Gelli de Belen will “temporarily” replace Amy Perez in hosting TV5's Face to Face

Amy Perez (not in the photo) personally recommended Gelli de Belen (in photo) as her “temporary” replacement as host of Face to Face. Amy cannot continue hosting TV5's talk show because of her delicate pregnancy.


Pansamantalang mawawala si Amy Perez sa kanyang public-service show na Face to Face dahil sa kanyang delicate pregnancy.

Kaya naman, ang kanyang kaibigan at dati na rin katrabaho na si Gelli de Belen muna ang papalit sa kanya.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment press sina Amy at Gelli noong July 5 sa presscon ng Face to Face na ginanap sa Napa restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

Malungkot si Amy na kailangan niyang iwanan pansamantala ang kanyang programa, ngunit kailangan niya raw isaalang-alang ang kanyang ipinagbubuntis na ikalawang anak sa partner na si Carlo Castillo.

“Siyempre for the past two years, ‘yong Wednesday at Thursday ng buhay ko nakalaan ‘yon sa Broadway studio, e.

“So, ‘yon ang mami-miss ko, ‘yong nando’n ako.

“So far naman kasi nagte-taping pa kami ng ano, e, pang-reserba. So, most likely baka may umere pa ng August or September until hindi na talaga ako mag-taping.”

TEMPORARY ONLY. Nabanggit ni Amy na siya mismo ang pumili kay Gelli para pumalit sa kanya pansamantala sa pagho-host ng Face to Face.

“Kasi si Gelli nakatrabaho ko na din naman siya, that’s one,” sagot ni Amy nang tanungin kung bakit si Gelli ang kanyang inirekumindang pumalit sa kanya.

“Two, alam ko siya ‘yong type na, alam mo ‘yon, pakikinggan ‘yong mga problema ng mga nagiging bisita namin sa Face to Face.

“‘Tapos alam ko din na she has the wisdom to guide them and also nando’n ‘yong… alam mo na witty din si Gelli, she’s very jolly, she’s a happy person, plus the fact na alam kong magugustuhan siya ng maraming beki [gay].”

Pero, nais daw bigyang diin ni Gelli na “temporary” lamang ang pagpalit niya kay Amy.

Gusto raw niya itong linawin dahil, “people are going to be sensitive about Tiyang Amy being away, kasi nakaka-relate talaga sila kay Tiyang Amy bilang parang taga payo, parang kaibigan, nakakatanda na pwede mong… feeling ko gano’n talaga ang relationship ni Amy sa kaniyang viewers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And I just want to make it clear na panandalian lamang po ito, habang buntis lang hanggang sa manganak si Amy, ako papalit sa kanya, so relyebo lang po ako.”

Nakapag-taping na ng apat na episodes si Amy, at paglalarawan niya, “kakaloka” at “nakakahilo” raw ang mga taong sinusubukan nilang pag-ayusin.

“Hosting Face to Face is no joke,” pag-amin ni Gelli.

“Kaya hands down talaga ako kay Amy. What she’s doing for the past two years, sa staff.

“I just hope that I do justice at maayos kong magawa ang trabaho ko. Kasi alam kong grabe ang paghihirap nila para maging ganito ang Face to Face ngayon.”

NEW HOSTING EXPERIENCE. Mayroon daw mga pagkakataon na nagugulat siya sa mga dahilan ng pag-aaway ng mga naiimbitahan nila sa studio.

Pero matapos ang kanyang apat na taping days, naunawaan na raw niya na ang mukhang maliliit na isyu lamang sa atin ay malaking bagay sa kanila dahil araw-araw nila iyong pinagdadaanan.

“Nakakagulat ‘yong amount of galit na mayro’n sila isa’t isa, na sa isang iglap na kapag naliwanagan na, napayuhan na, at saka kapag nakikita na nila ‘yong nangyayari, kapag nagkikita-kita na silang lahat parang sa isang iglap nagiging willing silang ma-solve ‘yong problema.

“Kasi parang sukdulan na ‘yong nangyayari, e, ‘di ba? Parang ito na ‘yong climax of the fight, climax of the problem and the conflict.

“Once they really see it happened for themselves parang there’s nowhere to go but fix this, so, by the end of the show, nagiging willing talaga silang ayusin.”

Inamin din ni Gelli na hindi maiiwasang madala ka sa mga isyung pinag-uusapan sa bawat episode.

Pero parang sa pag-aartista lang daw, hindi mo dapat dalhin pag-uwi ang anumang mood na mayroon ka habang nagte-taping.

“You have to para maintindihan mo sila at that moment in time. Para maintindihan mo sila, malaman mo kung saan sila nanggagaling, makahanap ka ng maaaring solusyon, ‘yong makatulong, kailangan, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang preparation ko lang is not to preconceive the opinion, in regards to whatever episode we will do.

“Kaya nga sinasabi ko sa kanila, ibigay nila sa akin ang istorya right on the show or the day itself.

“Kasi kapag binigay nila sa akin a day before or days before, magre-research ako, e, so ‘pagdating ko sa set mayro’n na akong prejudice.

“Dapat walang gano’n, dapat talaga patas lang.”

Matagal din na si Gelli ang makakasama ng mga manonood ng Face to Face sa pagreresolba ng iba’t ibang isyu.

Kaya naman, kung sakaling i-alok daw sa kanya ang pagho-host ng show kasama si Amy, natatawang sagot ni Gelli, “That is something I would consider, I wouldn’t have a problem with.

“But, since hindi pa nila ino-offer, hindi ko pa iko-consider. Pero I would be open, of course.

“Pero ‘wag nating ilagay do’n dahil si Tiyang Amy ay si Tiyang Amy, show niya ito.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN