputulin sa ganitong part, gano’n po.”

NO LOVE TEAM. Simula nang pumasok si Krystal sa showbiz noong 2006, ilang mga batang aktor na din ang naka-love team niya.

Pero wala man parmanent na love team partner, hindi naman nawawalan ng proyekto si Krystal sa Kapuso network.

“Siyempre po masaya po!” bulalas ng batang aktres ng tanungin namin ang opinyon niya tungkol sa hindi niya pagkakaroon ng ka-love team.

“Kasi ‘di ba po lahat sila may mga partner na?

“So, ako po masaya ako na kahit mag-isa ako napapansin pa rin ako, binibigyan pa rin nila ako ng show kahit ako lang mag-isa, na walang ka-love team.”

Gayunman, aminado ang batang aktres na minsan ay pinapangarap niya din na magkaroon ng permanenteng onscreen partner.

Paliwanag niya, “kasi ‘yong mag-isa okay kasi sanay na po ako. Siguro ‘yong may kasama, masaya kasi mayro’n ka nang kasama sa set na ka-age mo, ganyan po.”

Abangan ang gagampanang challenging role ni Krystal sa upcoming drama series ng GMA-7 na Hindi Ka Na Mag-iisa.

Ang iba pang magsisiganap sa naturang programa ay sina Jennylyn Mercado, Sid Lucero, Frank Magalona, Glydel Mercado, Lloyd Samaritano, Angelu de Leon, Saab Magalona, Liza Loreno, Carl Guevarra, Joey Paras at Mosang.

Ito’y sa direksyon ni Direk Gil Tejada Jr. na magsisimula na sa Hulyo 9, pagkatapos ng Eat Bulaga!, kapalit ng Hiram na Puso.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN