Richard Yap says about leading lady Jodi Sta. Maria: "I see her as an intelligent person and very strong woman."

(From left) Mutya Orquia, Richard Yap, and Jodi Sta. Maria topbill ABS-CBN's upcoming teleserye Be Careful With My Heart.


Isang “feel good” teleserye ang matutungahayan ng mga manonood sa ABS-CBN Prime-Tanghali simula ngayong Lunes, July 9. Titled Be Careful With My Heart, ito ay pagtatambalan nina Richard Yap at Jodi Sta. Maria. Si Richard ay unang nakilala bilang Papa Chen sa Kim Chiu-starrer na My Binondo Girl.

Sa press conference kamakailan ng naturang show, sinabi ni Jodi na malaki ang pasasalamat niya na pinili siya ng ABS-CBN na maging leading lady.

“Espesyal sa amin ni Papa Chen ang teleseryeng ito dahil bukod sa una naming tambalan ang teleseryeng ito, sa edad namin ito ay love team kami, di ba? Ito rin ang teleserye na sa unang pagkakataon ay bida ako at masasabi kong teleserye ko.”

Nang tanungin tungkol sa kanyang character, sabi ni Jodi: “Ako rito si Maya dela Rosa. Isa siyang probinsyana, mapagmahal siya sa pamilya niya, siya yung tipo ng tao na gagawin ang lahat para sa pamilya. Isa lang naman ang dream niya sa buhay: na maging isang flight attendant. Gagawin nya ang lahat para ma-achieve niya yung dream niya na yun, yun nga hanggang sa makarating siya sa Manila at nagkakilala sila ni Mr. Richard Lim. Very positive yung outlook niya sa buhay, maganda yung disposisyon niya. Siya yung klase nang tao na walang impo-imposible, lahat pwedeng gawan ng paraan.”

Si Richard Yap naman ang gaganap bilang Richard Lim. Aniya, “I’m a widower with 3 kids, kasi busy sa work, tapos medyo heart broken nga kasi I lost my wife. Hindi ko sila naasikaso, kaya I need somebody to take care of them, kaya I looked for a nanny [to be played by Jodi].”

Sa matagal na pagkawala sa telebisyon nina DivinaValencia, Gloria Sevilla at Robert Ortega ay buong giliw naman silang nagpasalamat sa Kapamilya Network dahil binigyan sila ng pagkakataon na magbalik telebisyon. Ito ang pahayag nila tungkol sa kanilang mga roles.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Divina Valencia: “Ako si Mamang, isa akong bingi na anak ko si Sylvia, apo ko si Aiza [Seguerra] at Jodi. Napakasaya sa taping, napakasarap nila kasama, napakagaling ng mga bata at ako ay enjoy na enjoy sa pagbabalik telebisyon ko.”

Gloria Sevilla: “Isa akong mayordoma ni Richard Yap sa bahay, maalaga sa mga anak niya at mabait ako rito, lahat ng problema ni Richard dito ako ang sumasagot at pinagkakatiwsalaan niya ako sa bahay.”

Robert Ortega: “Ako naman po, I play the role of Fred, secretary ako ni Papa Chen rito, friend niya rin at alter ego. Nagpapasalamat ako sa Abs-Cbn kasi binigyan ako ng chance makabalik sa telebisyon.”

Kwela namang isiniwalat ni Aiza na isang mother role ang kanyang gagawin para as teleseryeng ito.

Aiza Seguerra: “Nagulat na lang ako na may anak na pala ako sa show na ito. Ako po rito si Kute, nakakatandang kapatid ni Jodi. Masakit po sa akin na ako ang nakakatandang kapatid niya. Ako po ay isa nang nanay dito, eto yung una kong soap na mother role na ako. Nag go grow na rin ako bilang artista. Yun po ang role ko, nanay na kalbo at may tattoo. Kung bakit Kute name ko? Dahil kuya at ate ako rito kaya Kute.”

Ang anak naman ni Aiza sa teleserye ay si JM Ibanez. Siya ang gumanap kay Cho na isang, tourist guide.

Parakay Sylvia Sanchez, matagal na raw niyang pinapangarap na gumawa ng isang comedy role sa isang teleserye dahil puro daw kontrabida ang papel niya sa telebisyon. This time raw ay natupad na ang pangarap niya na magkaroon ng comedic role.

Sylvia Sanchez: “Ako po rito si Teresita, ina po ako ni Jodi at Aiza, anak po ako ni Tita Divina, apo ko si JM. Mabait po ako rito. Ang kaibahan po nito sa show namin na Mundo Man ay Magunaw, doon po ay sobrang sama ko dun, dito po ay nakakatawa kami. Natutuwa po ako, kasi iba naman po yung makikita nyo pong role sa kin rito.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maihahalintulad ang Be Careful With My Heart sa Sound of Music dahil tulad ng nasabi ni Papa Chen ay may mga anak siya rito at kinakailangan niyang maghanap ng yaya para sa mga ito. Heto naman ang pahayag ng tatlong anak ni Papa Chen sa teleseryeng ito:

Mutya Orquia: “Anak po ako rito ni Papa Chen na hindi rin po ako masyadong nakakarinig rito.”

Janella Salvador: “Ako po rito ang pangalawang anak ni Papa Chen, ang role po rito ay medyo mataray, kasi medyo na push po ako na maging mother of the family kasi nga po namatay yung mother ko rito.”

Jerome Ponce: “I play as Luke, ang eldest son ni Papa Chen. Aside na father ko si Papa Chen, best friend ko rin po siya rito, pero mula po nung nawala mother namin, naging rebelde po ako rito. Parang galit sa mundo po.”

Ano naman ang masasabi nina Richard Yap at Jodi Sta. Maria nang pagtambalin sila sa unang pagkakataon sa teleserye na ito?

Richard Yap
: “This is the first time na magkasama kami ni Jodi, but in the short time the we’ve been together, I see her as an intelligent person and very strong woman. We have lots of things in common, kaya nagkakaintindihan kami. I find her a very fine actress. I admire her a lot for all the things that she accomplished and as person as well.”

Jodi Sta. Maria: “Hindi mahirap pakisamahan si Richard at nakikita ko rin naman sa kanya yung willingness niya na matuto sa work, yung pagmamahal niya dun sa new found love niya, which is acting. Yung professionalism nandoon sa kanya. Saka para kaming partner na dalawa eh, maging sa mga promo or eksena sa taping, pinag-uusapan namin kung anong gagawin namin, kumbaga, we support each other.”

Mapapanood ang Be Careful With My Heart bago It’s Showtime sa ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN