Lolit Solis will face Michael V and Ogie Alcasid in Pare & Pare


Ngayong Linggo (July 8), makikisaya ang Startalk host at star maker na si Lolit Solis sa kuwentuhan at kantahan kasama sina Michael V at Ogie Alcasid sa Pare & Pare!

Deretsahan kayang sasagutin ni Lolit Solis ang mga tanong nina BETCH FRANCISCO at RAY-KI LO tungkol sa mga scandal na kinasangkutan niya, mga pasaway niyang alagang aso at artista at ang kanyang love life? Abangan kung may mahaharbat si Lolit Solis matapos ang kanyang interview.

Sa MASA POLL, isang nakakalokang panukala ang pakikialalaman ng magkumpare para malaman ano ang sigaw ng bayan tungkol sa P8.00 coin na ilalabas daw para hindi na mahirap ang pagbabayad ng barya sa jeep.

Maanghang naman nilang pag-uusapan ang mga nasa balita ngayong Linggo, mula sa mga kapitan ng barko at mga idol sa basketbol, kasabay ng kantahan ng hit song na DOMINO.

At may bago pa silang pauso… ang KUHA MO. Tiyak na katatawanan ang resulta pag pinakita nina Pareng Bitoy at Pareng Ogie ang mga kuha nila ng mga tindahan na kakaiba ang pangalan.

May pahabol din silang mga tweets ng mga artista para maka-inspire sa parating na Linggo. Sino ang mga ito? Malalaman n’yo bago kantahin ng dalawang talented hosts ang hit song na GLAD YOU CAME.

Samahan sina Michael V at Ogie Alcasid sa Pare & Pare ngayong Linggo ng gabi (July 8) sa GMA Sunday Grande, pagkatapos ng Pinoy Adventures.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN