Jane Oineza is glad that her "Cursed Beauty" episode has been approved for airing by the MTRCB

Jun 28, 2012

Tila nabunutan ng malaking tinik sa dibdib niya ang former Goin’ Bulilit child star na si Jane Oineza nang makumpirma niyang mapapalabas na ang kontrobersyal na episode ng Maalaala Mo Kaya na siyang kauna-unahan niyang starring role. Ang "Cursed Beauty" episode ng MMK ay tungkol sa isang dalagitang hinalay ng kanyang amain sa tulong ng mismong nanay niya, na ginampanan ni Angel Aquino. Ito ay mapapanood na ngayong Sabado (Hunyo 30).

“Napatalon po talaga ako sa tuwa noong na-confirm kong ipapalabas na ‘yung episode naming, “sabi ni Jane. “Sa totoo lang, sobra po akong nag-pray na ma-approve na siya na i-ere. Kaya masayang-masaya po ako nung narinig ko yung balita.”

Ikinuwento pa ni Jane na tulad ng ibang viewers na unang nakapanood ng teaser, natakot din siya pero naintriga sa lifestory ni Nene. Aniya, “Noong una, medyo kinakabahan po akong gawin yung role. Pero pagkatapos kong mabasa yung script, na-realize kong handa ako at gusto kong gampanan ang challenging na karakter ni Nene.”

Continue reading below ↓

Nang tanungin sa kung ano ang dapat tutukan ng mga excited nang mapanood ang episode niya, isang simpleng "patikim" ang ibinigay niya. “Sa kuwento ni Nene, natutunan ko ang halaga ng pagigiging matatag, na hindi tayo dapat sumuko. Dahil kung meron man tayong mga pagdadaanan sa buhay, hindi dapat nating hayaan na sirain nito ang ating kinabukasan,” pahayag ni Jane.

Mula sa unang rating na ‘X,’ binigyan na kamakailan ng MTRCB ng rating na 'SPG' na o 'strong parental guidance' ang mapangahas na "Cursed Beauty" episode. Ang ‘SPG’ rating ay ipinagkaloob sa naturang palabas matapos dumaan sa masusing proseso ng ahensya magmula nang i-postpone ang pag-ere nito noong Hunyo 2.

Kasama ni Jane sa MMK episode sina Angel Aquino, Carlos Morales, RS Francisco, Vangie Labalan, Ana Abad Santos, Archie Alemania, Gerald Madrid, Jacko Benin, Kyline Alcantara, Liz Alindogan, Jesette Prospero, Minco Fabregas, at Elaine Quemuel. Ito ay sa ilalim ng pagsasaliksik ni Mae Rose Balanay, panulat ni Benson Logronio, at sa direksyon ni Nuel Naval.

Continue reading below ↓

Tuklasin ang nakaantig na kuwento ni Nene sa isa na namang heavy drama episode ng Maalaala Mo Kaya (MMK), ngayong Sabado ng gabi, pagkatapos ng Wansapanataym sa ABS-CBN.


Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results