Bimby gets jealous of a little girl; walks out on Kris Aquino

Bimby (left) became upset when he saw his mother, Kris Aquino (right), hug Ronald Singson’s daughter Sam. Kris always reminds people not to hug her in front of her youngest child because he gets jealous.


Tuloy pa rin ang month-long celebration para sa 1st anniversary ng morning talk show ni Kris Aquino sa ABS-CBN na Kris TV.

Simula noong Lunes, Hunyo 25, ipinapakita sa naturang morning show ang pagbisita ni Kris sa probinsya ng Ilocos.

Kasama sa kanilang pamamasyal sa naturang probinsiya ang anak ni Kris na si James “Bimby” Yap, malapit na kaibigan na si John “Sweet” Lapus, si Ronald Singson, at ang anak nitong babae na si Sam.

Naging usap-usapan naman ang episode kanina, Hunyo 29, na kinunan sa Baluarte, ang zoo na pagmamay-ari ng mga Singson at isa sa mga tourist attractions ng naturang probinsya.

Habang naglilibot sa naturang zoo ay tumakbo papalapit si Sam sa kanilang grupo. Ang hindi inaasahan ni Kris, niyakap siya ng batang babae.

Nasaksihan ni Bimby, ang anak ni Kris sa basketbolistang si James Yap, ang nangyari at makikitang hindi niya ito nagustuhan.

Pagayakap ni Sam sa kanya’y tinanong ni Kris: “Oh, what?”

“Pink” lang ang sagot ni Sam.

Hindi naman hinayaan ni Kris na umalis sa kanyang tabi si Bimby, at niyayakap din. Katunayan ay sinama niya pa ito sa pag-uusap nila ni Sam.

Baling niya, “Bimbs, you bring her pink, okay?”

Muling niyakap ni Sam si Kris at nilaro ang shades ni Kris na nakasabit sa bulsa nito.

“Pink shades, she wants pink shades,” pagbabahagi ng Kapamilya host-actress.

“You’re getting jealous?” tanong ni Kris sa anak na unti-unting lumalayo sa kanya.

Maya-maya pa ay lumakad palayo si Bimby mula sa kanila. Sinubukan pang tawagin ni Kris ang kanyang anak ngunit hindi siya nililingon nito.

Ani Kris, “Ayan na naman siya, come here!

“Kasi sanay sa pagiging only baby.

“Bimby come here! Bimb, ‘wag kayo diyan!

“Ito na naman tayo sa habulan!”

Dati pa ay madalas sabihin ni Kris na ‘wag siyang yayakapin sa harap ng bunsong anak dahil nagseselos daw ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maya-maya pa ay sinundan ni Sam si Bimby at tila sinusuyo ito na ‘wag nang magtampo.

Ipagpapatuloy naman nina Kris ang kanilang tour nang hindi kasama ang dalawang bata.

Nasa butterfly garden sila nang dumating si Bimby, na agad namang sinalubong ni Kris ng yakap at sinabing, “I’m sorry…”

Hindi agad nawala ang pagtatampo ni Bimby, hanggang sa muli itong kinausap ni Kris.

“Don’t hate me,‘cause you love me,” panunuyo ng aktres sa anak.

Biglang umiyak si Bimby at sinabing, “because… because you hugged another child…”

Muli siyang niyakap at hinalikan ng kanyang mommy Kris, ngunit patuloy ang pag-iyak ni Bimby. Kaya naman biro ni Kris sa anak, “Oh, come na, let’s hug na lang forever and ever, amen!”

Kuwento pa ni Kris, sinabi pa raw ng kanyang bunsong anak na, “I’ll make you sumbong to kuya.

“My mama hurt my feelings.”

Hindi naman nagtagal ay tumigil na sa pag-iyak si Bimby at nagpatuloy na sila sa kanilang pamamasyal sa Ilocos.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN